i

4 0 0
                                    

Transfer student.

Grade 4 ako nung nag-transfer kami sa bagong school. Dati, ang tingin ko sa bago kong school ay parang pinaka-main school sa bayan namin. 'Yung tipong siya 'yung central school ng lugar sa amin. Tama naman ako! Dun madalas nagaganap 'yung mga malalaking inter-school na quiz bee, sports, etc. Malaki siya at malapit siya sa Simbahan, Municipal Hall, High School, at Central Market ng bayan.

Maganda naman ang school na 'yun. Mas malaki, mas malawak, at mas maraming estudyante kumpara sa dati kong pinapasukan.

Siyempre, bilang bagong salta, hindi ako nagsasalita at parang ayaw ko na lang pumasok noon. Gusto ko lagi lang ako sa bahay. Gusto ko, uuwi pa'ko sa bahay 'pag tanghali para kumain kahit pwede namang magbaon na lang. Medyo malayo 'yung bahay namin sa school kung lalakarin pero bearable naman. Siguro mga 20 minutes lang 'pag naglakad, at 5 minutes naman 'pag sumakay.

Ako 'yung tipong hindi nagsasalita hangga't hindi kinakausap. 'Yung tipong kung gusto mo'kong makausap, ikaw unang mamansin. Ganun, ganun ako kasuplada dati. Well, hanggang ngayon naman.

Sa unang linggo ko dun, halos "Present po, Ma'am!" lang 'yung nasasabi ko. Hindi rin ako bumibili noon 'pag recess kasi pinapapabaunan ako ng pang-recess (sandwich at juice) ni Mama. Wala pang masyadong kumakausap sa'kin bukod sa paminsan-minsang pagkausap sa'kin ng seatmate ko.

First week, friday afternoon. Dahil wala pa rin akong kaibigan at kakasimula pa lang naman ng klase, ayaw ko talagang pumasok. Kahit ilang pilit man ni Mama sa'kin na pumasok, hindi ako nagpatalo, hindi talaga ako pumasok. At, nanalo naman ako! Pumayag siya na hindi ako pumasok pero alam kong sa pagkakataon lang na iyon. Pinagbigyan niya lang ako kasi nag-aadjust pa ako sa bagong environment.

After nun, lunes. Nagulat ako nung Science na namin tapos may pinapagawa si Teacher, lahat sila may inilalabas mula sa bag nila. 'Yung skeleton kemerut, 'yung kailangan ng round fastener kasi magse-serve 'yun as "joint" ng skeleton, 'yung ginupit nila 'yung photocopy ng parts ng skeleton na bigay ni Teacher. Ako, ayun! Nakatunganga, nagtataka kung paano ako makakagawa kung wala naman akong materials. Wala namang pumansin sa'kin, maging 'yung seatmate ko hindi ako pinansin kasi busy na siya sa paggawa nung activity. Pero kinakabahan na'ko nun kasi baka makita ako ni Teacher tapos magtaka siya na wala akong ginagawa. At 'yun nga! Nakita niya ako at muntik ng mapagalitan. Nakakatakot pa man din siya kasi ang laki ng mata niya, seryoso! Pero bata pa siya, siguro mga 30s. Tinanong niya ako kung bakit wala akong ginagawa, sinagot ko naman siya na dahil absent ako nung friday, kung kailan siya nagbigay ng activity niya. Tinakot pa'ko, kailangan ko daw gumawa ng ganun kasi project daw 'yun. Ako namang si tanga, naniwala, nagkandarapa ako kakabili ng materials ko kahit maubos na baon ko may maipasa lang. 'Yung tipong dos isa 'yung lesheng round fastener na 'yun, tapos ilan 'yung kailangan ko. Elementary pa lang ako nun, kaya hindi tataas sa bente 'yung baon kong pera (Nung mga panahon na 'yun, 'yung piso mo katumbas ng walong pirasong cherry ball). Kumusta naman 'yun, diba? At ito pa, kailangan idikit 'yung photocopy ng parts ng skeleton na 'yun sa folder para daw tumigas at maikabit ng maayos 'yung round fastener. Bdtrp lang talaga, wala akong gunting at paste! Lapis, ballpen, at eraser lang laman ng pencil case ko. Tapos nung nag-try naman akong manghingi sa seatmate ko, taena, ang damot! Magagalit daw nanay niya! Nakakaloko talaga! Malalaman ba ng nanay niya 'pag nagbigay siya, eh wala naman 'yung nanay niya dun? Kadamutan eh! -_-#

Kaya napagpasiyahan ko na sa bahay ko na lang gagawin 'yun at nanood na lang ako sa kanila na busyng-busy sa paggawa nun. Kaso maaga pa pala, napansin ni Teacher na hindi na ako gumagawa, tinanong na naman ako. Dahil honest ako, sinabi ko 'yung totoo na ikinagalit niya. Bigla ba namang sumigaw na,"Kailangan niyong matapos 'yan ngayon, ha?! Kung hindi niyo matatapos, kailangan may maipakita kayo sa'kin ng nagawa niyo, ok?!" habang nakatingin sa'kin. Hindi naman ako nagpatinag, nagkunwari na lang ako na may ginagawa. Kailangan kong isalba 'yung sarili ko, kaya hindi ako dapat sumuko, walang ibang tutulong sa'kin kundi ako lang.

Uwian na. Hinahanap na ni Teacher 'yung mga natapos. May iba akong classmates na nakumpleto na agad nila 'yung activity, perfect scores daw sila sabi ni Teacher. At maraming salamat dun sa mga hindi nakatapos, may kasabay ako! XD Hahahaha. Nakalusot ang lola mo!

P*nyeta, after nun, noon ko lang napagtanto na first week ng klase may project agad? Ano 'to gag*han? Pero, pinalampas na, nagka-grade na rin ako, sa quiz niya pala pinasok 'yun.

Simula nun, nakuha ko na 'yata 'yung atensyon niya. Madalas siyang curious sa scores ko sa mga quiz. At dahil may ka-swertehan akong taglay, 'yung mga naituro sa amin sa dati kong school, 'yun pa lang 'yung tinuturo niya. Kaya ayun, laging perfect score ang lola mo. Like 10/10 talaga! Namangha siya eh! XD Lol

Aminado naman ako, hindi ako matalino, hindi rin naman ako bobo. Hindi ako vocal, I mean, hindi mo ako maasahan sa mga recitations pero kaya kong sumabay sa mga written exam kahit hindi nangongopya. Lalo na nung mga panahon na 'yun, wala akong kaibigan kaya hindi talaga ako nangopya. Isa pa, napagdaanan ko na 'yung mga quiz na 'yun kaya petiks na lang! Dun ko napagtanto na mas maganda pa pala sa school ko dati, kahit maliit, mas astig pa rin 'yung pagtuturo nila dun.

Mula nun, medyo nag-excel ako sa klase. Medyo napansin kasi nga madalas na ako ang high score kumpara sa classmates ko. Dun na may nagsimulang kumausap sa'kin. Isa na dun si Jane.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon