Naglalakad ako sa hallway ng nakayuko.
Ayoko kasing iangat ang mukha ko dahil natatakot akong kantyawan ng mga ka-schoolmate ko.

Lagi nilang ginagawa saken yun. Palibhasa alam nilang walang magtatangkang magtanggol saken dahil wala naman akong kaibigan mula pa noon.

Lumaki kasi ako na laging pagtatalo ng mommy at daddy ko ang naririnig ko.

Sigawan nila ang almusal ko. Pagtatalo nila ang tanghalian ko.
Sa hapunan naman nag aaway na sila. Kapag nangyayari ang mga bagay na yan umiiyak nalang ako sa isang tabi habang may hawak na lapis at papel.

Doon, doon ko dinadivert ang atensyon ko sa pagsusulat ng mga storya na kung anu-ano.

Laging bahay at school lang ako kasi isa rin yun sa dahilan kung bakit nag aaway ang mga magulang ko.

Hindi ko man sila maintindihan pero nasasaktan ako.

Feeling ko kasi hindi ako mahalaga sa dalawang importanteng tao sakin.

Sa madaling salita invincible ako sa kanila. Ni kausapin hindi nila maibigay sakin. Lagi pa silang wala sa bahay kapag uuwe naman sila lagi  nalang pag aaway nila ang pasalubong nila sakin.

So here I am, end up like just a nobody but a antisocial-apple of the eye of bully person.

*boogsssh!!*

"Aray" mahina kong daing ng matapilok ako though alam ko naman hindi dahil tinulak ako ng kung sino kaya I assume nalang na ang tanga ko kasi di ako marunong tumingin sa dinaraanan ko.

Hahahaha

Hahaha so stupid!

Tsk. Pathetic.

Why so lampa? Hahaha.

What a freak!!? Hahaha

Dahan-dahan ako tumayo at pinagpag ang nadumihan kong palda. Ng mapansin kong medyo mahapdi ang palad ko ay tiningnan ko ito.

Pula.

D-dugo.

Nanginginig ako habang nakatingin sa palad kong may.....

"D-du-g-go" mahina kong nasabi before everything went black.

TBC.

WHEN MY WATTPAD STORY TURNS INTO REALITYWhere stories live. Discover now