Fresh Start

47 0 0
                                    

First Day

Nagising ako. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 10:45 a.m na, tumayo ako at nag-unat unat ng katawan. Unang araw na ng pasukan, medyo kinakabahan ako na parang excited. Kinuha ko ang bago kong bag at inilagay sa loob

ang mga bagong bili na school supplies. Hinanda ko na rin uniform at sapatos ko. Naligo nako agad at nagsuklay ng buhok, pagkasuot ko ng uniform, binitbit ko na bag ko at humingi ng baon kay mama. Agad akong umalis ng bahay at sumakay

ng tricycle papuntang school. Pagkarating ko ng school, maraming estudyanteng nagsisiksikan, lahat sila busy sa paghahanap ng classroom. Tumingin ako sa may bulletin board ng school at hinanap pangalan at section ko. Sa tagal ng paghahanap 

ko, halos ako na lang naiwan sa harapan ng bulletin board. Sa wakas! nahanap ko rin, section Almeda ako. Pagkatapos mahanap section ko,  hinanap ko na room ko, habang naglalakad sa hallway, kinakabahan ako, ang tahimik at walang tao, 

parang nagstart na ang klase. Pagkahinto ko sa room ng Almeda, Napatingin lahat ng mga bagong classmate ko, binalewala ko na lang yun at naghanap ng blankong upuan. Sakto, may nag-iisang upuan na walang nakaupo. Pang apat na row ang

pwesto ko, mga katabi ko puro babae, ang awkward naming lahat, syempre hindi pa magkakakilala. Kinausap ko ang katabi kong babae, parang tahimik siya at mahiyain kaya ako na lang ang unang umapproach. "Hi, ano pangalan mo?" -"Rosemarie, ikaw?" 

-Samanta Mangabat". Biglang dumating na ang una naming teacher, mukha siyang masungit, nakasalamin at nakataas kilay, ang masaklap pa, Math ang ituturo niya. Ang bobo ko pa naman sa math. Hay! buhay nga naman oh. Nagstart na ang klase, syempre

pag first day, hindi mawawala ang 'Introduce Yourself'. Sunod sunod ang pagpapakilala. Medyo kabado ako, may pagka mahiyain kasi ako eh. "Ako pala si Samanta Mangabat, Nakatira sa...." blah blah blah. Pagkatapos nun, nagstart agad siya ng lesson.

"Anu bayan, first day na first day, lesson agad?" pabulong na pagsabi ko kay rosemarie. -"Okay lang yun, favorite subject ko naman ang math" sagot niya. -"Ahh, buti kapa, musta naman ako?."Pabulong na pagsagot ko. Nagbell na at natapos na rin ang math. Sa wakas!

nakalaya na sa 50 minutes na usapang math at paghahanap kay X at Y. Sumunod ang ibang subject at paulit-ulit na introduce yourself. Biglang umepal ang isang teacher sa room at chineck kung kumpleto na kami sa classroom at tinawag ang pangalan

ng isa't-isa. Nasabi na lahat ng pangalan ng boys at girls, nang biglang may nagtaas ng kamay. Lahat tumingin sa kanya, matangkad, medyo maputi at medyo masingkit na lalaki. "Ma'am, hindi po natawag pangalan ko." sabi niya sa teacher. "Ano ba pangalan mo?"

tanong ng guro. "Edison Dela Cruz po ma'am". "Sorry pero nakalista pangalan mo sa section De-guzman eh, baka namali ka ng pinuntahang classroom?." sabi ng teacher. "Cge po ma'am, lilipat na lang po ako." agad siyang lumabas at lumipat sa ibang section.

Pagka-alis niya, umalis na rin yung teacher. Sumunod ang third subject, umepal nanaman yung teacher, "Nasan na si Edison Dela Cruz?" pasigaw na tanong niya samin. "Wala po ma'am, lumipat po sa ibang section, di daw po siya dito" may sumagot na babae sa harapan na katabi kanina ni Edison.

"Naku! nagkamali ako ng sabi kanina, puno na ang section De-Guzman kaya na transfer siya sa section natin. Hay, hayaan niyo na nga." painis na sagot ng teacher at umalis na agad. Matapos ang tatlong subject, time na ng recess. Tuwang-tuwa ako dahil makakakain nako, 

gutom na gutom nako eh. Sabay kami ni Rosemarie mag-recess, habang kumakain ng clover at naglalakad sa koridor, nadaanan ko ang section De-Guzman at naabutang nakatambay si Edison sa may gate ng room. Lumapit ako sa kanya at ipinaalam sa kanya na sa section Almeda siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Memories I KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon