AATP: Chapter Two

6 3 0
                                    

Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising. Mabuti nalang at sabado. Wala akong pasok. Nag-ayos ako ng sarili bago bumaba. Nasa hagdan palang ako ay may naririnig na akong boses sa kung saang parte ng bahay kaya minadali ko ang pagbaba.

Mabilis man at walang tingin sa aking tinatapakan ay minabuti kong bumaba ng hindi nasasaktan.

Sa dining room namin ay nakarinig ako ng pagtatalo ng kung sino kaya nagmadali akong pumunta doon. Nakita ko si kuya Nathan na nakabusangot ang mukha at si daddy na pinapagalitan siya.

"What in God's name is this madness, Nathaniel!"sigaw ni daddy. Umalingawngaw ang tinig niya sa buong bahay sa lakas. Galit siya. Galit na galit. Maski ako ay nagulat. Hindi niya ako pinansin kaya tumabi nalang ako kay mommy na nasa kabilang dulo ng mesa.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Should i stop them? or just watch them?

"Dad, that's just one night and that's my own money anyway. Stop acting as if i'm doing it everytime! " padabog na wika ni Kuya. Mataas na rin ang tono ng kanyang boses.

Siguro kanina pa sila nagtatalo. Bakit kasi ngayon lang ako nagising? Hindi ko tuloy alam kung ano ang puno at dulo nitong usapan nila.

Kinabahan ako sa maaring mangyare sa dalawa pero nagpakampante ako. Nanginginig ang kamay at mabilis ang pagtaas at pagbaba ng dibdib ni daddy.

 Hinawakan ni mommy ang kamay ko at tumingin sa akin. Kinakausap niya ako gamit ang kanyang mga mata at sinasabing everything's gonna be fine.

Si mommy ang nag-iisang liwanag sa madilim na buhay sa aming tahanan tuwing may ganitong kumosyong nagaganap. 

"I told you, Nathaniel! You should stop what you are doing right now!"  kinalabog na ni Daddy ang mesa na ikinabigla ng lahat maliban nalang kay kuya. Sanay na siya sa ganitong pag asta ni daddy patungo sa kanya tuwing hindi nito nagugustuhan ang mga ginagawa niya.

"You have no say on what i do with my money," matigas at malamig na wika ng kapatid ko. Oh, my god. He's only making things worse!

Tuwing nagkakasagutan ang aking kuya at ang aming ama ay nananatili lang kaming tahimik ni mommy. Aniya na kung ang isang away o sagutan ay hindi tungkol sa atin at hindi para sa atin ay huwag makikialam.

"How dare you talk back to me? We did not raised you to be like that, Nathaniel!"

"Oh wow!"

"Do what i say or i'll cut out all your money. I'll leave no centavo on your account. Do what i say or i'll never let you handle our company!" pagbabanta ni daddy kay Kuya.

Mabilis ang hininga ni daddy dahil sa galit. Makikita mo ito sa pag-angat ng kanyang dibdib. Tumikhim si kuya at matalim na tinignan si daddy. Galit rin siya sa nangyayare.

I hate to admit it but my dad is good at manipulating people. Hindi siya titira ng baraha kung hindi siya sigurado na sa huli ay hindi siya mananalo.

 At sa sitwasyon ngayon, alam niya kung saan titirahin si kuya. Alam niya kung saan ito mahina. Mas lalong alam na alam niya kung gaano nito kagusto ang pag alaga sa aming business. Bata pa lang kami ay pangarap niya na ang mamahala sa negosyo namin.

Pareho silang galit at hindi nagpapatalo. Duon sila parehong nakilala sa mundo ng business, parehas silang hindi nagpapaangat sa iba. Maaring bata pa nga ang kuya ko pero nakabuo na siya ng kanyang sariling pangalan sa laranagan ng negosyo.

Padabog siyang tumayo at ang mga titig niya ay nakatuon pa rin kay Daddy. Matatalas ang kanyang tingin na pinupukol sa haligi ng tahanan namin. Tumayo rin si mommy at nilapitan si Kuya Nathan. Pinapakalma niya si kuya habang matatalim parin ang titig nito kay daddy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

After all the painWhere stories live. Discover now