Chapter One

2 0 0
                                    

welcome back

Wendy's POV

Papasok pa lang ako sa gate ng school kinakabahan na ako. Ang daming estudyante. Pero ni isa sa kanila walang tumitingin sa akin.

Nakalimutan na ba nila ang ginawa ko sa Hari nila?

"Good Moring mam." Napataas ang kilay ko.

Out of all students, ako lang amg binati ni manong guard ng 'gudmoring'.

Two weeks akong hindi pumasok.Kilala pa pala niya ako.

Pagpasok ko sa school ground. Everything seems fine and normal. Mga estudyanteng nakatambay sa mga favorite spots nila.

Yung mga bookworm ngbabasa. Yung mga nerdy nakayuko lang at takot na ma bully sila.

Hmm.. Nakalimutan na nga kaya nila?

Kahit ang weird, pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papunta sa classroom namin.

Ako lang ba? O talagang umiiwas sila kapag nakikita ako? Para akong prinsesa na naglalakad sa hallway. Yung mga estudyante humahawi at binibigyan akong daan.

Bigla akong kinabahan..

Hindi kaya ito na ang umpisa ng mga plano niya?

Bago ako pumasok sa classroom, nakiramdam muna ako. Katulad ng dati magulo sa classroom namin. Isa lang ang ibig sabihin wala pa ang hari.

Nag-ipon ako ng hangin bago pumasok.

Pagpasok ko pa lang parang tumigil ang mundo.Ni isa sa kanila walang gumagalaw. Hindi sila nakatingin sakin. Pero bakit bigla na lang silang tumigil?

Iniikot ko ang paningin ko kung mayroon ba kahit isa ang gumagalaw. Nakita ko si Trisha. Maging siya ay hindi din nagalaw. Pati ang orasan sa wall, nakatigil lang sa alas nuebe.

Nagmamadali akong tumingin sa labas. Pati sila nakatigil. Magugunaw naba ang mundo?

Kinakabahan na ako.

Nang biglang....

"Ikaw na na na.. Pwede bang magpakilala, larawan mong magara.." Nanlaki ang mata ko.

Para lang yung nasa pelikula na mga lalaki. Napaka gwapo niya. Singkit ang mga mata, Matangos ang ilong, Ang nipis ng labi niya.

Matangkad at maputi din siya. Gulo gulo ang kulay Dilaw niyang mga buhok.

Wait.... Dilaw na buhok?

"Hindi na mabura sa sa sa isip ko na na na.."

May hawak siyang gitara at kumakanta papalapit sakin. Yung mga estudyante hindi pa rin gumagalaw. Humihinga pa kaya sila?

Napaka gwapo nya at para bang napatigil din ang mundo ko. Pakiramdam ko isa akong tauhan sa pelikula na inaawitan ng kapareha niyang artista.

Pero ng maalala ko na dilaw ang buhok niya...

"Stop!" sa pagsasabi ko ng salitang stop. Parang bumalik ang lahat. Gumulo ulit ang mga estudyante. Nagpatuloy sa daldalan ang iba kasama na si Trisha na hindi man lang tumitingin sakin. "Anong kaululan to?" Tanong ko sa kaniya.

Sa halip na pag ngisi na tulad ng palagi niyang ginagawa ay isang matamis na ngiti lamang ang sinukli niya.

Tinaas niya ang kamay niya at ang lahat ay naupo na at nanahimik.

"Wendylyn Dizon, Pwede ba kitang ligawan?"

Iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii

Para akong nabingi sa sinabi niya. Nakarinig ako ng isang matinis na tunog dahilan para mapatakip ako sa tenga ko.

"Anong sinabi mo?" Paglilinaw ko ulit, kahit narinig ko naman talaga.

Ipinamulsa niya ang dalawa niyang kamay at taas noong nag salita.

"Pwede ba kitang ligawan, Wendylyn Dizon?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love GameWhere stories live. Discover now