Message 3

23.3K 643 35
                                    

Dumiretso ako sa isang coffee shop para ma analyze ang mga nangyayari. Pagkatapos pumunta ako sa condo ni Mika. Napatingin ako sa cellphone ko. May malaking crack sa gitna. Kabibili ko palang ito nila mama three months ago. Hindi na naman ako bibigyan ng allowance nila mama.

Binuksan ko ang pinto ni Mika dahil kanina pa ako kumakatok pero walang sumasagot. "Mika nasaan ka-- Mika! Anong nangyari?" naabutan kong nakaupo siya at umiiyak.

Nakita ko din ang isang basag na vase sa gilid niya. "Anong nangyari?" bago pa siya sumagot narinig ko ang yapak mula sa kusina.

"Karma." nakita ko ang isang babaeng kumakain ng apple habang nakangisi.

"Annett?"

"Hi Aika bezzy!" sabay kagat niya ng apple.

"A-Anong nangyari dito?" ngumiti siya ng matamis bago sumagot. "Bakit parang may magnanakaw?"

"Magnanakaw? Haha! Karma kamo yan! Pumunta kasi si Louie dito--"

"Louie?! Yung aroganteng Louie Zico Ramirez?!" hysterical na tanong ko.

"Yup. Eh paano hiningi niya yung email at password mo para madelete na niya yung post nitong si Mika gamit yung account mo." pagkatapos ay tumawa siya.

Lito akong tumingin sa kanya pagkatapos ay sa vase na basag na nagkalat sa gilid ng sofa.

"Ahh yung vase? Ayaw kasi ibigay ni Mika yung account mo kaya binasag niya yung vase. Wag kang mag alala nananakot lang yung pinsan ko" kininditan niya pa ako.

Nagulat ako sa huling sinabi niya. "Pinsan? Pinsan mo ang mayabang nayon?" gulat na tanong ko

"Oo. Pero di kami close eh. Nakakatakot kaya yun kausap." sagot niya na parang wala lang. "Mika tumayo ka nga diyan, wala naman ginawa sayo si Louie eh" irap niyang sabi

"Yung vase ko kasi. Bigay yon ni Jacob." si Jacob ay ang ex niya. Nakahinga ako ng maluwag ng wala naman palang ginawa sa kanya si Louie.

"Eh Annett anong ginagawa mo dito?" tanong ko

Napatigil siya at agad din nagsalita. "Ahh. Dumalaw lang. And ayun naka witness ako ng isang crime scene" natatawang sabi niya na parang kinakabahan.

"Annett hindi ba ang OA naman ng reaction ng pinsan mo? Oo gwapo siya pero akala ko ba badboy yun? Dahil lang sa isang post magkakaganun siya?" naiiyak na tanong ni Mika.

Hinawakan ko siya at inupo sa sofa.

"Yung post kasing iyon. Uhm. T-takot siyang makita yon ng.. ng.. taong gusto niya." sabay tawa nito.

Nahimigan ko ang pagka alanganin sa sagot niya.

Ibig sabihin may gusto siyang babae? Malaki ngang gulo.

"Umuwi kana Aika. Ako na bahala dito." tumango nalang ako "Oo nga pala, may bago kang boarder kakilala ko. Tabi lang kayo ng kwarto." magtatanong palang ako nang itulak niya ako sa pinto palabas. "Bye."

Boarder? May bago na naman boarder? Si mama talaga, sinabi ng ayaw ko ng may ibang tumitira sa bahay. Lima na nga ang nangungupahan may dumadag pa?

Mabuti nalang open ang accounts ko dito sa lap top at automatic log in na. Patay talaga sakin si Mika. Mamaya hindi ko na mabuksan ang iba kong accounts bigla dahil pinalitan niya ng password. Aish! Kainis!

Sunod sunod na notifications at message ang lumabas sa facebook ko. Pati sa twitter at instagram ay meron din. Ginamit ko ang laptop ko dahil nga hindi na matouch ng maayos ang cellphone ko.

Ang sama talaga ng ugali ng lalaking iyon!

Ariel Delvale
What? May naging gf na si Louie?

Jack Ramirez
Goodluck bro. 😋

Liza Santos
Bitch! If I know nilandi mo lang siya!

Jenny Cay
Feeling ng babaeng to!😡

Denise Kurt
Such a liar!

Huminga ako ng malalim at pinipigilang wag mainis. Tiningnan ko ang iba kong account sa social media. Ganun ang mga reaction ng mga tao pare-parehas.

'Bitch'

'Big fat liar'

'Dream on!'

'Nilalandi niya siguro si Louie'

'Expert yan haha!'

'Na trauma yata sa ex niya kaya si Louie napagtripan'

'Wag kang papakita sakin!'

And so on. Wala naman akong balak agawin ang pinapangarap niyong mayabang na lalaking iyon!

"Isaksak niyo sa baga niyo kung gusto niyo!"

"Ha! Wala kong nilalandi noh! Di ko siya type!"

"Dream on? Ha! Hindi ko siya pinapangarap!"

"Ang yabang yabang mong Louie Zico Ramirez ka! Nakakabwisit kana! Mabait ako noh! Hindi ako marunong mag mura pero nakakainis ka! Sana man lang nilinaw mo sa mga fans mo na hindi totoo ang post nayon! Ang sama mo!" hinihingal na sabi ko habang nakatingin sa screen.

Para akong tangang sigaw ng sigaw kaharap ang laptop ko. Taas baba ang dibdib ko sa inis. Wala akong pakialam kung magising ang boarders ko. Naiinis ako!

First time ko pa lang ma bash ng ganito sa sa social media. Akala mo presidente ang ginawan ko ng mali. Nakakainis. Binalibag ko sa gilid ng kama ang laptop ko at humiga.

"Wala pa akong ex pati boyfriend!" sigaw ko habang nakatingin sa kisame.

Ginulo ko ang buhok ko at sumigaw. "Argh! Badtrip talaga!"

*bzzt bzzt*

1 Message Received
From +639xxxxxxxxx
I dont fuckin care if you dont have a boyfriend bitch! Shut up! I cant sleep!

Napabalikwas ako ng bangon sa nabasa ko. Wag mong sabihin..

SIYA ANG BAGO KONG BOARDER?!

--

Vote and Comment :)

I Accidentally Message the BADBOY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon