II

7.4K 241 27
                                    

Masakit pa ang ulo ni Jules nang idilat niya ang mga mata niya. The bright light that flooded the room added to the crushing headache. She squinted her eyes as she tried to make sense of her surrounding.

Puting mga dingding, komportableng kama, at malakas na air-con. She could hear a weird beeping sound and a few people talking. Pakiramdam niya any mabigat ang katawan niya at may hangin ang ulo niya. Like she was drugged or something.

"Where the hell am I?" she was startled by how hoarse her voice sounded.

"Ano ba Jules? Papasok ka pa ba?! Late ka nanaman!"

"Pasensya na Leslie, oo papasok ako, wait lang--"

Jules' eyes widened as she remembered the events that happened before she passed out. Naalala niyang nabundol siya ng isang puting Toyota at tumama ang ulo niya sa gutter. She remembered someone calling her name and shouting for an ambulance. And then it was as if the curtains closed and it was all black.

Kasabay ng pagbabalik ng kanyang alaala ay ang pagkirot din ng ulo niya. Agad niyang nasapo ang noo at naramdaman ang benda na nakabalot doon. Noon din niya napansin ang IV na nakakabit sa kaliwang kamay niya. "No--shit.."

Nasa hospital siya! It all made sense now! Nanlamig bigla ang katawan niya.

"No! My god! Hindi ako pwedeng maospital!" pinilit niyang bumangon sa kabila ng pananakit ng katawan. She winced as she tried to pull out the IV line. That's when a nurse suddenly showed up and stopped her.

"Ma'am! Huminahon po kayo! Kailangan po ninyo ang IV n'yo!"

"Please, nurse! Hindi ako pwedeng magtagal dito! Please! May trabaho ako! Kailangan kong pumasok!" kailangan niya ang bawat sentimo na kinikita niya sa pagwewaitress sa isang kainan malapit sa kanila. At kalangan din niyang bumalik sa hospital kung saan naka-confine ang Mamay niya dahil dala dala niya ang gamot na kailangang kailangan nito.

"Hindi mo ba ako naiintindihan? I need to get out of here." tinabig niya ang nurse at hinugot ang swero niya sabay bangon sa kama. She felt slightly dizzy from getting up too soon. Pero hindi napigilan niyon ang tangkang pagtakas niya.

Nakita niyang pinindot ng nurse ang isang buton at alam niyang maaalerto ang mga doktor at any minute ay darating ang mga iyon at pipigilan siya. Kaya naman nagmamadaling tinakbo niya ang pinto.

That's when it opened and in goes Jacob Alexander Mitchell. Muntik pa siyang sumubsob dito kung hindi niya naitukod ang mga kamay sa dibdib nito. Huli na nang mapagtanto niyang duguan ang kaliwang kamay niya at naihawak niya iyon sa mamahaling suit nito.

She pulled back her hand but Jake was quick. He held her bloody hand carefully in his and stared at it...almost lovingly. Like he was sad that something so beautiful was damaged. Like something he cared about deeply was hurt. Her heart shifted. "D-don't.." she rasped desperately.

"Don't what?"

Hindi niya kayang tagalan ang titig ni Jake sa kanya. Puno parin ng hinanakit ang mga mata nito at para iyong kutsilyo na bumabaon sa dibdib niya. Nanliliit siya. Naninikip ang hininga. Nahihiya.

Muli niyang sinubukan na hilahin ang duguang kamay, this time ay pinakawalan siya ni Jake. The coldness in his eyes were back and his face became stoic once again.

"Please put back her IV." he told the nurse behind Jules.

Umatras agad siya. "Jake! Kailangan kong umalis. I need to go to my mamay."

"You don't need to worry about her."

"Ano bang pinagsasasabi mong lalaki ka?!" napahagod si Jules sa buhok nya at agad ding napangiwi nang maalala ang injury niya sa ulo. "Kailangan ni mamay yung gamot na dala ko! Teka nasaan ba ang mga gamit ko? At saka may pasok pa ako--"

The Other Woman Of Jake Mitchell [R-18] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon