Chapter 5: The Battle

196 5 0
                                    

Franco's POV

Hi I'm Franco Nathaniel Mendoza.

Sinusundan lang namin ang mga GP, hanggang sa makarating kami sa pangatlong building. Sumakay kami ng elevator at pinindot nung tinawag ni Jai na little girl yung button 5. Mayamaya lang ay nakarating na kami sa fifth floor at huminto kami sa harap ng napakalaking pinto. Humarap sa amin yung tinawag ni Joaquin na pusa.

"Nandito na tayo" sabi niya

Binuksan na nila ang pinto at bumungad saamin ang lahat ng estudyante dito sa GYA. Nakita namin si Alex na nasa gitna ng field, naka bihis siya ng pang taekwondo.

"Nasa gymnasium ba tayo?" tanong ko
"Kung yon yung gusto mong itawag" sabi nung Ashley

Pumunta siya dun sa bleachers at umupo, papunta na sana kami sa bleachers ng tawagin kami ng GP.

"Casanovas" tawag samin

Tumingin kami sa kanila.

"Akala ko ba gusto niyong lumaban?" tanong sa amin
"Nga pala hindi pa pala kami nakakapagpakilala sa inyo. Ako nga pala si Shaon Alexander Reyes" sabi nung tinawag ni Jai na little girl
"Ako si Shaon Justine Reyes" sabi nung tinawag kong pusa
"I'm Prince Luke Perez" sabi naman nung tinawag na barbie doll ni Jacob

'What the?! Bakit puro panlalaki ang pangalan nila? Ang gaganda pa naman nila kaya lang panlalaki yung pangalan… pfftt..'

"I thought you want to fight?" Alex ask me
"If you insist me" I said smirking

Lumayo kay Alex ang mga kagrupo niya at pumasok ang mga ito sa isang room dito.

"Are you sure about this?" tanong sakin ni Jai
"Babae lang siya" sabi ko habang nakangisi
"Ikaw bahala" sabi niya sakin at tsaka lumayo ng bahagya sa akin

Lumapit ako ng bahagya kay Alex.

"Are you ready?" she ask me

Ngumisi ako sa kanya at tsaka sumugod, hindi siya gumagalaw sa pwesto niya. Masusuntok ko na sana siya ng umiwas lang siya.

"Puro iwas na lang ba ang gagawin mo?" I ask her
"Hindi naman kasi ako ang kalaban mo" she said

Lumabas na ang tatlong member pa ng GP at naghiyawan ang lahat ng estudyante na nandito.

"Woooooohhhhh"
"Go! Gangster Princesses"
"Go Ms. President"
"Go Prince Justine"
"Go Prince Alexander"
"Go Prince Luke"
"Go Prince Shawn"

Ganyan ang sinisigaw nila. Nang makalapit na sila Xander ay tumahimik ang buong gymnasium.

"Ako ang makakalaban mo" sabi ni Pusa
"Ok" I plainly said
"Gusto kitang makalaban Jairus" sabi ni Little Girl
"Baka umiyak ka lang?" tanong ni Jai
"You're the one who's going to cry" nakangising sabi ni Little Girl
"Akin si Jacob" bored na sabi ni Barbie Doll
"Sayaw na lang tayo" sabi ni Jacob
"Ok, you'll face the death while dancing" she said
"How about us?" tanong nila Joaquin at Micheal
"Manonood lang kayo" sabi ni Alex
"What? Four versus three? Pagtutulungan niyo ba kami?" I ask in disbelief
"No! Patas ang magiging laban. Three versus three, hindi ako makikisali" she said
"But I want to fight you" I said to her
"This is not the right time" she said
"I don----" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumabat si Jacob
"Tumigil ka na nga" he said
"Fine!" I said

Lumayo sa amin sila Micheal ng bahagya, pumunta na kami sa pinakagitna nitong gymnasium.
Katapat ko si Pusa, katapat naman ni Jai si Little Girl, katapat ni Jacob si Barbie Doll at katapat ni Joaquin si Alex.

"Are you ready students?" biglang may nagsalita na isang babae na naka mic, tumingin kami kung saan yon at nakita ko si Ashley
"Let the clash begin" sabi ni Ashley ng nakangisi

Sumugod na kami sa kanila, nasangga ni pusa yung unang atake ko, she gave me a punch on my stomach kaya napaatras ako, nakita ko si Jacob na binigyan ni Luke ng high kick at tumama ito sa dibdib niya, sila Jai naman ay mano mano.

"Hey, wag kang tutunganga pag may kalaban ka" sabi ni pusa at binigyan ako ng sipa sa dibdib ko

Napaubo ako sa sobrang lakas ng binigay niyang sipa. Tinignan ko siya ng masama at tsaka sumugod sa kanya, walang balak sumuko kahit isa sa amin, seryosong seryoso kami sa pag aaway ng may sumigaw.

"STOP" sigaw ng isang babae

Napatingin kaming lahat dito at nakita si Alex na may dalang katana stick.

"Stop it already. Maiwan kayo dito, students go back to your class now" sabi niya sa mga estudyante na nandito sa loob ng gymnasium nakita kong paalis na din sila Micheal "Maiwan din kayo" sabi ni Alex kila Micheal

Tumingin ako sa GP at halos wala silang galos man lang pwera lang kay pusa at kay little girl, pareho silang putok ang labi pero si Barbie doll wala man lang galos. Nakalabas na lahat ng estudyante, naiwan nalang kaming siyam dito.

"Sana hindi na ulit magbangga ang mga landas natin" cold na sabi ni Alex
"Hindi ako aalis hangga't walang galos ang mukha ng babaeng yan" sabi ni Jacob at dinuro pa si Barbie Doll susugod na sana si Jacob ng iharang ni Alex ang katana stick niya kay Jacob
"Wag mo ng ituloy kung ano man ang gagawin mo" sabi ni Alex
"What are you going to do? Ihahampas mo sakin yang katana stick na yan, go and do it" sabi ni Jacob
"Tumigil ka na kung ayaw mo pang makaharap si Kamatayan" sabi ni Little Girl
"Wag niyo kaming paglaruan" sabi ni Joaquin
"We're not playing with you" sabi ni Barbie Doll
"Tss" he hissed at susuntukin si Barbie Doll

Pero bago pa siya makalapit ay may nakatutok na sa kanyang katana.

"Pag tinuloy mo yan oras mo na" Alex said
"Huh, you can't scared me with that toy" he said
"Its not a toy" sabi ni pusa
"You can't fool us" I said
"You want to try it?" she ask me
"If you don't believe me, watch this" Alex said
"Alex don't do that" sabi ni Barbie Doll

Dinikit niya yung talim non sa braso niya at hiniwa iyon, nagulat kami dahil may lumabas na dugo.

"Alex" they said
"Xander, Justine kunin niyo yung kit sa PR" utos ni Barbie Doll and they obey her
"You're believing me now? Sana hindi na tayo magkita pang muli. Maari na kayong bumalik sa inyong klase" she said
"Let's go" sabi ni Micheal

Lumabas na kami doon, at dumaretso sa infirmary.

'Hindi siya nagbibiro. Paano siya nakapagpasok ng ganoon dito sa paaralan' I thought

"She's not ordinary" Joaquin said
"You're right, hindi siya makakapagpasok ng ganon dito" Michael
"Are they gangsters?" tanong ko sa kawalan
"Kahit pa'no na kapag exercise ako" sabi ni Jai
"I'm going to take my revenge to that Doll" Jacob
"Jacob wag ka nang magtangka" sabi ni Micheal
"Ano? Susuko na lang ba tayo? Magpapatalo ba tayo sa mga babae?" tanong ni Jacob
"Wag mo silang maliitin, hindi mo pa sila kilala Jacob. Ibang iba sila sa ibang babae na nandito sa campus, nakita mo naman ang ginawa nung Alex diba" sabi ni Micheal

Katahimikan ang namayani sa amin ng may narinig kaming boses mula sa speaker.

[Good morning students, this is the Supreme Student Council President. Announcing that today is the start of the Clash between Gangster Princesses and Heartthrob Casanovas, you already know what the rules are. That's all, thank you.]

Sabi nung speaker, nagkatinginan naman kaming lima dahil sa narinig namin.

"What's with the clash?" tanong ni Jai
"I don't know" sabi ni Michael
"Let's go" sabi ni Jacob

Lumabas na kami ng infirmary, pagkalabas namin ay marami ang umiiwas na estudyante sa aming lima pero may mga babae pa rin na nagpapapansin sa amin. Pumunta na kami sa room at nung pumasok kami ay hindi na nagtitilian yung mga babae na nandito sa klase namin.

The Gangster Princesses meets The Heartthrobs Cassanovas (On Going|Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon