Chapter One

11 2 0
                                    

Kanina pa ako hinihingal sa pagtakbo dahil alam kong siya yung nakita ko. In my 17 years of existence in this world finally makikita ko na rin siya!

Takbo ako ng takbo, wala akong pakialam kung sino man ang nababangga ko basta makita at makasama ko man lang siya.

Tumatagaktak ang aking pawis sa kakahanap sa kaniya.

Matagal ko nang siyang gustong hawakan at mayakap. Sa tingin ko mababaliw na ako. Kahit saan ako lumilingon dahil alam kong mahahanap ko siya.

"Ouch!"

At kamalas malasang may nakabunggo sa akin at--

"Are you okay?"

Isang baritonong boses ang aking narinig at sa sandaling iyon ay biglang tumigil ang pag ikot ng mundo. Oh my god!

"WAAAAAAAAAAAH!"

Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Yung tipong di na siya makakahinga at makakawala pa sa akin.

"Uhm, miss get off me. I can't breath"
"Ay hehe. Sorry, OMG! I didn't expect that you really look like that! Sa mga posters ko ang gwapo mo! Pero sa personal waaaah! Di ka lang gwapo, super duper gwapo pa!"

"Excuse me I can't understand what you were saying"

"Ah! I m-mean I'm a huge fan of yours! Oh my god Harry you're so handsome!"

Walang anumay niyakap ko ulit siya nang mahigpit. Di ko maimagine na ganito ako karattle na makita ko siya. I can't contain my happiness!

"Uhm yeah! So please get off me. I really have to go now"

"Ah, g-ganun ba? Uhmm can I ask a favor?"

"W-wh"

"PAAUTOGRAPH! PLEASE?!!"
Sabay abot ko sa kanya ng Album, isang magazine at siyempre isang black pentelpen.

"Ahh okay-

"INSAAAAAAAAAAAAAN!"
"HOY BRUHA! WAKE UP! LATE NA TAYO! HOYYY!"

At doon naudlot ang aking pinakamagandang panaginip!

"Ano ba?! Bat moko ginising?!" sigaw ko sa kanya. Ang tinis tinis ng boses ng babaeng to akala mo naman kung may sunog! Kung makasigaw wagas!

"Bumangon ka na jan insan! Malelate na tayo sa flight oh!"

"Ano ka ba naman ha?! Eh mamaya pa'yun, at saka naudlot ang panaginip ko dahil sayo! Magpapa autograph na sana ako kay Harry Styles eh! Epal ka talaga kahit kelan!" sabi ko sa kanya.

"What?! Kinain ka na talaga ng pagfafangirl mo! Get up and pack your things na."

Padabog akong bumangon at dumiretso sa C.R. Pasalamat talaga tong bruhang to at may jetlag pa ako. Kasi naman eh! Nakasama ko na si Harry my labs eepal pa ang buwisit!

"Ipagpatuloy mo na lang ang panaginip mo mamaya sa biyahe. Kelangan nating sulitin ang summer insan kaya bilisan mo!"

"Whatever!"

After kong naligo I immediately pack my things. Now, we're going to Palawan. Great! Galing ko lang ng New York kanina tapos ngayon bibiyahe na naman ako, hassle! Dalawang oras lang ang natulog ko.

Nasa eroplano kami ng kinukulit ako ni Erica. Uhm by the way, Erica Dela Cruz is my cousin and she is my best friend.

"Uy sige na! Ano ba yung napanaginipan mo kay Harry Styles?"

At talagang diniinan niya pa ang pagkasabi ng pangalan ng asawa ko. Palibhasa kasi bitter! Di porket umalis na si Zayn sa One Direction ay ayaw niya na sa Lads. Kung napapansin nyo oo, mga fangirls kami pero ako lang yung over na sa pagfafangirl. Wala namang kaso sa parents ko kasi di ko naman pinapabayaan ang grades ko. I'm a topnotcher since Elementary no, huh!

"Ano ba! Tantanan mo na nga ako! Wala namang kwenta yun eh sinira mo na kasi! Wala na okay? So stop arguing!"

"O.a. nito. Btw, I can't wait na talaga! Ang tagal na nung pumunta tayo sa Palawan."

"Nah, sawa na ako. Every summer na lang dun tayo nagstestay"

"What? Don't you love the beach? Sand? And your resort?."

"That's not my resort." I said sarcastically.

"Well, ikaw lang naman ang future owner of that resort. Teka Leondale Kismeth! Ayaw mo ba talaga?"

"Look insan, that's not my passion. At saka si kuya ang mapapangalaga nun hindi ako."

"Wtf couz! Alam mo yung ibang mga tao hirap na hirap nang magkaroon ng trabaho and you. Nandiyan na nga tinatanggihan mo pa."

"You don't understand me."
"Oo nga Leondale, I really can't understand your decisions in life. You took Business Administration pero ano bang nasa isip mo? Ayaw mong mamahala sa kompanya nyo. You're unbelievable!"

"Please, not now"

Yeah, I took that course. Pero it's not my thing. Napilitan lang ako because of my family.

Nakarating kami ng Palawan at 4:30 na ng hapon at may 2 hours pa para bumiyahe sa resort. I'm so exhausted! Di biro ang bumiyahe ano! Galing pa akong New York and then this. Wala na akong time pa para magpahinga.

Gabi na kami ng dumating sa resort. Sinalubong kami ng mga staffs at ng manager.

"Good evening po Ma'am" bati nila sa amin.

"Good evening" I replied.

I can't see myself handling this kind of business. I mean I will never.

Dumiretso kami sa restaurant upang magdinner. I can smell the foods. God! I'm starving.

Tahimik lang kami ni Erica na kumain. I never felt like this awkward before. Sobrang close namin para mag away. Ni hindi nga kami kayang paghiwalayin eh.

"I'm sorry." "I'm sorry." sabay kaming tumawa ni Erica habang umiiling. Di talaga namin matiis ang isa't-isa. Magtatampuhan at mag-aaway pero maya't- maya'y nagbabati rin kami.

"Sorry, sana di na lang ako nakipag argue sayo kanina. I know you're too exhausted for that" she said with sincerity.

"Sorry din, pero I'll think about my decisions hindi pa naman huli ang lahat eh. We're still in college and I'll adjust" sabi ko naman sa kanya.

"No, you don't have to insan. I understand you. Dapat nga sinusuportahan kita kung sa anong mga gusto mo eh."

"You know insan, ni hindi ko rin maintindihan ang sarili ko eh. Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto ko. I felt like I'm lost out of nowhere"

"Siguro kelangan mo lang ng time para makapag isip pa. Second year college pa naman tayo eh, so wag mo munang isipin yan. Kaya nga nandito tayo diba para magenjoy. Kaya don't overthink. Saka mo na yan problemahin kapag nakausap mo na sina Tito and Tita."

"Yeah, you're right insan. Alam mo, kaya di kita matiis eh. Ikaw rin ang nagpapagaan ng loob ko. I'm thankful to have you best friend."

"Aweee, di ako nainform jan ah! Hahaha"

"Let's go na to our room. I'm so tired!"

"Okay! We're going to rest na para bukas ay ready na tayo para mag enjoy!"

"Hay naku! Adik ka talaga sa beach insan!"

"Naman! Tara na!"

We went to our respective rooms. Before I go to bed, I enter the restroom and took a bath. When I lay on my bed wala akong naisip kundi ang resort. Shit! Bakit di maalis sa utak ko. Dapat erase! Nandito ako para mag enjoy hindi ang mastress. So I took a nap and hindi na inisip iyon. I hope tomorrow will be a better day to me.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon