"Andrew! I have your Grande, Extra drizzle, Hazelnut, Caramel Macchiato!"
Morning hustle!
Hay. Sobrang busy na naman sa coffee shop. Itong mga kutong lupang customer na mga to hindi man lang makagawa ng kape sa bahay!
"Joy! Here's your Tall Nonfat Extra hot Latte!"
10 minutes pa. Malapit nang matapos tong shift kong to. Pero simula pa lang to ng laban ngayong araw. Konting kembot na lang.
"Jess! You're off."
Yessss!! Ayan na pinapauwi na ko ni Supervisor Alysha. Sa wakas!
"Sige po!"
Pumunta na agad ako sa office at kinuha ko na yung bag ko. Wala nang bihis bihis. Takbo na lang agad!
"Hey Alysha, can I just grab my usual coffee please?" - request ko kay madam supervisor habang nag aayos pa ako ng gamit sa bag.
"Yup. Oo naman. Hang on." - Alysha
Tumakbo na ko palabas ng office at pinick up yung coffee ko.
"Thanks Alysha. See you tomorrow!" - ako
"Saan na naman raket mo? It doesn't hurt to get some time off, you know" - Alysha
Hay bago pa mangaral eh tinanguan ko na lang sya at lumabas na.
Halla late na ko sa school. Takbooo!
6 hours later...
Ughh. Pagod na ko. Hay! Alas syete na na ng gabi at guto na gutom na ang mga bulate ko. Pauwi na ko ng...
Ring... ring... ring...
Tiningnan ko yung tumatawag.
Incoming call
Boss Liezel - Hotel"Hello boss?" -ako
"Jess, pwede ka bang magtrabaho ngayong gabi? Nag call in sick kasi si Junniper eh, yung bagong hire. May gala event pa naman ngayon sa hotel." - mahabang paliwanag ni boss.
"Ah. Sige po. I'll be there po in 30" -ako
"Okay. I'll see you. Thanks again!" -Liezel
Owkay. Hindi pa tapos ang araw natin Jess. Sabi ko sa sarili ko.
Pagod na ko. Uggh! Pero sayang din yung pera. Nakoo! Kung hindi lang talaga ako nangangailangan eh.
Kumuha na lang ako ng kahit anung biscuit sa tindahan na nadaanan ko para yun na lang yung kainin ko. Wala na kong oras umuwi. Hayyy.
Pumara na ko ng jeep para pumunta sa hotel. Pagka dating ko sa hotel pinuntahan ko agad si Ma'am Liezel.
'Oy Jess. Salamat naman at nakadating ka. So, here's the dillemma. May gala ngayon na gaganapin sa 8th floor, kung saan usually ginaganap ang mga big events. You know where that is, right?' - tumango ako habang nagpapaliwanag si boss.
Itinuloy nya "So, wala nga sa Junniper at gipit na gipit tayo sa tao. I really need you to get to 8th floor and start serving the guests. I just need you to go around the room with a platter in your hand. Like literally go around, you ask the guests if they want what you are serving them. If not, then go around again. You know the usual drill in most gala events?"
Nakita siguro ni Boss yung pag aalinlangan ko.
"Please Jess. This is a big event. Just the first half of your shift. After that, you can do your normal stuff. Please?"
Tumango na lang ako.
"Ah. Okay. No problem po. Tanong lang po. Okay na po ba tong damit ko?" - ako

BINABASA MO ANG
Story of a Different Kind ... Well, Sort of
Teen FictionShe has an ambition He has no future She lives for tomorrow He loves from the past She is motivated to keep moving forward He keeps on stumbling backward With two confused minds, two lost hearts and two confounded souls, how can these two broken pie...