Marco's POV
~5 years later
Limang taong lumipas mula nangyari yung insidente na yun, Halos binaon ko na lang sa limot ang lahat lahat, masyadong masaklap ang nangyari noon, at ayaw ko na din maalala, Minsan na ako nabiktima ng taong mahal ko at ako naman magpapahirap sa kanya ngayong bumalik ako.
Ang hindi ko maintindihan, Minahal ko siya ng buong buhay ko, Ni minsan HINDI ko siya pinabayaan, bakit ganun na lang ang ginawa niya sa akin.
Papunta ako kela Anne. Oo tama siya ang babaeng minahal ko na Pinabugbog ako, Ginapos at Pinaglaruan ng mga Tambay. Nagulat ba kayo? Oo magkikita kasi kami, kahit DAW sa huling sandali. Ang hindi ko maintindihan bakit niya ginawa sa akin yun. Kung iisipin niyo si Anne ay isang magandang babae, Mahinhin at napaka-Angelic ng ugali niya kaso nagkamali ako. Grabe. Mahal pa din DAW niya ako? tskk. kalokohan yon. Sa limang taon may asawa na ako at ikakasal na ako. Mas maganda ng malaman niya yun ng hindi na siya humabol-habol sa akin.
Nang makarating na ako sa meeting place namin ni Anne nakita ko siyang naghihintay at may dalang Chocolate. Tinitigan ko mabuti yung chocolate, eto yung ginawa namin bago ako maaksidente. Ang paborito kong chocolate. Bakit papalapit ako ng papalapit kinakabahan ako.
"Hindi ako Magtatagal dito" sabi ko sabay upo sa upuan malapit kay Anne. "Ano nga pala sasabihin mo?"
"Ahh..mm." sabi niyang habang nauutal siya.
"Pwede bang pakidalian mo?" naiinip na sabi ko. habang tinitignan ko siya nakita kong may batang lumapit sa kanya.
"Mommy tapos na kami maglaro ni yaya!" napatingin yung bata sa akin "Hi po! Tito Marco. ako po pala si Marcus!" masayang bati nung bata sa akin. Naalala ko bigla na Marcus gusto niya pangalan sa magiging anak niya. Napabalik ako sa wisyo nang may inabot siya na chocolate at tinangap ko naman ito.
"Marcus, Anak dun ka muna, laro muna kayo ni Yaya sally! tumango naman ang bata biglang sagot.
"Marco, Anak kosiya 5 years old na siya. Nga pala kamusta ka na pala?" hindi ako naksagot dahil puro galit ang nararamdaman ko. Nangako siya sa akin na sa akin lang niya ibibigay ang virginity niya, tapos may Anak na pala siya. Tsk. Hindi ko na maintindihan . Bali pagkatapos nung insidente na yun. Nakuha pa niya manlalaki.
"Tsk. Hindi kana Virgin! Bakit anong nangyari ha?" sabi ko na may halong gigil.