Ano ba yan parang nagdadalawang isip pa ako sa sinabe ni Aling Maling kasi naman eh bukas na yung concert ni Dj dito at bukas na din daw ang alis ko para nakakapanghinayang lang kung di ako makakanood diba
Syempre hindi lang din dahil dun syempre mamimiss ko yung kapatid kong chismoso si cholo at syempre yung tatay ko at nanay ko panganay ako samin tas yung Aling Maling naman na yon kapit bahay naman hindi ko siya mamimiss i hate her guts char kasi naman for sure naman nakikipag plastikan lang yun sakin kilalang kilala ko na yun
So ayun nga mamimiss ko yung nanay ko kahit drug pusher yan tas yung tatay ko nakaanib ni nanay kaya naman si tatay ay isang drug dealer huhu charot lang mga inosente ang nanay at tatay ko ang pamilya ko lahat kame inosente ako lang ata hindi choss
Kasi naman gusto makita si Dj bukas huhu kahit sisilip lang ako basta makita ko lang siya my lover boy
At syempre hindi ko din sure kung totoo nga na kina Dj ako magtatrabaho hays ang hirap umasa masasaktan ka lang
Kaya ngayon ang gagawin ko magiikot-ikot muna ako syempre mamimiss ko tong baryo namin baryong masang-sang, pangalan pa lang pamatay na char
Lumabas ako ng bahay para mag gala-gala, habang naglalakad ako nakita ko si Aling Glo yung matandang pulube dito sa may amin
Alam ko sabi sabi nila na sa sobrang talino daw neto ay nabaliw daw pero manghuhula daw tong si Aling Glo makausap nga tutal baliw din naman ako baliw na baliw sa taong di ako mahal huhu
"Aling Glo kamusta na ho kayo?" Tanong ko kay aling glo syempre magalang din naman ako mahadera at etchosera lang ako pero magalang ako
"Ah ineng ikaw pala yan, okay lang naman ako ito malakas parin ika-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya kasi biglang nanglake ang mata niya
"Aling Glo ayos lang ho kay-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita
"Sino ka? Kilala ba kita? Bat ka andito?" Tanong niya hala oo nga pala nakalimutan kong sabihin sainyo na makakalimutin si Aling Glo at pag nakalimot na siya bigla ka niyang huhulaan tas makakalimutan ka narin niya ulit na parang walang nangyar-
"Ineng alam kong pupunta kang Maynila para magkatulong, at sana ay wag kana tumuloy dahil may masamang sasakubong sayo isang pangyayari na hindi mo gugustuhin na mangyari at pag tumuloy ka ng alis may mangyayari masama, mangyayaring masama sakanya" pagtutuloy ng matanda ano ba naman yan hindi naman ako naniniwala sa mga ganyan ganyan
"Alam niyo ho Aling Glo masama ho mag drugs ke tanda tanda niyo na eh nag dadrugs pa kayo paktay kayo kay duterte niyan" sabi ko na lang hay nako ano ba yan umalis na ako kaso bago ako umalis bigla siyang sumigaw
"WAG MONG GAGAWING BIRO ANG MGA SINABE KO LAHAT NG SINABE KO AY TOTOO KAY MANGYAYARING MASAMA HAHAHAHA-" tumawa siya na parang baliw pero hindi niya natuloy dahil kinapos ata ng hininga yan ang napapala sobrang high na kasi ni lola jusko
Pero nakakadalawang isip din yung sinabe ni lola pauwe na ako ng bahay pero yun parin ang iniisip ko paano nga kung may masamang mangyari? Paano kung may mamatay? Pero wala namang sinabe si lola na may mamatay ang sabi lang niya may mangyayaring masama
Pero paano kung totoo yun masama nga ba talaga? Tutuloy pa kaya ak-
"OUCH" hindi ko natuloy ang sinabe ko dahil may nakabanggaan ako ng lalake infairness ang pogi ni kuya pera masakit yun
"Ano ba naman yan Manong sa susunod nga tumingin ka sa dinadaanan mo" sabi ko kasi naman masakit kaya yun
"Hala Miss sorry akala ko kasi pader" aba loko loko to bigla pa akong tinakbuhan
"PATAY KA SAKIN PAG NAKITA ULIT KITA" sabi ko aba patay talaga siya sakin
"SIGE MISS AABANGAN KITA SA FUTURE KO BYE FUTURE GIRLFRIEND MWA MWA" yak wth ang kapal ng muka niya ha tinaas ko yung dalawang kamay ko na naka pakyu hahaha akala niya maiisahan niya ako
Dumiretso na ako sa bahay at nabigla ako sa naabutan ko at talagang excited si tatay na umalis ako bukas ha grabehan sila nakaimpake na agad ako jusko
"Nak pinagimpake na kita para dire-diretso na yung pag alis mo bukas" sabi ni nanay at tatay
"Aba excited ka talaga tay ha" sabi ko naiiyak ako gash mamimiss ko sila
"Syempre anak mamimiss ka namin huhu" tas umiyak na si nanay
"GROUP HUG" sabi ni cholo nag group hug kame kaso parang may naaamoy ako
Nagkatinginan kame sabay sabe na "Naaamoy niyo ba ang naaamoy ko" tas lahat kame tumingi kay cholo yak ang baho ni cholo amoy asim kilig eww char
Mamimiss ko talaga tong pamilya kong to, lalo na si nanay, si tatay, si cholo, yung amoy nila, at syempre yung bahay namin at yung Barangay. Masang-sang huhu i kennat
BINABASA MO ANG
Imagined You and Me (ON-GOING)
FanfictionMaayos na umaga maayos na araw pero paano kung isang araw haharap siya sa pagsubok na hindi niya alam kung kakayanin ba niya o hindi. Paano ang magiging takbo ng buhay ni Kathryn Katelyn Sinukuan. Assuming lang ba siya o mahadera? O isang siya assu...