Chapter 1

3 0 0
                                    

Jenieva's PoV

Hi guys I'm Jenieva Criz Tores. 16 years old. I'm studying in Alexandrus Academy. My friends use to call me JC for short. I'm not the girly type guys used to expect. Yes I'm smart. I'm in the higher sections as always since grade school with my friends. But, I'm not a nerdy. I don't wear glasses like I guess some of you expect. Mataray ako expect sa mga bestfriends ko and family. I hate boys and as always maliban sa friends and relatives. I am really a man hater. Walang nagsusubok na manligaw cause I guess takot mareject. Boys are boys. Kahit hindi pa sila matakot i still don't care. My heart beats for someone. Someone special.
_____________

Once again a tiring Monday. May pasok nanaman,aral nanaman. My friends and I always go to school together. Magkakapit bahay lang naman kasi kami. Magkakaibigan din ang parents namin. I have 3 boybestfriends and 3 girlbestfriends. Ito ako nagaaayos ayos lang. Dahil napaka tagal nila actually 1 hour pa naman before class diba nagmamadali ang lola mo.

*Tok! Tok!* (sound effects po yanㅋㅋㅋ)

So yun walang sabi sabi biglang nagbukas ang pinto dahil di ko naman nilock at niluwa nito ang aking mga asungot na kaibigan.

"Hi JC gooooood mooooorning" sabi ni Kristy. At ang bruha pinahaba pa yung simpleng good morning.

"Yow JZ shiniiiing Monday!" Sabi naman ni Siena na ginawa pang Z ang C.

"Jenieva Criz Pier Torez paki bilis lang malelate na tayo" ay nagmamadali ata si Stella.

"Nagmamadali ka ba Tel? Isamg oras pa before class oh" turo ko sa relong soot ko.

"JC pakain ako" sabi naman ng super patay gutom naming kaibigan na si Jay.

"Ako nga di pa kumakain eh" sabi ko.

"JC dalian mo kain na tayo" sabi naman ni Ralph na sumunod kay Jay sa pag ka patay gutom

"Alam mo JC. Bilisan mo dyan pwede gutom na ako" at sabi naman ng napaka super super super patay gutom kong kaibigan at ang pinakaclose ko na si Ice.

"Well, girls good morning sainyo! At kayo naman napaka SPG niyo no?! Wala ba kayong pagkain sainyo?!" Sabi ko sakanila.

"WALA" sabi ng mga ugok na lalaki.

"Sus anong wala eh napaka dami ng katulong tas walang pagkain?!" Sabi ni Kristy.

So yun wala na akong nagawa kundi pakainin ang mga ugok para makaalis na.

Fast forward.....

Vacant na namin ngayon and syempre ano pa nga bang ginagawa pag vacant syempre kumakain kami. Yaaah kumakain kami at kami ata ang may pinaka maingay na table. Napaka ingay naman kasi talaga namin. Pero bigla kaming tunahimik nung biglang tumayo si Ice at medyo lumayo ng onti samin. Tumawag siguro si Nia. Girlfriend niyang hilaw. Char readers joke lang masyado naman akong harsh. Pero totoo. Mas tinalo pa ako non sa sobrang katarayan. Puno pa ng kolorete ang muka. Nagmumuka na siyang espasol. Pumuputok pa labi sa sobrang pula. Ewan ko ba bakit yun yung shinota ni Ice. Pwede namang ako. Ay shet wala kayong nabasa. Kaso yun na ih. Oo na aamin na ako. Since first year ko narealize na may gusto pala ako kay Ice. Sobrang gustong gusto ko siya. Ewan ko ba kung bakit sa lahat bakit siya pa. Nagseselos ako sa mga babaeng lumalapit sakanya. Minsan sa mga fangirls niya dahil isa kaming banda magbabarkada. Tinatawag kaming Legends. Pareho kaming vocalist ni Ice. Mahal ko siya. Sobra. Kahit na nasasaktan ako siya parin. Tanga ako sakanya. Kaso tanga siya sa iba. Nung unang beses na niloko ni Nia si Ice,gustong gusto ko siyang saktan non. Kaso pinigilan ako nila Krisy. Girls lang sa barkada ang may alam ng sikreto ko saming magbabarkada. Hindi ko sinabi sa boys kasi baka sabihin nila kay Ice. Wala akong lakas ng loob para sabihin sakanya yun. Umiiyak ako tuwing gabi kapag naiisip ko na minahal ko yung bestfriend kong may mahal na iba. Pakiramdam ko talunan ako. Ewan ko ba kung bakit mahal na mahal ko si Ice. Ewan ko rin ba kung bakit ang manhid manhid niya. Sana ako nalang. Sana hindi nalang si Nia. Sana yung isang Jenieva Criz nalang. So ayun tama na sa kakaemote. Nagulat kami nung biglang para bang nagbago yung mood ni Ice pagbalik niya. Kunot ang noo. Masa ang mata. Kilala ko si Ice. Ayaw niyang pinapakitang umiiyak siya. Kaya hanggat kaya niya. Pipigilin niya. Matapang siya. Kaso yung muka niya kanina na sobrang saya napalitan ng lungkot. Bakit kaya? May ginawa nanaman ba yung girlfriend niyang hilaw?

"Oh bro, Ice bat ganyan muka mo?" Tanong sakanya ni Jay.

"Oo nga naman! Ang saya lang kanina tapos biglang nagganyan." Dugtong ni Stella.

"Ice...." tawag ko sakanya at tumingin naman siya sakin.

"Namumula mata mo. Anong nangyari?" Tanong ko.

"Ayokong pagusapan." Sagot niya sa lahat ng tanong namin.

"Ice...." napatingin nanaman siya sa pagtawag ko.

"..... tara sa labas." At tumayo ako at pumunta sa labas. Dumiretso ako sa rooftop ng school. Pag tingin ko sa likod ko naka sunod na ang isang malungkot na malungkot na Ice Villafrancia Steve.

"Ice ano talagang nangyari?" Tanong ko.

"Wala." Simpleng sagot niya.

"Ice I know you. Sa lahat satin ng magbabarkada tayong dalawa ang simula pagkapanganak magkasama na. Anong nangyari?" Muling tanong ko.

"Si Nia....." at may luhang tumulo sa kanang mata niya.

".....wala na... Ayaw niya na daw.. May iba na daw siya.. Lilipat na siyang London. Dun na magaaral.... Hindi ko kayang mawala siya.." Sabi niya. Hindi ko alam kung nasasaktan ako dahil sa nasasaktan siya o sa sinabi niya. Ang sakit. Sobrang sakit. May tumulong luha sa mata ko na agad kong pinunasan. Lumapit ako sakanya.

"Ice.... Hindi kawalan si Nia... Yung mga  katulad niya di ka deserve. Hindi deserve ni Nia yung pagmamahal m--" naputol ang sasabihin ko dahil bigla niyang sinuntok ang pader.

"WALA KANG ALAM" Sigaw niya sakin na nakapagpatulo ng luha ko. Tumakbo na ako pababa at iniwan siya. Sobramg sakit na. Hindi ko alam kung makakaya ko pa. Iniwan ko siya dahil ang sakit sakit na.

DominoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon