Pwede pa ba?

1.6K 54 15
                                    

Ako yung tipo ng estudyanteng papasok 5 mins before class. It's either late ako o sakto lang sa oras. Buti na lang yung pasok ko, hindi kasabay sa rush hour, oras ng pasok ng mga regulars.

Sa oras ng pasok ko kasi, madalas solo ko lang ang elevator . Hindi ko na kaylangan makipagsik-sikan o maghintay ng ilang akyat' panaog ng elevator bago ako makasakay.

Pero meron akong isang araw na hindi ko ipagpapalit kahit na muntik-muntik na akong madapa dahil sa pagmadali ko kasi nga late na ako.

Sakto noon pa-sara pa lang ang elevator.

"Kuya wait!" Sabi ko sa'yo. Ikaw lang kasi ang nakasakay sa elevator noon diba?

Noong nakita mo ko, agad mong pinindot yung button para mabuksan ulit ang elevator.

Our eyes met. Ngumiti ka sa'kin pero inalis ko kagad ang tingin ko sa'yo.

Pinindot ko yung 4. Nakita kong nakapindot yung 3 pero hindi ka bumaba ng 3rd floor.

Noong nasa 4th floor na tayo, hinihintay kitang bumaba pero hindi ka bumaba.

Tinignan kita. Parang pinipigilan mo yung tawa mo. Kaya dali-dali na lang akong umalis.

And that was the most awkward elevator ride I've ever had.

Pagkatapos noon, tuwing Monday and Wednesday, lagi na kitang nakakasabay sa elevator.

Kaya lang this time hindi na nakapindot ang 3 pero hindi ka pa rin bumababa ng 4th floor.

Ang weird, weird mo talaga.

Minsan may mga kasabay pa tayong mga ibang estudyante. Pero madalas tayong dalawa lang.

Pero, alam mo, mas gusto kong may mga kasama tayo noon. Kasi, doon ako nagkakaroon ng pagkakataong tignan ka. Doon ako hindi nahihiyang tumingin sa side mo.

Hindi ka naman boy-next-door kind of guy. Hindi ka rin yung tipo ng lalaking mapapalingon ang mga babae dahil mukha kang Calvin Klein model na hinulog ng langit sa University naten.

Ikaw yung tipo ng lalake na gwapo pala kapag tinitigan ng matagal.

Pero alam mo kung ano yung gustong-gusto ko sa'yo? Yung ngiti mo. Yung ngiti mong nakakatunaw.

Yung ngiti mong bumubuo ng araw ko.

*****

Friday, birthday ng kaibigan ko, nagyayaya siyang gumimik. Dahil taong bahay lang ako, pinilit lang talaga akong sumama.

Pagdating namin doon, nalaman namin na may other set of friends din pala siyang ininvite.

Nagulat ako.

Kasi nandoon ka.

Natulala lang ako sa'yo. Nakita mo ko kaya ngumiti ka sa'kin. Yung ngiti mong nakakatunaw. Ako, bilang ako, ako na naman ang tumingin papalayo.

Habang busy akong nagpapaka-KJ ,dahil ayaw ko talagang sumayaw, bigla kang tumabi sa akin.

Tumingin ako sa'yo. Ngumiti ka na naman sa'kin.

Ayan na naman yang ngiti mo.

"Hi. Ako nga pala si Mico" sabi mo habang naka-extend yung kamay mo sa'kin.

Magpapaka-bitchesa sana ako at sabihin sa'yo na, "alam ko. Pinakilala ka nga sa'kin kanina diba?"

Kaya lang gusto pa kitang makilala lalo kaya ngumiti ako at inabot ang kamay ko. "Kaye"

"Gusto mong mag-coffee?" Yaya mo.

Tinignan ko yung mga friends ko. Mukhang nage-enjoy naman sila.

At dahil kanina ko pang gustong umalis doon, tinignan ulit kita at tumango ako.

Umalis tayo doon at pumunta sa pinaka malapit na coffee shop.

Nagkwentuhan lang tayo. Nalaman ko rin yung mga noon ko pa gustong malaman tungkol sa'yo. Mula sa kung anong course mo — Mechanical Engineering, hanggang sa kung bakit lagi kang nasa St. Lourdes building.

Ang sarap mong kasama. May connection tayo kagad sa isa't isa. Nagkagaanan kaagad ng loob.

Hindi na'tin namalayan na alas tres na pala ng umaga.

Ang dami kasi na'ting kwento. Tawa tayo ng tawa.

Pero kahit almost 4 hours na tayong nag-uusap, parang bitin pa rin tayo sa oras.

Hinatid mo ko sa bahay namin. Nag-exchange tayo ng numbers.

Bago ka pa nga umalis noon hinalikan mo ko sa noo, "good night" sabi mo atsaka ka na tumalikod sa akin, pumasok sa sasakyan mo at umalis na.

Natulala ako noon. Siguro may limang segundo bago nag-process sa'kin ang ginawa mo.

Pagkatapos noon, mas naging close tayo. Mas dumadalas ang pagkikita natin.

Pero noong panahon na graduating ka na, naging busy ka na. Thesis niyo na kasi diba?

Pero hindi ka pa rin nawawalan ng time para ihatid ako sa klase o makipagkita sa'kin after ng class ko.

Hanggang sa magfa-finals na.

Madalang na lang tayong magkita. Ni-text o tawag hindi mo na nagagawa.

Hanggang sa tuluyan ka ng nawala.

Ni anino mo hindi ko na maramdaman.

Makaraan ang ilang linggo, bigla ka na lang nag text sa'kin ng "sorry.".

Sorry? Bakit? Para saan?

Hindi kita maintindihan.

Tinry kitang i-reach out pero parang nagtatago ka sa'kin.

Alam kong busy ka sa thesis mo noon. Ni-respeto ko yun. Binigay ko yung time na kaylangan mo.

Pero bakit ka nawala?

Akala ko ba may connection tayo?

Bakit mo ako iniwan?

Makalipas ang dalawang taon, nakita ko ang pangalan mo sa facebook kasi naka-tag ang kaibigan ko sa picture na in-upload mo.

Picture na galing sa photobooth.

1st birthday ng isang batang lalaki.

Tinignan ko yung pangalan ng bata.

Pangalan mo ang nakita ko.

Pinagkaiba lang, may dalawang letra sa dulo ng pangalan ng bata.

Ang sakit. Hindi ko alam kung bakit. Almost two years ng nakakaraan diba? Bakit nasasaktan pa rin ako?

Alam kong matagal ng nangyari to. Pero okay lang ba kahit gusto ko pa rin malaman kung eto ba ang dahilan ng sorry mo?

Pwede ko pa bang malaman ang rason kung bakit ka nawala?

Kung bakit mo ko iniwan?

Gusto ko lang malaman.

Pwede pa ba?

Pwede pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon