A/N: This is a 7K word-one shot story at kung tamad kang magbasa ay wag nang simulan pa.Charot! Hahaha siguro kasi feeling ko talaga pag pinaghiwa-hiwalay ko to by-chapters e tatamadin ako kahit na yung mismong ideya ay nasa utak ko na.So,mas mabuting isang sulatan nalang.(Ginawa ko to ng isang buong araw, syempre naligo ako no!) Nobela na this.Mapagtyagaan sana!Hope you like it!Lablab.
~☆~Nigel
" I want you to come here."
"What the!? Ako? Why me? Why don't you ask your beloved children na pumunta dyan!" I raised my voice as I heard his irritating voice.
" Are you still jealous? Still feel envious? Bakit mo kailangang maging ganyan ka cold hearted? Hindi kita pinalaki--"" ..because you never raised me as your own child.Si mama ang nagpalaki sakin kaya wag mong isumbat yan."
" She raised you when your real mom isn't here. "
"..because you blocked all of the connections we had, Dad.Pinilit mong isiksik sakin yang asawa mo na kahit kailan ay di ko matatanggap!"
" Hey. " I heard someone's familiar voice over the phone.Para bang kinuha na ito mula sa pagkakahawak ng ama ko at seryoso pa ang kanyang pagkakatono.
" I've never expected that you will allow yourself to visit here once.We are doing all of these for my mother's sake.She wants to see you and that's it.Your credit card's on hold so you have no choice.Bye.See you."
*Toooot tooot*
~☆~
Serenity"Ms.Gonzales!" Tawag ng nurse para sa susunod na pasyente matapos kong lumabas sa kwarto kung nasaan ang doktor ko.
Ramdam ko na ang panghihina pero hindi ko 'to iniinda ng sobra.Tama, iisipin ko nalang na pag-uwi ko ng bahay ay uuwi na sila mommy mula sa Amerika at maabutan ko silang sama-samang naghahain sa kusina.
Napangiti ako sa munting imahinasyon na yun.Sapat na para mapataas muli at mabawi ang enerhiya ko sa mga narinig ko mula sa doktor ko.
Naisipan kong hindi na muna umuwi dahil nakakalungkot lang ring nasa loob lang ng kwarto at mag-isa.Alam ko na agad kung saan ako makakapunta sa mga panahong ito..
"Haaaaay! Ang sariwa talaga ng hangin ditooooo!" Malakas na sabi ko na tila ba sa akin ang buong lugar.
Nasa rooftop ako ng ospital, hindi naman gaano ka sibilisado ng Maynila ang lugar namin kaya naman abot-tanaw sa kabilang parte ng ospital ang malawak na palayan.Sariwang hangin at masayang huni ng mga ibon na nagpapakalma sa sistema ng buong katawan ko.Siyang nagbibigay ng katahimikan sa akin.
Limot ang pakiramdam ng unti-unting pagpatay ng sakit ko sa akin.
"Paggaling ko, ako na mismo ang dadalaw kila mommy.. para hindi na nila kailangan pang mag-aksaya ng oras at pagod sa pagdalaw sakin dito." Nakangiti at nakapikit kong sabi habang dinadama ang paghampas ng hangin sa aking mukha.
"What the!?-- Wala bang ka-signal signal man lang dito? Shit! How can I even call Jave to say na wala na ko sa Manila?!" Iritableng sigaw ng isang lalaki na malapit lang pala sa kinaroroonan ko.Kakarating lang niya at mukhang hindi niya ko napansin dahil sa pagkainis niya sa kung anuman.