Dear Idol

389K 13.9K 5K
                                    

Dear friend, para sa 'yo to. Salamat sa pag sh-share ng kwento. Mabuhay ang mga fangirls! <3

***

Dear Idol,

 

 

Hello. Kamusta ka naman? Grabe miss na miss na kita. Ang tagal mo na kasing hindi nagpaparamdam eh. Para bang bigla ka na lang nawala sa buhay ko.

Naalala mo pa ba ko? Ako si Ysabelle. ‘Yung babaeng grabeng makapag fangirl sa ‘yo dati. Naging magkaibigan at close pa nga tayo eh.

Alam mo, may gusto akong i-confess sa ‘yo. Pero bago ang lahat, magsisimula muna ako sa umpisa. Nung panahong dumating ka sa napaka-boring kong buhay.

Hindi naman talaga ako ma-fangirl na tao. Pero anak ng tokwa! Sa ‘yo ko unang naranasan ang mag fangirl nang husto. Ang galing mo kasing kumanta at mag sulat ng mga kanta! ‘Yung tipong tagos na tagos sa puso ko! Kaya naman palagi kitang ini-stalk. Facebook, twitter, youtube, sinusundan kita. Ilang beses akong nag t-tweet sa ‘yo nun. Palagi akong may comment sa mga posts mo sa facebook. At syempre, lahat ng videos mo sa youtube account mo, pinapanuod ko. Gusto ko nga palagi akong updated sa ‘yo eh. Syempre! Idol na idol kita eh!

Naalala ko nung unang beses mong napansin ang tweet ko. Isang favorite lang ‘yun pero grabe! Buong buo na ang araw ko! Halos magpa-gulong gulong na ako sa kama nun dahil sa sobrang kilig! My ghaaaddd! Sa dinami-rami ng fans mo, alam kong flooded palagi ang mentions mo. Hindi ko ine-expect na ang tweet ko na ‘yun ay mapapansin mo!

At syempre dahil napansin mo na ang una kong tweet, sinubukan ko ulit kung papansinin mo ako sa ikalawang pagkakataon. At ayun nga, this time hindi lang isang favorite ang natanggap ko, NAG REPLY KA SA AKIN! JUSKO! Kilig na kilig ako nun! Biruin mo ang idol mo nag reply sa ‘yo?! My ghaaad! Halos ma suffocate ako sa kilig! Ilang beses akong nag head bang nun! Halos mag kanda durog-durog pa nga ang unan ko dahil sa higpit ng pagkakayakap ko rito eh.

Ibang klase ka kasi idol! Ang tindi ng epekto mo sa akin! Simpleng tweet lang, napapa-tumbling mo na ang buong mundo ko.

Araw-gabi kitang tinutweet. Good morning, happy lunch time, good night. Minsan sumasagot ako sa mga tweets ko. Hindi lahat ng tweets ko na-rereplyan mo, pero may mga pagkakataon na nakakausap kita sa twitter. Okay lang kahit madalang ang pagkakataon na ‘yun. Alam ko naman na marami talagang nag tu-tweet at kumakausap sa ‘yo eh at isa lang ako sa libo-libo mong followers na dapat replyan. Masaya na akong kahit papaano nakakausap kita.

Pero hindi ko inexpect na hahanapin mo ako nung mga panahong nawala ako. Halos isang Linggong nasira ang internet namin. Nang maayos na ito, nagulat ako sa tweet mo. Sabi mo “’di ka na nagpaparamdam ah? Musta ka naman?” Jusko! Halos magka-pasa ang kaibigan ko dahil sa akin kasi naka-ilang hampas ako sa braso niya dahil sa sobraaaanngggg kakiligan!

Mas dumalas na ang pag uusap natin nun. Grabe talaga, idol! Ang saya-saya ko nung panahong nakakausap na kita. Parang dati lang kasi tinitignan kita mula sa malayo. Ang hirap paniwalaan na nakakausap na kita nun.

Dear IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon