Kwinxxii_ __Jancarlxx__ PinkuXtel-F A N F I C T I O N-
Lee Minhyuk (BTOB) as Zico Villaruel
Pagpasensyahan merong konting mga mura dito
Nga pala, di ko na lalagyan nang portrayers sila Leanne. Kayo na lang magimagine. Lol
=======
"Mom, dad. Alis na po ako" sabi ko sabay halik sakanila. Tumango lang sila mom at sinabing mag ingat ako. Weekend kahapon kaya andito ako sa bahay. Papasok na ulit ako ngayon sa Monstrous. Sa tingin ko naman alam niyo nanaman yung school na yun, right?
I'm Leanne Montero. Uh yeah right! anak ako nila Liam at Ayesha. Amiable yet no friends since birth. Si kuya lang ata ang kaibigan ko sa buong buhay ko. Hindi ko nga alam kung bakit walang kumakaibigan saakin. Hindi naman ako Nerd. Nakikipagusap naman ako sakanila. Why is dat.. Kung tatanungin niyo yung mga bunso ng dark. Well, sad to say. Were enemies. Ang weird no? Amiable ako pero enemies ang meron ako. Imbes na friends. That's Life! Nanghihinayang nga sila dad at mom dahil kabaligtaran na nila kami. Hindi naman kami ganto noon.. sa katunayan. hindi nga kami napapaghiwalay noon eh. Anong magagawa ko? Hayaan silang saktan lang ako? Hell no. Napapaisip nga ako kung amiable ba talaga ako o insolent eh. Why is that.
"Leanne. Tara na!" Aya saakin ni kuya. Sumakay naman ako kaagad. Ayoko malate. Speaking of kuya. Nagtataka siguro kayo kung bakit siya andito at sinusundo ako ano? Nagiipon palang kasi sila kuya pampagawa ng sariling bahay nila ni ate Jennie. Ayaw tanggapin ni kuya yung alok ni dad na bahay eh. Choosy diba? Kaya ayun. Dito muna sila sa bahay namin. Wala pa silang anak. Mag oone year palang naman kasi silang kasal. Inuuna ni kuya ang pagtatrabaho para sa future nila. Sipag no?
"Bye na Kuya. Ingat pauwi!" Sabi ko kay kuya nang nandito na ako sa harap ng monstrous. Tapos na ang weekend. Haaaay balik aral nanaman. Tch. Dumiretso na ako sa dorm ko para ibaba at ayusin yung mga dinala kong gamit kahapon. Nga pala, bago ko pa makalimutan. Wala akong roommate. Lalo tuloy akong nagmumukhang loner. Hays. Nagpahinga ako saglit saka naisipang pumasok na. 7:30 ang pasok ko. Hindi pa naman ako late.
•••
"Guys! Look, andito na yung brand ng sasakyan"
Ayan agad ang narinig ko pagkapasok ko ng room. Kasabay ng mga halakhak nila. Inirapan ko nalang siya dahil obvious naman na ako ang pinaparinggan niya. Duh. Hindi ko na pinansin ang tawanan saka naupo sa upuan ko. Pero bago ako makaupo hinila na nila yung upuan dahilan para mapaupo ako sa sahig. Shit lang. Alam ba niyang masakit mapaupo sa sahig?! Grrr
"Ano bang problema mo?! Inaano ba kita?!"
Dahil nga sa pagkabwisit nasigawan ko siya. No. I mean. Sinigawan ko pala talaga siya. Owsheeez Leanne. Im so proud of my self. Sinigawan ko lang naman ang nagiisang Cailee Madrigal. Bunsong anak nila tito Jasper at Tita Emerald. Kapatid ni kuya Jester. Shit lang! Mukhang masasabunutan ata ako ng wala sa oras. Ayokong makalbo! Wala ako sa mood makipag bangayan. Pero totoo ba tong nakikita ko?! Mukhang hindi ata nainis si Cailee sa pagsigaw ko.
"Ops! Naiinis na yung anak ni Squidward-- ay sorry! Neozep pala. Hahahaha!" Sino siya para sabihan si dad ng ganun?! "Titigil na nga ako. Baka masinghot ako eh" pangaasar niya pa saka napuno nanaman ng tawanan sa buong room. Pero agad silang napatigil ng hampasin ko ang lamesa ng upuan ni Cailee