SABRINA
Napakagandang lugar naman nito grabeeeee *o*. Flower field, perfect sunset , spring trees wooooow. Supercalifragilisticexpialidocious! Teka nasan na nga ba ko? Anong lugar ba to?
Parang may sariling buhay ang mga paa ko at kusang naglakad ito, napaka perfect talaga ng lugar na ito, all i can say to this world is woooooow with twinkling amaze eyes.
Sa pagliliwaliw ko, may kung sinong bigla nalang nangyakap mula sa likod ko. Sa loob-loob ko gusto ko na talaga bigwasan itong lalaking to pero parang hinihypnotize nya ko't kusang gumalaw ang mga braso ko't bumawi sa napakasarap niyang yakap.
"Sabrina..."
Nagulat ako sa boses niya. Napakaganda... Napakalamig sa tainga.
Niluwagan niya ang pagkakayakap sakin at hinarap ako sa kanya.
Teka... Bakit ganun? Bakit wala siyang mukha?!
Gusto ko sumigaw pero di ko magawa di ko alam kong minamaligno ba ko, pero imbis na matakot unti-unting lumapad ang labi ko't ngiti ang iniabot ko. Di ko alam kung bakit!
"Hanggang sa muli Sabrina."
Tumalikod na siya, nakakatatlong hakbang pa lamang nang biglang may mga salitang di ko inaasahan na aking sasabihin."Teka! Anong pangalan mo?"
Shet! Ang daldal ko! Bat ko naman itatanong yun noh? Shocks ang hokage ko naman. Never! As in never in my life na ako ang unang nagtanong ng kung anek anek tsaka isa pa. Pake ko sa buhay nya diba?
Huminto sya...
"Haha kailangan pa ba nun?"
At sa unang pagkakataon, humarap siya at nakita ang ngiti niya pero di ang wangis ng mukha niya.
"Malalaman mo din naman yun eh... Sa tamang panahon"
Napakagandang ngiti. Parang minarka sa utak ko ang mga ngiting yun at mga salitang binitawan niya, di ko inaasahang mahuhumaling ako sa isang tao kahit matamis na ngiti at kumpletong ngipin nya lang ang aking nakita dagdag pa ang dimple nya sa gilid ng labi niya.
Parang huminto ang oras ng pagkakataong iyon, hanggang sa unti-unti siyang naglaho.
"SABRINAAAAAA!"
Aray! Ang sakit sa tainga.
"SABRINA! PURO KA TALAGA KALOKOHAN KANG BATA KA! anong oras na't malelate ka na!"
Nagising ako sa realidad, panaginip lang pala yun, kala ko totoo na haysss.
"Anong oras na ba ate?"
Napatingin ako sa study table ko kung saan nakapatong ang alarm clock ko.
6:30
Fvck! Siryusli?! 7 ang pasok ko malelate ako!
"Bat di mo naman ako ginising ate, alam mo namang malelate ako eh."
"Hoy Sabrina! Ako'y tigil tigilan mo ha! Ikaw tong basa ng basa dyan ey! Kala mo ba di ko alam kung anong oras ka natulog ha! Kung sana ba tungkol sa pag aaral yang binabasa mo eh svysshbxhdksgsjdn--"
blah blah haaaays parang sirang plaka tong si ate paulit ulit ng sermon. Ay oo nga pala late nako!