Obsession 1: The Beginning

103 5 1
                                    

Maria Rain Clemente
Jack Roberts
~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Baby eto na yung foods mo oh? Kain ka na po. I know you're already so hungry" natatawang bulong nya sa akin atsaka inabot ang tray na punong-puno ng pagkain

Pabiro ko naman sya inirapan. Loko itong lalaki na ito ah? Ipagdiinan pa yung paghihirap na dinanas ng aking mga alaga.

"Che manahimik ka dyan!"

"Baby naman, binibiro lang kita eh. Wag ka na magtampo." Malambing nyang wika

"Hmpp wag mo nga akong kausapin! Hindi tayo bati!"

"Baby naman. Sorry na po. I love you" at kiniss nya ako sa tungki ng ilong ko

"Oo na! Naku ikaw talaga eh! Alam na alam mo ang kahinaan ko! Mapang-abuso na lalaki!" Natatawa kong tugon at kinurot ang pisngi nya

"Ouch naman baby shakittt naman poo"

"Masakit? Gusto mo pantayin natin? Sa kabila naman hahahaha" hindi pa sya nakakasagot ay kinurot ko naman ang kabila nyang pisngi

"Baby mashakit kasii--tama na po"

Kita ko naman ang pamumula ng pisngi nya at mangiyak ngiyak na rin sya kaya bumitaw na ako.

"Oopss napasobra ata ako. Sorry baby ko" kiniss ko yung magkabilang pisngi nya

"Isa pa--" hindi nya na natuloy ang kanyang sasabihin ng may biglang tumawag sa amin

"Rain! Jack! Mamaya na kayo magharutan dyan jusko! Sumama kayo dali! Dapat niyo itong makita!"

Agad naman akong tumayo sa pagkakaupo ko. Pero pinigilan ako ng mga brasong nakayakap sa waist ko.

"Dito na lang tayo baby. Please..." nakanguso pa sya habang pinipigilan ako

"Naku po Jack! Mamaya na yan! Naturingan na vice president ng school oh! Kailangan ka doon!" Dagdag pa ni Lisa

Mukhang mahalaga talaga itong gustong ipakita sa amin ni Lisa. She's so eager na mapasama kami lalo na si Jake. After all, Jake is the vice president so he is obliged to go and see whatever it is.

"Jake baby halika na. Umuusok na yung ilong ni Lisa oh! Lumalabas na din yung sungay nya. Sige ka, bubugahan ka na nya ng apoy" nagbibiro kong bulong kay Jake

"I dont care about her! Im not scared of her! Dito na lang kasi tayo baby, wag mo na sya pansinin" he said

Oh I think the big baby is about to throw a tantrum! Hinatak ko sya patayo and I kissed him lightly sa lips. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon nya. Pansin ko din ang pamumula ng pisngi nya. Aww so cute!

Hinila ko na sya ng tuluyan at sumunod kay Lisa. Nagpatianod naman sya sa akin at hindi na umangal.

Dinala kami ni Lisa sa Science Building specifically sa third floor nito. Sumalubong sa amin ang nagkakaguluhang estudyante. Ang ingay at panay bulungan ang maririnig. Nang makita nila kami ay agad silang nagsitabihan. Perks of being the girlfriend of the vice president!

"Stella, wake up! Hey bitch wake up! Hindi ka na nakakatuwa! Wake up! Please, Im begging you...wake up! Open your eyes please. Please Stella..."

Nanlambot ang tuhod ko sa nakikita ko. Muntikan na ako mapaluhod, mabuti na lang at nasalo ako ni Jake.

"I told you, wag na tayo sumama. We should've stay doon sa cafeteria." Bulong pa sa akin ni Jake pero hindi magawang pumasok sa isipan ko ang binulong nya

Natulala ako. Nakakapanghina yung senaryo. Si Stella...nakahandusay sa sahig ng lab room. Pinaliliguan sya ng sarili nyang dugo. Nakalabas ang utak nya at durog durog ito. Wala rin ang mata nya. Ang kanyang eyeball ay nakasubo sa bibig nya. This is so ridiculous! Sino ang may kayang gawin ito? Whoever he/she is, Im very sure that he/she is a heartless person! Walang tao na may puso ang kayang gawin ito.

"I feel pity for her. Kahit hindi kami nagkakasundo nyan ni Stella. I know deep inside of her, may kabutihan din syang tinataglay. She doesn't deserve this"

"Come on baby, wag mo syang kawaan. She deserve this. She is so bitchy. Tama lang sa kanya iyan"

"Stop it Jake. Hindi mo dapat sinasabi iyan. Patay na nga yung tao eh"

"Vice?" Napalingon naman kami pareho ni Jake sa tumawag sa kanya

Here comes Mr. President! The great Henz Martin! I smile sarcastically at him. Tila nababasa naman nya yung iniisip ko.

"I will deal with you later, brat! You should be grateful at busy ko" nagbibirong wika nya sa akin

"Hey! Stop calling her like that!" Angal naman ni Jake

"Fine! Sabi ko nga hindi ko na sya tatawagin ng ganun! Chill dude!" Natatawang tugon ni Henz

"Guys in case you forgot, ipapaalala ko lang sa inyo yung sitwasyon dito ah? May patay po. Kaya Mr. President and Mr. Vice President kumilos na kayo bago maabutan kayo ng Head na walang ginagawa dyan" pagpapaalala ni Lisa, ngumisi lang naman ang dalawa

I dont know why but their smirk gives me chills. Nakakangilabot yung mga ngisi nila. Nagpaalam naman na sa akin si Jake.

"Baby sumama ka muna kay Lisa. Doon kayo mag-stay sa secret room. Kami na bahala dito." Bulong sa akin ni Jake and then he kiss me in my forehead

Tumango na lang ako. Napatingin ako kay Henz. Tinaasan nya lang ako ng kilay kaya umiwas ako ng tingin.

"Go now baby, susunod kami sa inyo. I love you. Take care"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

OBSESSIONWhere stories live. Discover now