Mahal, Ayoko na! Hindi ko na kaya!Mahal, Ayoko nang masaktan, hindi ko na kayang masaktan!
Masakit na ang dating matatamis na ngiti ay napalitan na ng pait at pighati
Masakit na ang dating pangalan kong sinasambit ng iyong mga labi ay iba na ang sinasabi
Oo, masakit para sakin na makita kayong halos magyakapan na sa aking harapan
Pero mas masakit pa rin na sa ilang taon nating magkasama, sa aki'y hindi ka naging ganyan
Mahal, kapalit ba ng sayang nakikita ko sa iyong mukha
Ay ang luhang puno ng sakit sa aking mga mata?
Mahal, kapalit ba ng pagkabuo ng KAYO
Ay ang tuluyan ng pagkawasak ng TAYO?
Oo nga pala! Unang una
pa lang wala na talagang TAYOKaya nabuo ang KAYO hindi ba?
Pero mahal, bakit mo pinaramdam sa akin na mahalaga ako?
Kung hindi naman pala talaga ako
Bakit hinayaan mong umabot ako sa puntong halos sambahin na kita
Bago mo pinaramdam sakin na may mahal ka na palang iba
Iba ka rin eh nuh? Nagawa mong saktan ang isang tulad kong walang ginawa kundi mahalin ka
Nagawa mong paiyakin ang isang tulad kong walang ginawa kundi pasayahin ka
Pero tandaan mo, simula sa araw na ito! Simula sa mga oras na ito!
Kakalimutan na kita
Kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sayo!Tuluyan ko nang aalisin sa isipan ko na minsa'y nakilala kita!
Tuluyan ko nang papawiin sa aking puso na minsa'y minahal kita!
Hihintayin ko ang araw na masabi ko ng harap-harapan sayo na minahal lang kita!
Dahil ayoko na! Hindi ko na kaya!
Dahil ayoko nang masaktan, hindi ko na kayang masaktan!
Paalam na!
---
- Noha 😘
