Chapter 26- Friendship or Friendshit?

278 4 0
                                    





Chapter 26- Friendship or Friendshit?




~Levi's PoV




Naikwento saakin nila Wendy ang nangyari nung isang araw. Yung laro na kung saan si Dark ang nakataya at si Ayaka ang nag lalaro. Kinwento rin nila saakin kung paano sumagot si Ayaka sa mga tanong na itinatatanong sakanya, pati narin ang paghihirap ni Dark dahil sa kandila na pinapatak sakanya.

Nakaramdam ako ng awa kay Dark nung mga oras na kinukwento nila sakin yun, pero dapat ko parin ba syang kaawaan ngayon?



" Tangina seryoso ba'to? "-Sa gitna ng katahimikan na bumalot saamin, biglang nag salita si Akihiro.



" Dark. Anong ibig sabihin nito? "-Sunod na tanong ni Darchelle. Tinignan ko ang nasa tabi ko na si Dark at parang wala syang balak ipaliwanag kung anong ibig sabihin nito. Pero ako, isa lang masasabi ko.



Wow. Just fvking wow!



" Pre, wala kabang balak mag paliwanag? "-Saka ako pumunta sa harap nya. Tulad kanina, wala parin syang reaksyon.


Hinawakan ko sya sa kwelyo at tinignan ng diretsyo sa mata pero pucha, nakipag titigan lang rin sya. Hindi ba sya mag sasalita?!




" Levi. "-Tawag saakin ni Wendy saka nya ako nilayo kay Dark.



" Dark. Mag salita ka. "-Seryosong wika ni Darchelle. Tumingin si Dark sa kanya at mukhang nag dadalawang isip pa kung mag sasalita sya.



" Kapag sinabi ko ang dahilan, masasaktan lang kayo at baka mag kasiraan pa tayo. "-Sinabi nito. So anong gagawin nya? Iiwanan nya kami na may malaking question mark?


" Tsaka, hindi nyo rin maiintindihan. "-Dugtong pa nito. Eh kaya nga ipapaliwanag diba?



" Ano tingin mo saamin? Bobo? "-Napatingin kami kay Akihiro nang biglang syang nagsalita at sya naman ang nakipag harapan sa pinsan nya.



" Wala akong sinasabi. Ang sakin lang, ayokong magkasiraan tayo dahil lang sa sasabihin ko. "-Saka nya tinalikuran si Akihiro na nasa harapan nya at lalabas sana sya pero mabilis syang hinila ng pinsan nya sa braso.



" Huwag mo'kong talikuran. Hindi porque pinsan kita, hindi na kita pwedeng birahin sa mukha. Mag salita ka na hangga't nakakapag pigil pa ako. "-Sabi nito kay Dark. Galit na tinanggal ni Dark ang kamay ni Akihiro sa braso nya bago mag salita.

BOOK 1: Guess Who? [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon