Bunny
Nakabalot sa isang makapal na comforter ang hubad naming mga katawan. Ito ang nagsisilbing saplot namin. Nagsisilbing takip namin sa aming mga katawan.
"Bata pa tayo, Don. Paano kung may mabuo?" Kinakabahang tanong ko. Yakap niya ako mula sa likuran dahil nakatingin ako sa pinto ng kanyang kwarto.
"Mahal na mahal kita, Heather at kung may mabuo man tayo, edi tatayo akong ama sa magiging anak natin." Humalakhak siya ng mahina sa aking tainga. Hinaplos niya rin ng marahan ang aking braso at ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Masyado pa tayong bata. Second year college palang ako." Sagot ko. Humarap ako sa kanya at nakita ang mga mapupungay niyang mga mata.
Natatakot ako dahil hindi pa kami handa. Maaring may pera kaming dalawa ngunit hindi ko alam kung matatannggap ba ng mga pamilya namin ang magiging resulta.
I am so inlove with this man. God knows how much I love him.
Hinalikan niya ang noo ko ng mariin kaya napapikit ako. Tanging paghinga lang namin ang naririnig sa madilim na niyang kwarto.
"Pwede pa naman tayong mag-aral kahit na magkapamilya tayo. Hindi kita papabayaan, " Natatawa niyang utas sa akin. Hinampas ko ang kanyang dibdib kaya napahawak siya dito.
Masyado pa kaming bata para bumuo ng pamilya. Hindi pa kami handa at hindi pa dapat namin pinag-uusapan ang mga ganoong bagay pero dahil sa narinig ko sa kanya ay gumaan ang loob ko kahit papaano.
He's always been like that. When he says something, he will definitely do it.
"Pero mas maganda pa rin kung magtatapos muna tayo at parehas na maging successful," paalala ko sa kanya. Tumango siya at saka tinignan ako ng diretso sa mata. Kahit na madilim ay naaninag ko parin ang mukha niya.
"Natatakot ka ba?" seryoso niyang tanong sa akin. Hinaplos ng kanyang kanang kamay ang aking pisngi. Ang kaliwang kamay naman niya ang pinangsikop niya sa kamay ko sa loob ng comforter.
"Of course. This is our first time, Don. We're not yet ready," nagulat kaming pareho ng biglang may kumatok sa pinto. Napatayo kami at mabilis na nagbihis.
"Saglit lang. Sino ba yan!?" sigaw niya habang sinusuot ang tshirt.
Tumingin muna siya sa akin at nang makita niya akong bihis na at nag-aayos nalang ng buhok ay binuksan niya ang ilaw ng kanyang silid. Gabi na pala. Dahan dahan niyang pinihit ang door knob at bumungad sa amin ang isang cute na batang babae.
"Tito Don, baba na daw kayo sabi ni lola mommy." mahinhing wika ng pamangkin niyang babae. Tumingin ito sa akin at ngumiti ng matamis ng lumapit ako kay Don.
"Hi ate Heather." bati niya sa akin. Naramdaman kong dumausdos ang kamay ni Don sa aking baywang kaya lalong napangiti ang bata. What a lovely girl she is.
"Hello cutie." kumaway pa ako sa kanya at ganun rin naman ang ginawa niya. Gusto ko siyang halikan at yakapin pero naisip kong matatagalan iyon kaya ipinagpaliban ko nalang.
"Alright, Abigail. Tell your lola mommy that give us a second." nakangiting bilin ni Don at tumango naman ang bata saka tumakbo paalis. Nang naisarado na ni Don ang pinto ay agaran naming inayos ang magulo niyang kama.
"Does it still hurt?" tanong niya sa akin ng naiayos na namin ang kama. Pakiramdam ko ay pumunta lahat ng dugo sa aking ulo, paniguradong mapulang mapula na ang mukha ko.
Iyon na ata ang pinaka awkward na tanong na ipinukol niya sa akin. Alam niya ba kung gaano ka awkward iyong tanong niya? Gosh. Sa buong buhay ko iyon na ata ang tanong na hindi ko kayang sagutin gamit ang boses ko.
YOU ARE READING
After all the pain
Teen FictionOnce upon a time, there is a love story full of sweetness, love and respect. Until some unexpected thing happened. Some call it disgrace. Some call it a blessing. It happened to be a tragic story. The other side is full of hatred and the other side...