Part 2: Denial

19 0 0
                                    

Jongin's POV

Pag katapos kong mag bihis at Uminom ng kaunting Beer. Lumabas na ko ng kwarto at kinatok ang pintuan ni Kyungshit. Tsk. Nakakairita ang pag mumukha nya. Sabihin na nating Maganda nga sya pero hindi sya saking ganda ni mo--. Aisssh.

"Bilisan mo may pupuntahan tayo" sumandal ako sa hagdan at sumandal sa Railings nito. Nakita ko syang lumabas ng pinto at napatingin sakin. Ha. Gwapo ko talaga. Ngumisi ako at bumaba na ng hagdan.

"Jongin saan ba tayo pupunta? Diba sabi ni Mr.Kim dito ka na lang daw sa bahay? Ako malalagot nyan eh." Tsk. Ingay.

"Kung ayaw mong sumama pwes maiwan ka dito, At wag mong tang kaing mag sumbong ikaw malalagot sakin" narinig ko syang huminga ng malalim.

"Hindi pwede yang mga gusto mo Kim Jongin pwede ba sundin mo nalang ang utos ng Lolo mo." Lumingon ako sa kanya kaya napatigil sya sa pag lalakad.

"P.A ka lang hindi kita nanay kaya wag mo kong utusan. Dapat nga ako ang nag uutos sayo. Kaya wag mo kong pigilan." Nag lakad na ko papuntang garahe kaya narinig ko ang sigaw nya mula sa loob ng bahay.

"T-Teka sasama a-ako, Ayoko namang may masabi ang lolo mo sakin."

"Sasama din pala dami pang satsat tsk" sumakay na ko ng kotse at sya nasa labas padin. Binuksan ko ang bintana at sinigawan sya.

"Akala ko ba sasama? Sakay" napabalikwas sya at sumakay na. Pinaharurot ko ang kotse ko. Tahimik lang ang byahe at walang nag sasalita samin. Sabagay bagay sa kanya ang suot nya. Kahit magulo ang buhok nya lalo syang pumuti sa suot nyang dress na black. Naka flat shoes sya. May babagay din pala dito.

"Saan ba tay-- Saan ka ba pupunta? Mag Aalas Nueve na o? Baka magalit Lolo mo nyan" pag babasag nya ng katahimikan.

"Sa special na lugar na alam ko." Di na sya umimik at tumingin na labas ng bintana. Ilang minuto pa at nakarating na kami sa lugar na ispesyal para sakin.

"S-Sementeryo?" Gulat na tanong nya ng pag kababa sa kotse ko.

"Halata naman kasi. Tsk" pabulong na sabi ko.

Kaisoo: Taming The Playboy [ON-GOING]Where stories live. Discover now