April's Fool or April Fools?

16 0 0
                                    

Tanghali na nang gumising si April.

Masyado kasi siyang naeexcite kung anong anniversary surprise ng nobyo niya sa kaniya kaya halos mag-uumaga na rin siyang nakatulog.

Tiningnan niya ang cellphone niya at lumukot ang kaniyang mukha nang wala man lang kahit isang text sa kaniya ang nobyo niya kahit pa sa messenger.

Bigla agad umaliwalas ang mukha niya nang maisip na baka isa ito sa plano ng kaniyang nobyo.

Inaamin niyang hindi sila kayamanan ngunit nakabingwit naman siya ng lalaking maaaring mag-ahon sa kaniya sa hirap.

Siguro, dati, pera lang ang habol niya pero ngayon, minahal niya na ang lalaki.

Hindi maipagkakaila na kagandahan naman si April ngunit marami pa rin ang ayaw sa relasyon nila. Hindi naman nila iyon pinansin bagkus ay ginawang oportunidad para humaba ang kanilang relasyon, at ito na nga, 2nd anniversary na nila.

Tumayo na siya sa pagkakahiga at nag-ayos na. Gusto niya munang mag-ikot-ikot sa tiangge para bumili ng regalo para sa nobyo gamit ang mumunting ipon.

Nang nasa tiangge na siya, hindi siya magkaugaga dahil hindi niya alam kung anong bibilhin niya para sa nobyo. Nung nakaraang taon kase, isang polo shirt ang binili niya, alam niyang sobrang simple at parang hindi pinaghirapang pinili pero sa totoo lang hindi niya talaga alam kung anong regalo ang bibilhin niya, masuwerte pa nga't nakahanap siya ng polo at nagustuhan ito ng nobyo niya.

Sa ngayon, naglilibot pa siya para makahanap nga ng regalo. Ilang hakbang pa ang nagawa niya nang bigla siyang huminto. Nakatapat siya sa isang shop ng paburdahan. Nakaisip naman agad siya ng ideya at pumasok sa loob ng paburdahan.

Paglabas niya ay mayroon na siyang bitbit na maliit na paper bag at ang nasa loob ay ang kaniyang mumunting regalo. Wala pa siyang planong umuwi kaya naman pumunta muna siya sa park. Nakikita niya ang mga batang masaya habang naghahabulan, mga high school students na may pasok pa rin at napiling tumambay sa park pagkatapos ng uwian.

Nakaramdam naman siya ng inggit, iniisip na sana'y maging bata siya ulit at magpakainosente sa mga bagay-bagay.

Bigla namang may kumirot sa puso niya.

'Tumigil ka na sa pag-iisip mo April!', sabi niya sa isip niya.

Bigla namang may nagtext sa kaniya.

From: Poging Kups
Hi! Meet me at the park at 5 o'clock in the playground. I have something to tell you.

'Oh! Baka ito na ang surprise niya!' she smiled excitedly but, but there's something she's hiding in that smile.

Tiningnan niya kung anong oras pa lang. 3:18 pm palang. Almost 2 hours pa siyang mag-aantay. Hindi na siya uuwi, hassle lang sa byahe at sayang sa pamasahe. Tumambay muna siya sa kalapit na convenience store na 7/11 at bumili ng ice cream. Pang-ice cream nalang kase 'yung pera niya.

Masyadong malalim ang iniisip ni April at nagising sa katinuan nang tumulo ang lusaw na ice cream sa kaniya.

Siguro nga napakatindi ng bumabagabag sa kaniya na halos hindi niya nagalaw ang sorbetes.

Tiningnan niya ang oras: 3:57 pm. Halos mag-iisang oras na pala siya sa convenient store.

Nilisan niya na ang 7/11 at nagdesisyong pumunta na sa playground ng park, doon nalang siguro siya maghihintay ng isang oras.
Nang datnan niya ang parke, may isang babaeng nakaupo sa swing, tindig palang alam mo nang marangya ang buhay, isama mo pa ang branded na dress niyang 'Dior' at heels na 'Celine'.

April's Fool or April Fools?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon