The first sparks

8 0 0
                                    

"Somewhere over the rainbow. Way up high and the dreams that you dare to dream really do come true."

Iyan ang kantang bigla na lang pumasok sa isip ko habang naa sa classroom ako. Second week na ng skwela pero hindi ko pa rin feel ang kurso na kinuha ko. Kasi nga walang plano sa buhay. Ang mama ko nag decide na yan ang kunin ko kasi nga malaki daw ang kita kapag naging dentista ako. Kaya ayun, kinuha ko yang kurso na yan. Akala ko nga madali, hindi pala. Kung sa bagay, wala naman ding madali. Lahat pinaghihirapan.

Nasa second floor kami ng building at nasa may bintana ako naka upo na may view ng mga puno at labas pasok pa ang hangin sa bintana. Mga bandang alas 2 na ata yun kaya nakakaantok. Buti na lang strikta teacher namin kaya nagigising din ako sa mga day dreaming ko. Laboratory namin yung time na yun. Busy yung mga groupmates ko habang ako nasa may bintana, naghihintay na matapos sila para ako naman ang gumamit ng mga apparatus. Habang nakaupo lang ako dun, may napansin akong babae. Classmate ko na late enrollee. Second week na ng klase siya nakapag enroll. Naalala ko yung first day niya sa classroom. Hindi man lang ako sinagot nang nagtanong ako kung ano pangalan niya. Snob or bingi lang talaga? Kung tingnan mo sya nung first day niya para siyang pusa na nawawala at confused sa mga nangyayari. Ewan ko sa kanya basta nakakainis siya minsan.
Habang tinitingnan ko siya napansin ko ang itsura niya. Mahaba ang buhok niya at straight. Walang kulay ang buhok. Unlike sa mga kaklase ko na blond na. Pero siya? Huli ata sa uso o wala lang talagang paki. Yung buhok niya parang galing pa ata sya natulog. Walang kasuklay-suklay. Ang sapatos niya parang barko sa laki. Maliit ang paa niya pero yung sapatos niya ang kapal ng sole. Para siguro pandagdag ng height niya kasi ang liit din niya eh. Ang taba din niya at medyo maitim balat niya. Ang nakakatawa pa, walang kafashion-fashion itong babaeng to. Hindi sya marunong manamit. Nakajeans siya ng itim pero kupas na ang kulay. Nakapolo siya ng panlalaki at nakakadagdag pa ng pagkataba niya. Basta hindi ko maintindihan itsura niya. But one thing na kinaiinisan ko talaga sa kanya ay sa tuwing mag-didiscuss na si Doc about sa activity namin. Sinisingitan niya ako. Pumupunta talaga siya sa pinakafront. Nakakainis. Pero matalino siya, pumupunta ako sa group niya pag hindi ko alam ang answers sa ibang activity. Nagbibigay din siya. Buti na lang mabait din siya kung hindi. Ewan ko na lang. Siya nga pala. Naging part siya ng buhay ko. As in half siguro ng life ko?

Lyn: Hoy Nick! Tapos na kami! Ikaw na! Dali-an mo. Mahuhuli na naman tayo. Baka hindi na naman tanggapin ni Doc yung results natin. Dalian mo diyan.

Ako nga pala si Nick. Nakalimotan ko palang magpakilala sa inyo. And this is our story.

Nick: Oo na. Kayo nga diyan ang tagal natapos eh.

Hindi ako kinakabahan na walang maipasa na results. You know why? I have neighbors na nagpapahiram ng results LoL. Oo na, isa akong genius na estudyante pero huwag niyo gayahin ha? Gawin niyo activities niyo. Huwag niyo ako tularan na nanghihiram lang ng results. Tuwing may activities kami, pumupunta lang ako sa group ni Mae. Yung babae na pinag usapan natin kanina. Naalala mo na? Yung may sapatos na parang barko? Oo siya yan. Si Mae.

Nick: Mae! Anong activity ginawa mo? Pareho ba tayo?
Mae: Letter D yung ginawa ko.
Nick: Pareho tayo! Patingin nga sa results. Tapos ka na ba?
Mae: Oo
Nick: Naipasa mo na kay Doc?
Mae: Oo
Nick: Pwedi manghiram sa results mo?
Mae: Oo

Pambihira talaga tong babaeng to. Wala atang alam na ibang words eh. Oo lang ata. Ganyan siya. Kapag nagsasalita. Oo lang sinasabi. Kaya nga ang hiram mag-maintain ng conversation with her eh.

Nick: Salamat Mae!!
Mae: Oo

Pambihira talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon