Wala pa rin akong love life hanggang ngayon, hindi dahil man hater, tibo, nerd etc.. ako.. takot lang ako, ayoko ng commitment.. hindi ako naniniwala sa salitang "FOREVER".nandidiri ako pag may nakikita akong ng pi-PDA .. in short "BITTER" ako.. Ako nga pala si Chloe Elizabeth Leprozo pinsan ako ng kilalang Fashion Model na si Nicole Lopez.. isa akong Fashion Designer.. kilala ako sa buong bansa dahil sa unique and pretty designs na gawa ko.. halos lahat ng artista ay nakakandarapang makuha ako bilang designer.. Marami rin ang nga nanliligaw at nagpapalipad hangin sa akin.. Sino ba naman ang hindi maghuhumaling taglay ko ba naman ang inaasam ng halos lahat ng kababainhan na 3B's BEAUTY, BRAIN & BODY.. at oo, mayabang ako sa kadahilanang may ipagmamayabang ako.. pero gaano man ako katanyag ngayon may parte ng nakaraan ko na di ko malilimutan..
Third person's POV:
(8 years ago)
"oh my gosh bestfriend anjan na ang THE ROCKERS" tili ng bestfriend niyang si Fatima. ang tinutukoy nitong "the rockers" ay ang sikat na banda sa unibersidad nila kung saan crush niya ang lead singer na si Xiany Lee.
"asan? pasilip ako ! oh my gosh ang gwapo talaga ng Xiany baby ko... I Love you Xiany !!" sigaw ni Chloe.
matagal na niyang pinapangarap si Xiany mula kasi highschool hanggang ngayong 1st year college sila ay seatmate niya ito... katunayan kumuha siya ng kursong Chemical Engineering kahit boba siya sa mathematical computations at nakuha pa niyang suhulan ang mga teachers para makuha niya lang ang mga subjects nito para iyon din ang i-eenroll niya, katakot takot na sermon ang inabot niya sa kanyang mga magulang,.
"siya na ang mayaman, siya na ang may auto, siya na.. siya na ang meron ng lahat ng bagay na wala ako.." panimula ng kanta ni Xiany..
"I love you Xiany ! I can do what you want!" sigaw ni Chloe
"ambisyosa! bakit di mo muna subukang humarap sa salamin bago mo sabihin yan? mag diet at magpaputi ka muna bago ka mangarap!" singit ng katabi niyang hipon .. ay este babae pala.
"che! tumigil ka ! sexy ako !" sagot ni Chloe
"whatever loser" sagot ng babae, Nikka Rocco ang pangalan nito.. ito ang napapabalitang girlfriend umano ni Xiany
hindi niya napansin na tapos na pala ang kanta ng banda hudyat na tapos na din ang programa.. nagsibalikan na sila sa klase ..nagpaalam na siya sa kanyang bestfriend dahil iba ang building nito.
"Uiyy bestfriend bye, ingat ka !" sabi niya kay Fatima.
"oo ikaw din... makakaupo mo na si mister rocker ... rock 'n roll nanaman ang drama ng puso mo mamaya!" sagot ni Fatima
Nginitian niya lang ito at tumakbo na siya sa building nila,.. pagdating niya sa room nakita agad niya ang man of her dreams.. tumabi siya dito at nag puppy eyes, nginitian din niya ito ng ubod ng tamis ngunit walang epekto ito kay Xiany. Nagulat siya ng bigla itong yumuko nakatulog pala ito hindi niya agad napansin dahil naka shades ito. Napaupo ng tuwid si Chloe ng mapansin niya pumasok na ang kanilang professor , magsisimula na ang kanilang quiz. Naglabas siya ng papel.
"Chloe pahati ako sa paper mo" sabi ni Rowel na nakaupo sa harap niya.
"Sorry pare kami na eh!" sagot ni Xiany
Kinikilig si Chloe na tinignan si Xiany.. na pangiti siya ng malapad.
"hoy! ung papel! hatiin mo na para nakapag quiz na tayo .. dating gawi lakihan mo ang sulat mo ng mabasa ko mabuti"
Bagsak ang balikat ni Chloe habang hinahati niya ang papel akala pa naman niya 'SILA' na talaga ng Prince Charming niya.
BINABASA MO ANG
Ms. Ugly duckling Meets her Prince Charming (destiny)
Teen FictionLaging nasa huli ang pagsisisi ... pano kung isang araw ... yung dating hindi kagandahang babae na patay na patay sayo eh dadaan nalang sa harapan mo? at mapapanganga ka nalang dahil kilala na siya ng buong mundo?? hindi na siya yung humahabol... da...