Malalim na ang gabi
Ngunit gising na gising pa rin
Wala akong masabi
Paano ko ba to sisimulan?
Sa anong paraan ba ako magsisimula?
Sa paraang masaya ba?
O sa paraang malungkot?
Hindi ko talaga alam.Nalilito ako
Sobrang nalilito ako
Masaya ako na may nagpapangiti sayo
Pero malungkot ako dahil hindi ako yun
Masaya ako na nakikita kong mahal na mahal niyo ang isa't isa
Pero nalulungkot ako dahil hindi magiging ako ang isaHanggang kailan ko mararamdaman ang ganitong sakit?
Hanggang kailan ko titiisin ang pamimilipit?Nagsimula tayo ng masaya
Pero nagtapos ang lahat na ikaw na lang ang masaya at ako ay umiiyakMag-uumaga na
Hanggang ngayon ba naman?
Dilat na dilat pa rin ang aking mga mata
Hirap na hirap na rin ako sa paghinga
Sipon ay tumutulo kasabay ng mga luhang umaagos
Sumasakit na rin ang ulo at sumisikip ang dibdibHanggang kailan ba ito?
Hanggang kailan ba ako masasaktan?
Hanggang kailan ba ako iiyak?Hindi ko mabaling ang atensyon sa iba
Sinusubukan ko pero hindi ko pa rin talaga kaya
Ayokong maranasan ko ulit
Ang nararanasan ko ngayong sakit
Hindi pa naghihilom ang sugat
Kaya't hindi ko na dadagdagan pa ang sakitUmaga na
Maghihilamos na ako para maalis ang mga natuyong luha at sipon
Ngingiti para hindi mahalatang galing sa iyak at walang tulog ang mga mata
Magpapanggap na maayos ang lahat kahit na hindi namanIsang taon na
Isang taon na mahal
Pero ikaw pa rin
Ikaw pa rin mahal kahit hindi naging tayo.- Noha
