Due to the insistent public demand, ang part two ng Magpout Ka Nga! *ten-tenenen-tenten* Maiksi lang po ang kwentong 'to. Sa mobile kasi ako nag-type. Nasira si Laffy. Huhu. Pasensya naman daw. Feed backs, ayt? Happy reading!
---
"Sha! Oh my Gee! Oh my Gee!" Napalingon ako sa likod at nakita ang dalawang bruhilda na tumatakbo palapit sa kinaroroonan ko. Nasa bleachers ako ngayon at nanonood ng soccer practice. Pagkatapos ng lunch, dire-diretso nang walang klase dahil may kailangang tapusin ang mga teachers namin para sa nalalapit na Foundation Day. Ayos nga eh. Ibinaba ko ang aking DSLR at saka hinarap ang mga lokang hinihingal pa nang dahil sa pagtakbo. Seriously, ano na naman kayang balak ng mga 'to?
"Anong meron at wagas kayo kung makatawag sa akin?" Huminga sila nang malalim at sabay na tumili sa tapat ng tenga ko! Aba naman talaga 'tong mga babaeng 'to. Inatake na naman ng kanilang megaphone syndrome. Siguro tungkol na naman 'to sa mga boyfie nila na wagas kung sila'y pakiligin. Tumitili pa rin sila kaya naman sinigawan ko lang rin sila. Okay, kami na ang tropang megaphone.
"ANO BA?! BASAG NA EAR DRUMS KO!!" Aba na naman talaga! Tinawanan lang naman ako nuong mga bruha. Naupo sila sa magkabilang gilid ko at saka sabay na nagsalita.
"Alam mo bang si Mikasdfghjkl..." 'Yan ang saad ni Jill habang nagha-hand gestures pa at halatadong kilig na kilig.
"Gruwabeh! Binata na talagasdfghjkl..." 'Yan naman ang sinasabi ni Yuki habang pumapadyak pa ang paa. TSS. Pinaglihi ata sa kabayo ang isang 'to. Sa bagay, mahaba ang biyas niya tsaka ang ganda ng legs. Pero hindi nga, anong lenggwahe ang gamit ng mga 'to? Pinapauso ba nila ang Alien Language 101? Kumuha ako ng chocolate chips sa bag ko at isinaksak ang tig-isang piraso sa kanilang mga bungangang mistulang sink hole sa laki. Kaya naman napatigil sila sa pagsasalita. I grabbed the chance to talk, habang hindi pa nila nauubos 'yung cookie sa bunganga nila.
"Ano ba kayong dalawa?! Tingin niyo, maiintindihan ko kayo kung sabay kayong magsalita? Pwede naman sigurong take turns, diba?" Naku talaga! Maaga akong pinapatanda ng mga babaeng 'to. Hinarap ko si Jill, signaling her to talk.
"Inhale. Exhale. Okay... Kyaaaah! Grabe, kinikilig ako kay Mikko! Waah! Shete! Kung wala lang akong boypren, baka niligawan ko na si Mikko kanina pa! Kyaah! Me is so kilig!" Oh-kay. Paano naman napasama si Mikko sa usapan namin? Actually, naging awkward ang atmosphere sa pagitan namin, simula nuong halikan niya ako. Ewan ko nga kung bakit eh. Siguro kasi matagal ko na siyang crush at isa talagang dream come true ang paghalik niya sa akin. >////< Nahihiya ako sa kanya kaya madalas akong umiiwas kapag nasasalubong ko siya. Kasi naman diba, kiniss niya ako eh, nobody lang naman ako sa kanya. Eeh! Tama na, baka kiligin na naman ako. "Ano bang ginawa ni M-Mikko at kilig na kilig ka d'yan?"
"Eeh! Ngumingiti na kasi siya at saka sinabi pa niya na inspirado daw siya ngayon. Waah! Sino kaya 'yung Ms. Pouty na tinutukoy niya?" Kung may kinakain lang ako ngayon, malamang sa malamang, nabilaukan na ako. Ms. Pouty? Inspired? Teka nga, bakit parang masaya ako nang marinig ko kay Jill na inspirado si Mikko nang dahil kay Ms. Pouty? Aish! Malala na ata ang asaneska syndrome ko. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa natatanong si Mikko kung bakit niya ako hinalikan. Kasi nga diba, nahihiya ako at saka umiiwas ako sa kanya. Hinarap ko naman si Yuki na nags-sparkle pa ang mga mata.
"Oo! Gyaah! Binata na talaga si Mikkoy! Sana ipakilala na niya sa atin si Ms. Pouty! Pero Sha, wala bang hurt feelings sa'yo kung makilala natin siya?" Waah! Nabibilaukan ako sa aking sariling laway. Teka, wala namang binanggit na pangalan diba? Code name lang, Sha kaya wag kang feelingerang IKAW ang tinutukoy. Ni-pat nila ang balikat ko at saka sabay na tumawa nang malakas.
BINABASA MO ANG
Wag Kang Magpout! (One-Shot)
Short Story|| T W O || ❝ Sino si Shabu para kay Mikrobyo? ❞ Bᴏᴏᴋ Cᴏᴠᴇᴙ By @iamangelynnnnnn