Lisa's P.O.V
Pinatay ko na ang cellphone ko at inayos ang damit ko.
Kanina ti-next ako ni Taehyung na wag daw akong pumunta kay Jungkook. Ang weird nga eh.
Habang papalapit ako parang may naramdaman akong kung ano, parang gusto kong bumalik..ah ewan!
~~~
Jungkook's P.O.V
"Matatapos na to maknae, ano ayos ba?" tanong ni Jin hyung sakin at nag-thumbs up ako
"Relax lang Kookie" sabi ni Jimin at tinapik ang balikat ko.
Kinakabahan talaga ako ngayon, di ko naman mapigilan dahil ngayon na ako aamin kay Lisa na gusto ko siya.
"Malapit na siya!" sigaw ni Jhope hyung at bigla namang tinakpan ni Suga ang bibig niya
"Tumahimik ka kabayo lung ayaw mong isaksak ko sayo yung kalat na hawak ko." sabi ni Jhope at tumigil naman siya.
Maya-maya ay bumukas na ang pinto, Hinanda na ang lahat ng gamit at nagtago na sila.
Good Luck Kookie.
~~~
Lisa's P.O.V
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang isang letter na nakaipit sa pinto.
"Punta ka sa kusina. -Kookie"
Pagkapunta ko sa kusina ay wala namang tao, ginagago ata ako ni Jungkook.
At doon ko naman napansin ang nakasabit na letter sa ref.
"Buksan mo yung TV. :) -Kookie"
Bumalik ulit ako sa sala at binuksan ang TV.
"Hello Hotdog! hehe~" panimula ni Jungkook dun sa Video.
"Ano kase hahaha, pano ko ba sasabihin to?" sabi niya at kinamot ang batok niya.
"Ang cute haha." sabi ko.
"Aish basta tumalikod ka." sabi sa TV at tumalikod naman ako.
"Ngayon, Pumikit ka..pagkabilang ko ng tatlo ibukas mo na yun mata mo." sabi niya.
One
Two
Three.
Nakita ko si Jungkook sa harap ko na may hawak na bulaklak.
"Jungkook? Ano to?" sabi ko.
"Bulaklak." sabi ni Jungkook.
"Abat--I mean yung kalokohan na to?" sabi ko at tinuro lahat ng gamit dito.
"Mukha bang kalokohan to?" biglang nagseryoso si Jungkook. Grabidad naman di ako prepared dito!
"Lisa Kim, pwede bang manligaw?"
~~~
Pabitin mo to HAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
hotdog ; j.jk
Short Story[ Jungkook messaged you. ] ¬ ''Hoy babae, ilang hotdog ba gusto mo?" - isa lang, yung sayo. hehe. Bangtano # 1 - Jeon Jungkook.