Prologue

52 4 0
                                    

PROLOGUE

Kanina pa ako nasisilaw pero hindi ko ito ininda dahil masaya ako ngayon. Sa entabladong ito, kami ang bida. Sa amin nakatuon ang atensyon ng lahat. Matagal naming hinintay ang pagkakataon na ito. Ang debut namin.

Ang debut ng DOLLS.

Nasinagan ng ilaw ang mga nakaupo sa harapan. VIP seat kumbaga at doon ko nakita na lahat ng mga kasamahan naming sa kompanya ay dumalo. Tradisyon na ito ng JS Entertainment. Ang suportahan ang mga kaka-debut pa lamang. Masasabi ko na malapit nga ang relasyon ng mga nasa J Entertainment ang mabuti iyon. Nagta-thumbs up pa yung iba sa amin. Binigyan ko naman sila ng ngiti.

Masaya ang debut song naming kaya nararapat lang na masaya din ang emosyon ang ipapakita ko.

Hinanap ko ng tingin ang mga nasa harapan at nakita ko nga sila. Ang grupong BLISS. Nakangiti sa akin ang kuya ko. Nabuhayan ako ng loob dahil malaki ang suporta na ibinibigay niya sa akin. Ruka Uchiha. Ang main vocal at lead dancer ng Bliss. Idolo ko siya at tuwang- tuwa ako na naibigay sa akin ang role na kagaya sa kanya sa grupo namin. Pareho kami. Parehong-pareho.

Nahagip naman ng mata ko ang iba pang miyembro ng Bliss. Sina Kuya Ren, Kuya Hiro at si Dom-Dom pero nasaan na siya? Bakit kulang sila ng isa pang miyembro? Medyo bumagsak ang aura ko pero hindi koi yon ipinahalata dahil kapag bumagsak ang aura ko, siguradong madadamay din ang sa mga kasama ko.

“thank you very much for coming! I hope you would continue to support us till the end! We love you all! We are Dolls!” sabay-sabay kaming nag-bow at narinig naming ang mga palakpakan at tili ng mga tao. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakaraos kami ng maayos sa one-day debut concert namin. Ganito pala ang pakiramdam na marami kang napasaya sa pag-peperform mo.

&&&

“thank you kuya!” niyakap ko nang mahigpit si kuya matapos niyang iabot sa akin ang isang paper bag na may lamang kulay asul na teddy bear. Debut gift daw niya sa akin. Mababaw lang naman ang kasiyahan ko. Stuff toy lang ay masaya na ako. Agad kong tinanggal sa paper bag yung oso at niyakap ito. Ang lambot-lambot! Idadagdag ko ito sa koleksyon ko. “pang-ilan na iyan?” tanong niya sa akin. Pang-ilan na nga ba? Hmm. “pang-98?” patanong ko ding sagot.

“ano ba talaga goal mong number?” mukhang nawiwirduhan na siya sa akin. Simula kasi bata pa ay iniipon ko na ang mga stuff toy na binibigay at binibili para sa akin. Koleksyon koi yon. Siguro kung hindi lang kami nasunugan dati eh nasa isang-libo na ang koleksyon ko. Yun ngang mga regaling stuff toy kina kuya eh inaarbor ko na. Kaso hanggang 90 something palang talaga ang inabot. “hindi ko din alam.” ginulo niya yung buhok ko na siyang ikinanguso ko. “kakaayos ko nga lang niyan eh. may pupuntahan pa kaya kami.” hindi niya pinansin ang sinabi ko. Ginulo pa niya iyon lalo. Hmmph. Meanie.

“saan ka ba nagpunta?” napukaw ang atensyon ko sa bagong dating. May nakapasak na earphones sa tenga niya kaya mukhang hindi niya narinig ang tanong sa kanya ni Kuya Ren. Napailing nalang ang leader ng Bliss.

Nakatingin lang siya sa ibaba. Nanood man lang kaya siya kahit isang kanta lang sa amin o lumabas lang siya? Medyo nakaramdam ako ng lungkot. Matagal ko na kasi siyang crush pero para kasing hindi naman niya ako napapansin. Kilala naman siguro niya ako kasi kapatid ko kaya ang ka-myembro niya pero hindi naman kami close. Goal ko nga na maging close kami kaso nahihiya ako. Hindi naman kasi mataas ang self-confidence ko sa sarili.

“girls, mag-ready na kayo. aalis na tayo.” pumalakpak pa si Ms. M para mapansin naming siya. Ms. M, short for Matilda Mendez. Puro M, ano? Siya ang manager namin. Sobrang bait niya at sobrang bait niya. Wala akong masabi. Kakasimula palang naman kasi namin eh. Malay niyo pwede din siyang maging devil kung gugustuhin niya kapag na-stress na siya sa amin. Iba-iba kasi kami ng ugali eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love of Mischief (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon