Nakasimangot lang ako na nakatitig sa food sa harap ko. Kinakausap ako ni Mama pero wala ako maintindihan sa sinasabi niya.
“Wendylyn, Kailangan mong pumasok sa eskwela. Ilang buwan na lang at matatapos na. My God!” Sabi ni mama habang panay ang halo niya sa kape niya.
“Mama naman kasi. Pwede bang mag home school na lang ako? Ayoko ng bumalik sa Greyson na yun! Bakit ba kasi ako napadpad don?” Napapikit si Mama.
“kinausap ko na ang school.Wala silang magagawa dahil apo ng may-ari ang kinalaban mo. Ano ba naman kasing pumasok sa isip mo at binuhusan mo ng pinturang may tae ang classmate mo?” pinigil ko ang matawa.
Sa tuwing naalala ko hindi ko mapigilan. Akalain mo. Si Daryl Greyson, ang pinaka sikat at kilalang lalaki sa GreysonColleges nagawan ko ng ganon?
“You are going to school, Wendylyn. Maswerte ka at hindi ka na-kick out. Singurado sakin ng Principal na hindi ka na makakahanap pa ng ibang school kung hindi ka na papasok sa Greyson.” Nanlaki ang mga mata ko.
“May pina-plano sila! Tama! May plano na naman yang Greyson na yan kaya ayaw niya akong paalisin sa school!” bulalas ko.
“That is why, stop making trouble. Lumayo ka na lang! For Godsake, Wendy! Tatlong buwan na lang ang titiisin mo!” Galit na si Mama.
Naaawa na din naman ako sa kaniya. Nakakailang school na ko. Pero hindi pa rin ako nakakatapos.
Pangarap ang naman niya na makaakyat ng stage kasama ang unica hija niya.
“Mama naman kasi!” pagmamaktol ko.
“My descision is Final! Papasok ka or wala kang car!” lalong nanlaki ang mga mata ko.
Ang kotse ko! Ang pinapangarap kong kotse. Alam ko first year pa lang ako pinag-iipunan na ni Mama yun.
May usapan kame. Kapag naka graduate ako with or withour honors bibigyan niya ako ng kotse.
“Sige na nga. Basta...”
“Blue,mazda 3.” putol niya sa sasabihin ko.
YOU ARE READING
Love Game
Teen FictionSimple lang naman ang gusto ni Wendy. A peaceful life. Pero bakit parang sinusundan siya ng problema? Naka-ilang school na ba siya dahil sa mga bullies na yan? tatlo? Apat? Hindi na niya maalala. Last year pa dapat siya naka graduate, pero dahil sa...