Hating-gabi na pero andito ako naglalakad papuntang 7/11. Why? Simple lang, gusto ko ng strawberry milk.
"Wala naman sigurong rapist na gumagala dito diba?" Pagkakausap ko sa sarili ko.
*ting*
Pagtunog ng pinto ng 7/11 pagkabukas ko, strawberry milk wer na u dito na me.
"WAHHH ayun!" Call me OA pero ganun talaga ako magreact pagnakakakita ako ng strawberry milk.
Nagpunta na ako sa counter para magbayad, "Ma'am 20 pesos po lahat."
Kinapa ko yung pera sa bulsa ko, ohmanhorishit!
ASAN YUNG PERA KO?! Aish, bad timing naman Kry!
Ang haba ng nilakad mo para sa strawberry milk tapos nakalimutan mo yung pambayad?! Katangahan!
"Aish! What to do, what to do?" Pabulong kong sabi, alangan namang isigaw ko diba? Baka palayasin pa ako ng kahera na 'to.
"Ma'am? Yung bayad po?" Paguulit ng kahera, shet paano.
"HEHE ano po kas-" Naputol yung pageexplain ko ng biglang may lalaki na nagabot ng 1000 pesos sa kahera.
"Ma-magkasama p-po kayo sir?" Pautal-utal na tanong nung kahera, I mean sino ba namang di mauutal sa harap ng lalake na 'to? Wait, scratch that, sino ba namang hindi mauutal sa harap ng DIYOS na 'to?
"Yeah." Simpleng sagot niya, eto naman ako nakatingin lang sakanya.
At tama ba yung narinig ko? Magkasama daw kami?
Bi-binayaran niya?
Binayaran niya yung strawberry milk ko?
"Thanks." Natigil ang pagkakatulala ko sakanya ng magsalita ulit siya. Nabigay na pala ng kahera yung sukli sakanya.
Tumingin siya sakin at ngumiti, teka ngumiti siya sakin?
OHMYGAWDEU.
Naglakad na siya palabas, susundan ko na dapat siya pero tinawag ako ng kahera.
"Ma'am yung strawberry milk niyo po!" Bumalik naman agad ako sa counter at tumakbo ulit para habulin yung gwapong lalaki na 'yon.
Kailangan ko magthankyou syempre, konti nalang ang lalaking katulad niya. Mabait, gwapo, gwapo, gwapo, at mabait. Hindi man siya pinagpala sa height pero mabait at gwapo naman!
Pero kahit hindi siya pinagpala sa height mas matangkad parin siya sakin kaya okay na! HUEHUE
"Excuse me po! Kuya?" Pagtawag ko dun sa lalaki, huminto siya sa gilid ng stop light pero hindi niya parin ata ako napapansin.
Tumakbo ako palapit sakanya at kinalabit siya.
"Um, excuse me?"
Lumingon siya sakin and I swear I could feel my face heat up, HOW COULD A HUMAN BE THIS HANDSOME?!
Is he even human tho?
"Oh?" He smiled at me, ngayon ko lang napansin na ang cute pala ng mata niya pagnagsmismile siya HEHE nawawala.
"Th-thank you for saving me back there, I'll make it up to you! Promise HEHE" Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung lakas ng loob para kausapin siya pero nagawa ko.
"Okay lang girl! Keri na 'yon! Sige ah? Gora na me! Babush! ~"
My eyes twitched and my tummy twisted.
Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil sa sagot niya.
What the actual fudge?!
BINABASA MO ANG
strawberry milk fiasco | park jimin
FanfictionFi • as • co /fēˈaskō / A thing that is a complete failure, especially in a ludicrous or humiliating way. 🌸 book cover : bangtanistry 🌸