•••••••••••••••••••
Gio's POV
Ano kayang nangyari dun? Ang tagal tagal nang hindi lumalabas ng bahay nila.Wala man lang imik simula nung Tuesday. Friday na ngayon, tapos hindi ko pa rin siya nakikita?
Umapak ako sa stool at sumilip sa yard nila pero ang tahimik. It's obvious na walang tao sa loob.
"Nasaan kaya sila?" Lumabas ako sa gate namin at umupo sa may kubo malapit dito.
Ang boring boring. 🙁
"Ang tagal tagal mooo." Pabulong kong sabi.
Maya maya may naramdaman akong tumitikwil sa likod ko. Baka siya 'to. Act normal, act normal.
"Why are--" Nadisappoint ako, aaminin ko nung hindi siya yung inakala kong tumikwil sa akin.
"May hinihintay ka?" Tumango lang ako.
"Patabi ha. Ikaw ba yung bago dito sa subdivision? Infairness, may itsura ka." Tumingin ako sa ibang direksyon at nagpanggap na hindi siya naririnig.
"Ano ba 'yan! Pipi ka ba?" Sabi niya sabay tayo at pinaikot ang sumbrero niya sa ulo.
"No. I just don't talk to strangers." Nabigla naman siya sa pagsalita ko.
"Wow! Englishman in New York! Strainers strainers ka pa siyang nalalaman!"
Ano bang gusto ng babaeng 'to? Bakit ayaw akong lubayan?
Teka, is this a girl or a tomboy?
"And I don't talk to people who doesn't know how to properly pronounce a word. Strangers, not strainers."
"Aba! Aba! You don't say to me like that, ha! You, ano. You are very very very masungit! One thousand percent!"
Nagpangalumbaba na lang ako. Siguro binigay siya ni God sa akin para hindi ako mainip sa paghihintay kay Jeyi.
"Alam kong naiintindihan mo ang Tagalog kaya sagutin mo mga itatanong ko sayo."
Blah, blah, blah.
"Sinong hinihintay mo dito?" Natutok naman yung mata ko sa euphorbia na nasa gilid ko lang. Mas maganda kasing tingnan kesa sa babaeng ito.
"Playmate."
"Tingnan mo 'yan! Paano kayo magiging magkalaro kung hindi kayo nagsimula sa paguusap kahit hindi kayo magkakilala? Nako, tanga, tanga mo naman! Tapos, may pa ISTRANGERS, ISTRANGERS ka pa!" Sabi niya na parang naka-mega phone dahil sa sobrang lakas ng boses niyang bilog.
Lalaki ba 'to?
Pero, sabagay, may punto siya sa sinabi niya.
"Sino ba ang playmate mo, ha?"
"Do you have to know?"
"ABA! OO NAMAN NOH! BAKA NAGHIHINTAY KA NG BONGGA EH HINDI NAMAN PALA DITO NAKATIRA."
Hindi nakatira? Imposible naman, halos palagi ko siyang nakikita dito eh.
BINABASA MO ANG
NBSAS Summer Boy
Teen FictionKahit ba minsan lang kayo nagkikita, maghihintay ka pa rin? Kahit every summer lang? Kahit hindi madaling matukoy kung gaano kadalas ang minsan na iyon? Eh paano kung hindi na kayo magkita ulit? Paano kung wala nang summer na nagkikita kayo? Maghih...