Tama Na

4 0 0
                                    




Tama na

Sa pag-iisip

Na siya ang makakabuo

Sa durog mong puso



Tama na

Sa pagpipilit

Na siya ang makakatanggal

Sa matagal mo ng uhaw



Tama na

Sa pag-aakalang

Siya ang magbibigay

Sa iyo ng hinahangad mong buhay



Tama na.

Tapusin mo na,

Ang pamimigay

ng iyong puso kahit kanino



Sa huli'y

Ikaw rin ang patuloy na magdurugo

Kaya tama na.

Puso mo'y sa'yo muna.



* * *

I will be trying to translate this into English later on.  

Compilation of PoetryWhere stories live. Discover now