April 5, 2012
Dear future-wife,
10 na ng gabi at mag-isa ako sa kwarto, wala akong magawa. Hinihintay ko yung kasama ko sa bahay dahil umalis may pupuntahan lang daw. Ang weird lang kasi sa dinami-dami ng pwedeng gawin ito yung pumasok sa utak ko...
May girlfriend ako ngayon pero wag mo siyang pagselosan malay mo ikaw rin pala yung tinutukoy ko ngayon diba? Ngayon lang sumagi sa isip ko yung gumawa ng ganitong napakakesong letter. Hindi naman kasi ako magaling sa mga ganitong bagay. Magaling lang ako sa pang-aasar at pagtulog ng mahimbing. Sana kahit na ganito ang ugali ko, dagdag mo pa ang pagiging bipolar ko, maintindihan mo ako. Hindi naman ako perpekto, may mga bagay na hindi ko maibibigay sayo pero sana hindi tayo gumaya sa mga magulang ko na nagkahiwalay. huh?
Gusto ko makilala kita sa napaka-epic na sitwasyon ang naiimagine ko nga madudulas ka sa harap ko tapos tatawanan kita na halos gumulong ako. Hindi kasi ako ganun ka-gentleman at masama daw ako sabi nila. Matapos nun magiging magkaaway tayo at palagi kitang aasarin. Gugustuhin mo pa ba akong maging tatay ng magiging anak mo?
Sana magaling kang kumanta para naman kakantahan mo yung anak natin hanggang sa makatulog. Kahit na ako lang ang hindi marunong kumanta sa pamilya natin ayos lang. Alam kong hindi ako magaling kumanta at puro 'do' lang ang tono ng boses ko pero kahit ganun handa akong kantahan ka sa oras na malungkot ka.
Hindi ako magsasawang sabihan ka ng 'I love you' araw-araw. Sa bawat paggising mo sa umaga, twing magkikita tayo, at bago matulog.
Kung sakaling magkaroon tayo ng problema sa pagkakaroon ng anak ayos lang sakin. Hindi naman kita pinakasalan para lang anakan diba? Pinakasalan kita kasi mahal kita kung sino ka man at kung sino ako pag kasama ka.
Hindi ko naman kailangan ng isang perpektong pamilya dahil wala nun. Dadaan tayo sa iba't-ibang problema pero sana, sana hanggang sa huli wag kang bibitiw sa akin. Kahit na gaano ako ka walang kwenta, sana intindihin mo ako at ganun din ako sayo. Samahan mo ako hanggang sa huling hininga ko.
Pangarap kong maging pinakamasayang tao at matutupad lang yun sa oras na makilala kita at bumuo ng pamilya kasama ka.
-Leon Aldwin Meria ( tjay )
BINABASA MO ANG
Dear future-wife
Non-FictionSino ka kaya? Ano ang pangalan mo? Basta ang alam ko Meria ang magiging last name mo.