Mahal nasaktan ako nung gabing sinabi mo sakin na itigil na nating dalawa. Nasaktan ako nung sinabi mong mali na talaga. Nasaktan ako nung sinabi mong di na pwede dahil lahat na lang hadlang pero mas nasasaktan ako nung idinugtong mo ang salitang pero mahal kita. Tangina bakit kailangan mo pa kong iwan ng may mabigat na dinadala dahil kung tutuusin mas madaling magmove on kung pinagpalit kesa sa paglimot na alam mong mahal nyo pa ang isat isa. Sinabi mo sakin dati na lalaban tayo sa tadhana. Na kasama kita sa lahat ng laban. Na lahat ng mga sinabi mo ay kaya kung panghawakan pero mali. Mali na iniasa ko lahat sa mga salita mo. Mali dahil alam kong di porket tama ang nasa isip ko ay ipagsasawalang bahala ko na at oo mahal mali ang makampante at panghawakan ang salitang MAHAL LANG KITA.
Nagsimula tayo sa Mali at tinapos mo ito sa paraang akala mo ay tama.At mahal nandito ako ngayon sa lugar kung saan tinapos mo ang lahat umaasa na baka sakaling magbago ang isip mo at bumaluktot ang prinsipyo mong akala mo ay tama. Umaasa na lalapit ka sakin at yayakapin ako ng mahigpit mula sa likuran at ibubulong ang mga salitang "Mahal nagkamali ako". Umaasa pa rin ako hanggang ngayon na baka bigla ka na lang sumulpot at halikan ako ng mabilis na lagi mong ginagawa. Ang mga titig na nangaakit, ang mga kamay na aalalay sa panibagong simula. Pero mali na nman dahil nagiilusyon na naman ako sa mga bagay na di maaring mangyari. Nagiilusyon na naman ako sa mga posibilidad na imposible ng mangyari lalo nat nakikita na kitang mapait na ngumingiti habang kasama ang taong naging dahilan ng parehas nating pagbitaw.
Alam mo yung masakit mahal. Yung ay nung binigyan mo ako ng bagong panghahawakan bago mo ko binitawan.