01- Mr. Umbrella

11 0 0
                                    

"Garnet, samahan mo na ko bilis.." nagmamakaawa nito na parang sinasabing wala kasi akong kasama.

Tiningnan ko muna siya with my bored expression at saka nag-unat'unat. Nakakatamad talaga ang araw na to. Ang sakit pa ng likod ko dahil sa pag'pinta nitong napakaganda kong pinipinta.

"Saan na naman ba kasi yan? Saka hindi mo ba nakikita busy ako" at pinagpatuloy uli ang ginagawa ko.

"Eh samahan mo na kasi akooo. Saka libre lahat , wag ka mag-alala saka para san ba kasi yang ginagawa mo, e di mo nga kailangan yan e"

"Wow ha, e bakit kailangan mo rin ba yang pupuntahan natin, ay hindi, yang pupuntahan MO PALA" at tinaasan ko siya ng kilay at inemphasize ang salitang 'mo' na tinutukoy ko ay siya.

Magpapasama na naman siya para makipag'meet doon sa nakilala niya at lagi niyang kinukuwento lately na bukambibig niya na kesyo baka yun na daw ang Prince charming niya. Eh pang'ilang beses ko nang naririnig sakanya yun. Pang'ilang prinsipe niya na ba yan?

"Sasamahan mo lang naman ako" nakanguso niya pang sagot.
"Saka.. Wala ka namang gagawin, uupo ka lang naman dun para may kasama ako"

Bata pa lang kami ni Aria magkasama na kami sa iisang bahay. Si tita ang may-ari ng bahay pero nasa states working for their business. Para na rin kaming magkapatid ni Aria, kasi since mga fetus pa lang yata kami, nagkita na ang mga nanay namin at ayun syempre nagkakilala na rin kami. We are meant to protect each other like sisters siguro. Weird diba.

"Tigilan mo nga ko Ms. Aria sumasakit ulo ko sayo at tsaka hinding hindi kita sasamahan periodd"

Sinungitan ko nanaman siya at ayun nagtantrums na naman na parang bata. Ghad Aria 17 ka na, why acting so childish.

"Maganda ba tong suot ko? Masyado bang maikli? Kagalang galang ba? Sexy ba?"

Halatang kinakabahan siya na naeexcite. Oo na. Maganda ang pinsan ko, makinis at mahaba ang legs na kabaligtaran ko. May pinagmanahan e. Kay tita. Maputi siya kaya mas lumitaw ang kulay ng balat niya sa suot niyang dark color na dress.

Heto kami ngayon at pupunta sa meeting place nila. Sa isang restaurant daw sila magkikita. Hindi na iba ang restaurant sakin kasi dito ko lagi sinasamahan ang pinsan ko.

Naglakad na kami papasok ng restaurant, malayo pa lang ay maririnig muna ang tunog ng mga instrument at mayroong mga nagkakantahan. Maganda ang ambiance. In short, nakakagood vibes, samahan mo pa ng sariwang hangin.

May mga magsing'irog (deep word) may mga magpapamilya rin at mayroon namang mga formal na nag-uusap, parang nag'ooffer ng business

Habang palinga-linga, napunta ang tingin ko sa pinsan ko habang hawak nito ang cellphone at nakatapat sa tenga na may katawagan. NagTHUMBS UP nalang ako sakanya.

*insert music of romantic violin playing*

"Malapit na raw siya" ngiting abot langit na animo'y kinikilig ang aking pinsan.

Babae pa talaga ang nauna dito ha, kapal naman nung mukha nung lalaking yun. Binigyan ko na lang ng pekeng ngiti ang pinsan ko. Magkahiwalay kami ng table ng pinsan ko kasi ang awkward naman kung makikisalo pa ko sa kanila ng table diba. Habang naghihintay, may lumapit na ring waiter at kinuha na ang order ko, mga apat na putahe ng ulam ang inorder ko na may kasama ng dessert at drinks , syempre hindi mawawala ang paborito kong kanin.

Napansin ko rin na maganda parin ang restaurant na ito. Patuloy ko pa ring hinahangaan, may mga paintings na parang gawa sa charcoal ang pagkakapaint pero ang ganda at bumagay sa kabuuan ng restaurant. May pagka'vintage ang kabuuan ng restaurant.

KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon