25th Day

755 20 4
                                    

xx

Day 1

Naglalakad sa kalsada hindi alam kung saan pupunta, lutang ang utak, basag ang puso hindi alam kung paano ito mababalik.

Day 2

Hindi makabangon sa kama, puno ng luha ang mga mata yakap yakap ang unan na ibinigay ng taong akala niya ay pang habang buhay na.

Day 3

Hanggang sa pagkain ba naman ay wala siyang gana? Nilaro ang biniling pagkain habang nakatingin sa malayo inaalala ang mga masasayang ala-ala.

Day 4

Binuksan ang telepono walang nakitang mensahe, napunta sa inbox at nakita ang mga dating mensahe galing sa dating kasintahan. Hindi na naman mapigilan ang pagtulo ng luha.

Day 5

Kasama ang mga kaibigan ang Tanduay at Red Horse nilulunod ang sarili, nilulunod ang mga di malimot limot na mga ala-ala.

Day 6

Tinignan ang sarili sa salamin napapabayaan ang sarili, pumayat ang pangangatawan at bahagyang humaba na ang buhok. Wala ng pakielam sa sarili. Bahala na.

Day 7

Pati ang mga grado ay napapabayaan unti unting bumabagsak, pinapagalitan ng mga guro ang dating matalino at bibo sa klase ay nagpapabaya na.

Day 8

Napapansin ng mga kaibigan ang nangyayare, inaalala siya at sinabing kalimutan na ang pinakamamahal niya. "Paano ko siya makakalimutan kung bawat segunod, minuto at oras ay siya ang iniisip ko? Siya ang laman ng puso ko. Siya lang. Hindi niyo alam kung gaano kasakit maiwanan kaya wag niyo sakin hilingin na kalimutan siya kasi hindi ko pa kaya." 

Day 9

Umuwi sa bahay, ang gulo gulo ang mga magulang nagsisigawan, walang katapusang away na naman. Masyado ng magulo ang utak ko. Ang sabi ni nanay meron na naman daw ibang babae si tatay. Kailan ba siya titigil? Hindi pa ba sapat si nanay para sakanya?

Day 10

Lalong gumulo ang buhay, naisipan ni Tatay umalis muna sa bahay pinapalamig ang ulo ni Nanay. Hindi ko na alam, hindi ko na alam kung anong mangyayare sa buhay ko.

Day 11

Tumakbo sakanya, pero pinigilan ang sarili. Bakit pa siya tatakbo dito? Para saan pa? Makakadagdag lang siya sa problema nito. Hindi niya napigilang maiyak, tulo ng tulo ang luha ayaw tumigil.

Day 12

Iniisip kung bakit ba siya iniwan? Hindi ba siya masaya sa piling nito kaya iniwan siya? Bakit lagi na lang siya naiiwan magisa? 

Day 13

Nakakita ng matalim na blade sa tabi ng mesa, inilapit ito sa pulsuhan at diniinan, pinakiramdaman ang paglabas ng dugo lalo pang diniinan at lalong dumami ang lumalabas na dugo. Nakaramdam ng pagkahilo. Naramdaman ang kadiliman. Naramdaman ang pag unti unting pagkabagsak. Ito na ba ang katapusan?

Day 14

Naramdaman ang pagsakit ng kanyang ulo at lalo na ang pulsuhan, himala buhay pa pala siya. Binuksan ang mata at hindi alam kung saan ang kwartong ito. Nakita ang nanay na humahangos papasok ng pinto. 

"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?!" sigaw ng kanyang nanay. Nanatiling nakatingin sa nanay. Lumapit ito at bigla siyang sinampal. "Wag mong patayin ang sarili mo dahil lang sa iniwan ka niya! Hindi siya ang mundo mo!" sigaw pa nito ulit.

"Wala kang alam! Siya ang mundo ko! Sakanya umiikot ito!" sigaw ko pabalik. 

Umiyak na lang ang kanyang nanay. "Anak wag mo tong gawin, kailangan ka pa namin. Mahal ka namin andito naman kami."

Day 15

..

Day 16

..

Day 17

Muli nakapasok sa eskwelahan, napabalita ang di umano'y pagpapakamatay niya. Ang iba ay tinatawanan siya ang iba naman ay nakikisimpatya sakanya.

Day 18

Nakaupo sa may parke at sa di kalayuan ay nakakita ng magkarelasyon sa di kalayuan napakasweet at mukhang hindi mapaghiwalay. Naalala na naman ng mga panahon na sila'y laging magkasama pulos asaran at habulan ang kanilang ginagawa, mukhang mga bata sa paningin ng iba wala naman silang pakielam atleast sila'y masaya at magkasama.

Day 19

Kaya ko kayang magisa? Kaya ko bang wala siya? Hindi ko alam, hindi ko na alam. 

Day 20

Pagod na pagod na ako umiyak. Gusto kong tumigil ngunit ayaw tumigil ng mata ko.

Day 21

Ang sabi ng mga tao sa paligid ko ay bumangon na ako, bumalik na ako sa sarili ko sa dati kong sarili pero paano ko gagawin yun kung wala siya sa tabi ko? Siyang nagpapasaya sa bawat araw na tinatahak ko.

Day 22

Nakita ko ang mga kaibigan niya sa kalsada, tumingin sila sakin na parang naawa dahil sa kalagayan at istura ko. Nginitian ko sila, pero alam kong hindi maganda ang kinalabasan noon. Maski sila mahahalata sakanilang mukha ang lungkot. 

Day 23

Gumising ako ng araw na ito na parang walang pakiramdam, na walang nangyare sa mga nakalipas na dalawapu't tatlong araw. Kumilos katulad ng dati, kumain ng marami, sumagot sa mga propesor kagaya ng dati. Pinipilit ayusin ang sarili. Binabalik ang dati.

Day 24

Binabalik ko ang dati, pero kahit kailan alam ko hindi na siya babalik sakin. Pinagmumukha ko lang tanga ang sarili ko.

Day 25

Kaarawan niya at gustong gusto ko na siyang makita. Nagbihis ng pormal at bumili ng bungkos ng roses na kanyang paborito at isang relo. Dumiretso sa kanilang bahay at nakita ang kanyang mama na magisa. Nakakamiss pala pumunta dito. Nakakamiss ang pakiramdam na malapit sayo ang taong mahal mo. 

Hinatid niya ako sa likod bahay at nakita ko siya doon. Nginitian niya ako at dinampian ng halik sa pisngi, inilapag ko ang dala ko at umupo sa tabi niya. Tinabing ang mga kalat sa paligid. At unti unting hindi ko na mapigilan ang sunod sunod na luha na pumatak sa aking mga mata.

R.I.P

Alyssa Enriquez

March 21, 1995- March 25, 2012 

"Baby, kamusta ka na? Alam mo bang miss na miss na kita? Hindi ako makakain, makatulog, maski maligo sa kakaisip sayo! Bakit mo ba kasi ako iniwan? Bakit biglaan? Akala ko ba ikakasal pa tayo? Magkakaroon ng madaming anak hindi ba? Baby, miss na kita. Yung kakulitan mo, yung kaartehan mo, yung lahat lahat sayo baby miss na miss ko na. Masaya ka na ba jan? Di ka na ba nasasaktan? Wala ka na bang problema? Hirap na hirap na akong mabuhay ng wala ka, hindi ko kaya pero kinakaya ko ng dahil sayo, dahil sa pangako ko. Pero matigas ang ulo ko hindi ko natiis at tinangka kong magpakamatay para masundan na agad kita jan baby. Pero siguro sadyang malakas ka kay Lord at binigyan niya pa ako ng isang pagkakataon at binuha pa. Baby mahal na mahal kita. Ikaw at ikaw lang mahal ko."

Pinunasan ko ang luha ko, ramdam ko padin ang sakit na galing sa puso ko. Dalawang taon na ang nakakalipas ngunit parang kahapon padin ang mga nangyare sariwang sariwa padin ang sugat na naiwan sakin.

Unti unti ako naglakad papalabas.

At naramdaman ko ang yakap niya.

Siguro nga hindi siya nawala, maaring nawala ang kanyang katawan ngunit ang kanyang pagmamahal para sakin at ang pagmamahal ko sakanya ay kailanman hindi magbabago.

Pangako.

xx

One shot guyth! Matagal wala paramdam e, sana basahin niyo 'to ahihi, salamat ng pala mga ate't koya sa pag-fan sakin super thanks and love you talaga!! <3 Sana magustuahn niyo. Sorry sa pagiging busy mas naging pokus ko ang pagaaral at pagbabasa pero pangako! Malapit na ulit ako maging active at makakapagsulat na ulit! Broken kasi e. Haha! Vote, Comment and whatsoever! Haha, thanks guyth in advance!

Xox, 

Anikka

25th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon