Chapter: 01

8 2 0
                                    

  "Hi guys sana magustuhan ninyo ang kwento nila "Clifford❤ Sandra❤ Jeid" ito po kasi ang unang story na naisulat ko."

              "ENJOY READING!!!"

—————

Sandra POV❤

   Habang naglalakad akong patungong iskuwelahan napansin kong parang kanina pang may sumusunod sakin.

Kaya medyo binilisan ko ang paglakad ko hanggang sa mapansin kong wala ng sumusunod.

Kaya bago ko pinagpatuloy ang aking paglalakad tiningnan kong maigi ang aking bandang likuran kung may sumusunod pa. Tamang tama pagkaharap ko napahawak ako bigla saking dib dib dahil sa gulat at kaba.

"Wahhh... Ano ba naman yan Clifford nanggu-gulat ka eh?!" sambit ko sakanya.

"Sorry, chill lang makikisabay lang naman ako. Hindi ko namang intensyong gulatin ka eh" natatawang sambit niya.

"Sorry mo mukha mo natatawa ka pa huh?!" inis na sambit ko. Sino ba namang hindi maiinis kung nagulat ka na nga tatawan ka pa, Ish.

"Pasalamat ka best of friend kita kundi kanina pa kita nabukulan jan. Tsk." dagdag ko pa.

"Sorry na nga eh... Bakit parang takot ka huh?" tanong niya habang inuusisa ako.

"Teka nga lang ikaw ba Clifford huh kanina pang sumusunod sakin huh?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay at nakapamewang.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka."Huh? Bago lang kaya ako dito. Bakit may sumusunod ba sayo?" tanong niya.

"Yata eh." bulong ko na sapat lang na ako lang ako makakarinig."A-ahh never mind, tara na baka malate pa tayo." sambit ko sa kanya na nakangisi.

Nagkibit balikat na lang siya at tumango sakin at nag-umpisa na kaming maglakad. Nang nasa tapat na kami ng gate ng school nagulat kami ni Clifford/Cliff ng biglang may umakbay samin sa likod.

"Oh! Bro ang aga ata natin huh?" sambit ni Cliff na nakangisi ng malapad.

"Oo nga naman Jeid himala yata." pang-aasar ko sa kanya.

"Grabe kayo mga bro ngayon nga lang tayo pumasok ng maaga pinapansin niyo pa. Malamang gusto ko makasabay sa dalawa kong best of friends." pagmamaktol niya. Hahahahaha para siyang bata tingnan.

Yes! Tama kayo ng panrinig mag best of friends kaming tatlo. Ako si Sandra Mendez. I am 18 years old.

Ang best of friend ko naman ay si Clifford Alvarez his 19 years old. At ang isa ko namang best of friend ay si Jeid Salvador also 19 years old.

"Mga HOY, tara na baka malate pa tayo." pag-aaya ni Jeid samin.

"Maka "hoy" ka wagas huh. Tara na nga." aya ko at nag-umpisa na akong maglakad at naramdam ko namang sumunod sakin ang dalawang HOY best of friends ko.

Nang makarating kami sa loob ng classroom ay umupo na kami sa last row sa gitna. Ganito ang seating arrangement naming tatlo Clifford Alvarez/ Si ako/Jeid Salvador. Nang maka dating na ang  professor namin ay naglecture agad.

Nang matapos ang guro naming maglecture ay naggrupo grupo naman kami. Alangan sino pa kagroup ko edi yung dalawang HOY. Dahil three members lang naman in one group kaya ayun kami ang magka group tatlo.

"Oh, mga bro sino leader natin." tanong ni Clifford.

"Ay oo nga sino, bilis." sambit ko sa kanila.

"Alam ko na kung sino." sagot ni Jeid.

"Sino naman? Huh?." tanong ni Cliff.

"Malamang ikaw." sagot naman ni Jeid.

"Bakit ako ikaw pala Jeid." pagmamaktol ni Clifford.

"Ayoko ko noh." sagot ni Jeid

"AHHH, ALAM KO NA SI SANDRA NA LANG." sabay na sambit ni Jeid at Clifford.

"No... No... No... Ayoko bahala kayo haler." pag-aangal ko.

"Ang alam ko kasi LADIES first." sambit ni Clifford na diniinan ang salitang LADIES.

"Oo nga naman noh." pasasang-ayon ni Jeid. Iiissshhh kainis may choice ba naman ako. Tsk.

"Ano nah?" tanong ni Jeid na nakangisi dahil alam niya na hindi na ako tatanggi pa.

"Sige na nga may CHOICE ba naman ako." sagot ko sa kanila at dahilan ng kabilang pagtawa. Nang matapos ng maglecture ang prof. namin ay class dismiss nah.

-----------

                     Please Vote!!!😘😘😘


























The Love TriangleWhere stories live. Discover now