I like her. I really do.
The way she smiles, the way she flips her hair, the way she talks, the way she moves, the way she frowns, even the way she makes mistakes. I like her.
No, scratch that.
I love her.
And that just explains almost everything.
My friends say I was just naive back then. Sabi nila, di daw yun pag-ibig. Dahil kahit daw baliwalain yung katotohanang first year high school palang kami, malabo daw na ma-inlove ako kasi di naman kami close.
New student ako sa klase naming iyon. Di ako sanay na makipag-usap kasi bukod sa nahihiya ako, di ako magaling sa pakikipagkaibigan.
Pumasok ako noon sa classroom at agad na hinanap ang upuan ko. Nakayuko ako at tinitingnan ang mga kaklase ko.
Noong mga panahong iyon, naiintimidate ako sa mga kaklase ko. Kasi naman, bukod sa maiingay at makukulit, manyak ang mga boys at palamura ang mga girls.
Naaasiwa ako sa kanila.
Tuwing recess, nauuna akong lumabas dahil wala akong kaibigan at wala namang nakikipag-usap sakin. Ayaw ko rin naman kasi kausapin sila kasi nga, di ako sanay sa pag-uugali nila. Lumaki kasi ako na hindi nakakarinig ng mura mula sa ibang tao.
Lumipas ang ilang araw ay may kumakausap sakin, kaso di ko naman naging kaibigan. Likas kasi sakin ang pagiging suplado, at isama mo pa ang pagka-ayaw ko sa ugali nila.
Isang araw, narinig kong pupunta ang mga kaklase ko sa SM. Noong araw ding yun, tinawagan ako ni mama na pumunta nalang daw ako sa SM kasi matatagalan siya sa pagsundo sakin.
Kinapalan ko ang mukha ko at tinanong ang lima kong kaklase kung pwede bang sumabay ako sa kanila. Um-oo sila. Naisip ko noon na mababait naman sila. Why not give them a chance?
Nang sumunod na linggo, sinubukan kong bawasan ang pagiging suplado at naging open ng konti sa mga classmates ko.
Nilapitan ko yung mga nakasabay ko sa SM at nakipag-usap sa kanila. Kaso yung iba kong kaklase eh di ako maintindihan. Iba kasi ang dialect sa siyudad, at iba rin yung doon sa amin.
Buti nalang at may tumulong saking itranslate yun.
Lumingon ako noon.
And that's when it all began.
Nakaupo lang siya sa silya niya at di ko alam kung nagsusulat ba siya o ano. Parang may kung ano sa akin na nagpasakit ng tiyan ko.
Umupo nalang ako at mabuting nasa likod ang upuan ko kaya naoobserbahan ko siyang mabuti.
Simple lang siya pero halatang matalino. Maganda at magsastand-out talaga sa klase. Naisip ko noon kung bakit di ko siya kaagad na napansin.
I became very curious.
Simula noong araw na yun, nagka-interes ako sa kanya. Sa loob ko, gusto ko siyang maging seatmate. Gusto ko siyang maging kaibigan. Gusto ko siyang kausapin kaso puno pa ko ng hiya noon. Kaya di ko siya nakakausap.
Pero nagpapasalamat talaga ako sa isang candy.
Yung Orange na Maxx.
Di ko alam kung kailan at paano pero pag bumabalik ako galing canteen, kasama niya yung bestfriend niya at tinatanong nila ako kung may Maxx daw ako. Ipinakita ko na Red na Maxx lang ang mayroon ako. Kumuha naman sila.
Di ko alam kung paano ko nalaman na gusto niya yung Orange Maxx candy. Basta nalaman ko lang. Kaya tuwing recess o lunch, nakagawian kong bumili ng Orange na Maxx at ibigay iyon sa kanila.