Period/Dot
Napasubsob ako sa mga libro ko ng wala sa oras. Magkaharap kami ngayon ni jai at parehong nagrereview pero mukhang ang isang to wala namang pakielam, paeasy easy lang samantalang ako. Eto, problemado.
"Buhay ka pa?" Nag angat ako ng ulo ng maramdaman kong kalabitin ako ni jai saka bumulong. "Ano? Buhay ka pa?" Ngumisi sya ng magsalubong ang mga mata namin.
Sa inis ko ay inihampas ko sa mukha nya ung notebook sa gilid ko at sakto naman sa pisngi nya. Buti nga.
"Aray naman! Ano bang kasalanan ko sayo?!" Sigaw nya sa akin.
"Nakakairita ka! Nagpapakahirap ako magreview dito tapos ikaw nakaharap nga sa libro pero hindi naman nagbabasa! Nakakainis ka!"
"Hoy chai, para ipaalala ko lang sayo. Likas na matalino ako, hindi ko kailangan ng review. Mas matataas pa nga grades ko sayo eh. Ano? Madami akong uno!" Pagyayabang nya.
I rolled my eyes.
"Ang yabang mo! May uno rin naman ako ah!"
"Talaga ba?" Ngumisi sya. Hayop talaga.
"Ewan ko sayo!" Hindi ko na sya pinansin at ipinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa.
Gaya ng sinabi ni Kai ay ganun ang naging routine namin ni jai since same course lang naman kami ay sabay kaming pumapasok at sabay rin na umuuwi. Sya nagddrive ng kotse tutal may lisensya naman na sya eh. Pwede ba.
After three days, nag text sa akin si kai saying hindi parin sya makakauwi kasi andaming nacancel sa schedule ng boss nya at kailangan nilang magpunta ulit sa ibang lugar to meet their clients.
Kulang dalawang linggo syang mawawala! Kaya ngayon, etong si jai, busy sa pagkuha ng mga damit nya kasi may extension daw ang pagtira nya dito sa bahay. Bwiset!
"Oy, may lagnat ka ba?" Dinama nya ang aking noo. "Wala naman ah. Anong nangyayari sayo?" Tanong nya kaya nangunot ang noo ko.
"Ano bang pinagsasabi mo dyan?"
"Wala lang." Nagkibit balikat sya. "Hindi mo kasi hinahawakan ung cellphone mo simula pa nung lunes. Puro libro ang hawak mo eh. Seryoso ka talagang mag aral ah. Pinsan! Milagro ba?"
"Tse! Namimiss ko na nga si kibby ko pati ang wattpad eh. Kaso wala naman akong magawa. Mahal ko ang pag aaral ko at gusto kong gumraduate no! Hindi naman kasi ako kasing talino mo na effortless pumasa!" Sabi ko na may tonong sarkastiko saka ko sya inirapan.
Tinawanan nya lang ako saka sya bumalik sa cellphone nya. Tch! Nang iinggit ang mo kong na to ah.
Di bale, bukas na ang midterms namin. Bali 2 days lang yun kaya pwede na ako makapagcellphone sa Saturday! Yehey!
Napatingin ako kay jai ng kuhanin nya ung libro nya saka sya sumandal sa couch at nagbasa. Aba!
"Sasamahan na kita magreview. Kawawa ka naman eh."
"Tse! Ang sabihin mo, takot ka lang bumagsak!" Inirapan ko sya ulit saka ko ipinagpatuloy ang pagrereview.
~*~
"Whooooooooo! sa wakas natapos din!" Sigaw ni jai habang naglalakad kami papunta sa sasakyan.
Yes, Katatapos lang ng midterms namin and swear, nakakaiyak sa sobrang hirap. Mabuti nalang at nagsunog talaga ako ng kilay at iniwasan ko ang mga gadgets.
Si jai nga na matalino, medyo nahirapan eh, ako pa kaya? Kunyari lang ang isang to na hindi nagrereview pag kasama ako pero nahuli ko sya kaninang madaling araw nung bumangon ako para kumuha ng tubig na nasa sala at nagrereview. Pati tuloy ako nakireview na rin. Alas tres pala sya bumabangon at nagrereview, mas maganda daw magreview sa madaling araw sabi nya. Nakakaamaze diba? Mas masipag pa sya sakin mag aral lols.
YOU ARE READING
Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED]
FanfictionCharity Lemuel considered herself the number one fan of the famous wattpad writer KnightInBlack. She did everything to be notice by him and when he did. That's when the romance between an avid fan and a famous author begin making everyone jealous of...