Chapter 1

31 2 0
                                    

"Ouch!"

Feeling ko hihimatayin ako sa pagkakatama ng bola sa ulo ko. Napaupo ako sa lakas. First day of school tataman ka ng bola ang galing diba!

"Sorry! bakit kasi andito ka?!" Aba?! Magsosorry nalang magtatanong pa kung bakit ako nandito na parang kasalanan ko pa! Eh part naman to ng Perpetual ha!

"Excuse me ha! Pero may PE ako ngayon! Hinahanap ko ung section ko tapos tatanungin mo ako kung bakit ako nandito?!"

Napatingin sya sakin tapos tinitigan lang ako. Gwapo sana kaya lang mayabang! Siguro Varsity sya naka maroon jersey uniform eh.

Biglang akong may nakitang kamay na nakalahad sakin. Hindi naman kamay to ni yabang kasi nakapamewang sya sakin eh. Nung tinignan ko kung kaninong kamay napatulala ako.

"Ako na magsosorry para sa kaibigan ko miss." Then he smile. I put my hand in his. Ang lambot ng kamay infairness.

"Thanks."

"I'm Caleb and this is Grayson. Anong pangalan mo? Freshmen ka ba?" Ang cute naman ng name nya kasing cute nya.

"I'm Oli. Freshmen palang ako and actually hinahanap ko ung mga classmates ko and kung saan ung section 8005. First class ko kasi yung PE."

"Talaga? Diba Gray yun din ung section mo? Atleast may kakilala ka na."

Whuuut! Classmate ko pa yang mayabang na yan! Kung minamalas ka nga naman oh.

"Tara na Caleb baka hinahanap na tayo ni coach!" Bigla naman sumingit tong isang to!
"Sige Oli. See you around for sure magkikita pa tayo. Nasa gym 2 ung section nyo parating na din yata si Sir Reyes sya yung prof nyo. Bye"

Naglakad na sila habang ako nakatingin pa sakanila ng biglang lumingon si Gray sakin tapos ngumisi. What was that for?! Nakakainis talaga sya!



Habang naglalakad ako papuntang gym 2 nakita ko na ang dalawa kong bestfriend na si Emma at Layla seating pretty sa bleachers. Di manlang ako tinext andito na pala sila!

"Hoy Olivia san ka nanaman naglululusot kanina ka pa namin inaantay!" Sabi ni Emma na pinaka close ko. Not that I'm not close to Lay pero si Emma kasi yung una kong nakilala nung grade school palang ako. Si Layla naging close na namin nung high school na kami. Naging magkaibigan kami ni Emma kasi pareho kaming sumali sa Miss United Nations nung grade school days. Matangkad, maganda, morena and medyo curvy tong si Emma kaya panlaban sa pageant.

"Sana tinext nyo ako na nasa gym 2 pala kayo. Nagpunta ako ng gym 1 natamaan pa tuloy ako ng bola ng mayabang na yun!"

"Oh my! So may nakilala ka na agad na guy? Is he gwapo?" With matching hawak pa sa dalawang kamay sa mukha to si Layla parang bata. Nagkakilala naman kami nung nag Varsity ako ng Volleyball, player din sya. Half japanese sya kaya singkit. Pareho kaming mejo chinita pero mas chinita sya ako parang mata ng koreana na mejo pasingkit na pabilog. So yun naging close kami then pinakilala ko din sya kay Emma.

"Gwapo sana mayabang naman! Sad to say classmate pa natin sya ngayon." Naalala ko nanaman pagmumuka nung Grayson na yun! Yung magsasalubong na yung kilay nya sa irita. "Pero may friend sya ang cute feeling ko Varsity player din un kasi naka Jersey sila pareho eh."

Biglang dumating yung prof namin. "Class! I'm Mr. Reyes and I hate late students so be on time okay?!" Nakakatakot naman ung facial expression ni sir. Kakadating palang galit na.

Kakasabi lang nya na hate nya ang late bigla naman dumating si Grayson. HAHAHA! Lagot ka ngayon!

"Sorry sir I'm late. Kakadismiss lang po samin ni coach." Sus ang sabihin mo papetics petics ka lang!

"It's okay Mr. Valdezancho. Ang bango mo naman kahit kakagaling lang sa practice." Whuuut? Akala ko masculado to si sir hindi pala.

So ayun nag explain na si sir ng rules and regulations nya. 2 ang PE namin, ngayong 1st semester social dances yung para sa next sem team sports naman. By the way, I'm taking up Business Administration major in Marketing Management. First choice ko talaga ang Tourism kaya lang gusto ni mommy about business. Si Layla accountancy and si Emma naman Tourism. Classmates kaming 3 sa mga minor subjects.

"Nasa list ko na equal ang girls ang boys and since this subject is social dances, I'll be the one to choose your partner till the end of the semester and the grouping is based according to your surnames." Sabi ni sir Reyes.

Valdez surname ko sino kaya makakapartner ko? Madalas akong huli pag alphabetical eh.

Shooooot! Sana mali ako ng naiisip. Sana hindi sya ung makapartner ko!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tired heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon