Eight letters, Three words, One regret. I miss you.
--
Seulgi
I miss you. Miss na miss na 'kita kung alam 'mo lang.
Bakit nga ba kasi ako lumayo sa iyo?
Siguro dahil natakot ako. Natakot sa posibilidad na baka ang pamilya mo, Itakwil ka ng dahil lang sa akin.
Alam mo naman na mahal na mahal kita diba? At ayoko na pati sarili 'mong pamilya, Iwanan mo ng dahil sa akin.
Kaya ako nalang ang lumayo. Ako nalang ang nagparaya. Para sa kinabukasan mo. Para maging tagapagmana ka pa din ng Bae Company. Para maging maayos pa din ang buhay mo pagdating ng araw.
At alam mo ba?
Sobra akong nagsisi ng makita kita sa coffee shop at hindi manlang kita nilapitan. Yung tipong papalapit ka na sa akin, Pero tumakbo pa ako papalayo?
Sorry naman. Ayoko lang kasi na makalapit ka ng tuluyan sa akin at hindi ko na mapigilan ang sarili 'ko na yakapin ka ng mahigpit at magmakaawang balikan mo ako.
Irene. I sighed. Muli 'kong tinignan ang cellphone ko na wallpaper ang picture naming dalawa.
Iniisip mo pa din kaya ako gaya ng pagisip 'ko sayo?
Mahal mo pa din kaya ako?
Madaming tanong ang umiikot sa isipan ko pero wala naman akong mahanap na sagot.
Siguro dahil wala tayong closure at biglaan nalang akong lumayo sayo?
"Iniisip mo na naman." Sabi ni Yongsun sa akin. Napatingin ako sa kanya at ngumiti ako ng mapait.
"Hindi 'ko naman mapigilan..." I almost whisper, "Mahal na mahal ko pa din sya."
Bakit, Irene? Ano ba talaga ang pinakain mo sa akin at bakit adik na adik ako sa iyo? Kahit na anong paglimot ko sa iyo, Walang epekto.
Kailangan ko na talagang magmove on. Dahil wala na din namang patutunguhan itong nararamdaman 'ko.
It's been 4 months and counting since I left her, Pero mahal ko pa din sya hanggang ngayon.
Hindi 'ko na din naman sya mababalikan dahil sure ako na galit sya sa akin. Siguro kung nakalapit lang sya sa akin noon sa coffee shop? Malamang ay sinampal nya ako sa sobrang inis nya.Hindi 'ko naman sya masisisi. Wala naman talaga akong kwenta.
Iniisip 'ko lang naman ang kapakanan nya. Kasi naman, diba? Tama naman ako. Siguro kung kami pa din hanggang ngayon at nalaman na ng mga magulang nya na may relasyon kami, Malamang ay tinakwil na sya ng mga ito. At iyon. Iyon ang ayokong mangyari sa kanya.
Ayokong mawalan sya ng mana dahil lang sa akin. Ayokong mawalan sya ng pamilya dahil lang mas pinili nya ako. Mas pinili 'ko lang ang kabutihan nya, Masama ba 'yon?
"Bakit hindi mo balikan?" Tanong nya sa akin habang nagtitimpla ng kape. Tatlong tasa. Siguro para kay Moonbyul yung isa.
BINABASA MO ANG
I miss you | seulrene
Short Story❝Come back to me, Please? I miss you.❞ Irene x Seulgi. /©Baechuism.