Prologue

28 0 0
                                    


Mapapansin mo, sa ating everyday lives ay may mga something that we want to know. Halimbawa, bakit ang bagal-bagal nating kumilos during rush hour? Bakit unti-unting dumadami ang mga tao? Bakit ginagawa pa natin ang lahat ng bawal kahit ito'y ipinagbabawal? Sa France ba nagmula ang pamosong French Fries? Sino ba ang dapat sisihin o managot sa pagkamkam ng pera sa kaban ng bayan.

Ayan ang madalas na naitatanong ng about 94 million people in this country. Kumbaga, parang nag-iimbestiga tayo ng isang crime scene, or parang isang mahabang exams na kailangan pang sagutin. Hmmm... 'yung pag-ibig kaya?

Hainaku! Ambilis talaga ng takbo ng oras 'no. In every minute, every hour of the day, sariling oras kahit madaling araw, ginugugol natin. Now I'm thinking, sino kaya'ng nag-imbento ng orasan anyway?

Unfortunately, sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla na lang bumagal ang takbo ng oras, paunti-unti'y bumabagal tayo sa paglalakad, ang mga sasakyan ay pabagal ng pabagal kung umusad... kasi nga trapik. Hanggang sa biglang titigil ang mundo, as in biglang tumigil ang mundo ng 360 degrees. Hindi gumagalaw ang mga kamay ng orasan, mga sasakya'y napahinto na lamang kahit nagkulay green na ang ilaw ng traffic lights, at ang mga tao'y parang batong nakatayo lamang sa kanilang kinatatayuan at hindi makagalaw kahit ni isang patak man lang ng kanilang pawis ay hindi tumutulo, lalo na'ng hindi ito isang part ng mannequin challenge. There is something.

Until, may isang 'unknown' thing ang unti-unting tatama at babagsak sa ating atmosphere. Bomba ba ito o isang bulalakaw? Nobody knew what to make it, it is kinda like a scene from the Japanese animated movie, "your name" thingy going on. Hanggang sa bumagsak na lamang ito sa kalupaan and "KABOOM!" Ayun na nga ang nangyari. Now that's something.

Anyway, fast forward tayo sa present day.

MANILA, 2018 A. D. [Present day]

Sa isang computer shop sa Maypajo, may mga bagets na naglalaro ng Defense of the Ancient o mas kilala sa tinatawag ngayon ng mga bagets na DOTA. Habang busy sila sa paglalaro na may kasamang pagmumura at pagdadabog, may isang lalaking pumasok sa loob ng computer shop, nakasuot ng pulang blazer, black pants, at black shoes. Na'ng makita niyang walang bakante at hindi makasingit dahil sa dami ng mga bagets na naglalaro ng kinaaadikang online game, agad naman siyang gumawa ng diskarte.

Agad nangamusta ang binata

"Hi" bati ng binata "Puwede bang magtanong?"

Sabay nagtanong ang mga bagets "Bakit?"

Oh! That's me nga pala (ang nangangamusta sa mga bagets)

"Kanina pa kayo diyan?" tanong ko

Biglang nagtanong ang dalagang naka-uniporme, "Bakit, maglalaro ka?"

"Um, hindi naman" sagot ko "Why?"

Sandaling tumayo ang dalaga't ako'y nilapitan.

"Kung maglalaro ka ng DOTA. Magpa-member ka muna sa aming grupo ng mga DOTA players rito ha, bago ka makasingit" paliwanag ng dalaga.

"Well, hindi ko kailangan ng membership actually" sabi ko. "Naparito ako upang mag-internet browsing. By the way, puwede bang mag-YouTube?"

Sumagot ang lalaking busy sa paglalaro ng DOTA, "Di puwede! Bawal ang YouTube rito! Dito sa aming grupo, walang sinuman ang maiistorbo sa laro. Especially you"

"So, napapadalas pala ang paglalaro ninyo ng DOTA habang ang iba'y nag-aaral." sabi ko "Correct?"

"Ha, ibig sabihin ba nito e mangmang kami. Right?"

"No. No. (laughs)" ang aking masayang winika sa dalaga. "Actually matagal na. Mukha pa lang e adik ka na sa laro."

Hanggang sa ako'y nag-astang pulis sa harap ng mga DOTA players. Actually hindi ako pulis, umaakting lang para makasingit. Ayan ang aking diskarte.

And then I started to speak.

"Well everyone, I'm here because marami na akong natatanggap na complains laban sa inyo. Kagaya ng...."

Nadatnan kong may hawak na yosi ang dalagang naka-uniporme (Teka, 'di ba't bawal 'yon?)

"...naglalaro ng naka-school uniform at nagyo-yosi habang nag-eenjoy sa paglalaro" dugtong ko.

"Three questions. Are you studying? Ginagawa mo ba ang mga assignments mo? And..."

(lumapit ako sa dalaga)

"...may syota ka na ba?" then sabay kindat sa dalaga.

Nagambala sa paglalaro ang lalaking naka-sumbrero kaya nama'y agad siyang nagwika, "(nagmura) Ba't mo pinopormahan ang syota ko ha?"

"May boyfriend ka pala" bulong ko sa dalaga

"Tinatanong kita! (nagmura uli)" sigaw ng lalaki

"At ang isa pang complain, pagmumura ng malakas"

(biglang suplado mode)

"Hindi ko nagugustuhan 'yang ugali't pananalita mo, kaya mag-ingat ingat ka sa mga sinasabi mo"

Hanggang sa nagsitayuan ang lahat ng DOTA gamers.

"Huwag ninyong sabihing naghahamon kayo ng laban" sambit ko.

Sumagot naman ang nine year old na batang manlalaro ng DOTA, youngest DOTA player 'ika nga, "Hoy! Bakit? Kakasa ka?"

"Wow! Aakalain kong may bata pa lang naglalaro ng DOTA na walang galang sa nakakatanda" ang aking puna sa batang manlalaro. "Hoy bata! Mag-ingat ingat ka rin sa pananalita mo't baka mapalo kita ng 'di oras ei"

"Huwag mo ngang gaganyanin 'yang kapatid ko!" say ng dalaga

"Kapatid mo 'to?" tanong ko "E ano'ng ginagawa rito't naglalaro ng DOTA ha?"

"Wala ka na'ng pake!" sagot ng dalaga

Biglang lumapit ang isang payat na lalake sa aking harapan, at masaya akong tinanong, "Pare, nakatikim ka na ba ng suntok na malupit?"

"Ano'ng 'suntok na malupit'?" tanong ko sa kanya

"'Yung ganito" sagot ng lalake.

Hanggang sa sinuntok ako sa pisngi, at sabay nagsitawanan ang mga bagets. Well as for me, nakangiti lang ako kahit ramdam ang sakit ng pagkakasuntok sa akin. Ang nasabi ko na lang. "Matigas ka ha"

Hanggang sa bigla kong sinuntok sa tiyan ng malakas ang lalake, agad kinuha ng babae ang nakatiwangwang na sirang keyboard at ipinampalo sa aking ulo. Sinunggaban ako ng lalaking nakasumbrero at agad gumanti ang payat na lalake. Nagsitawanan uli ang mga bagets, so do I.

"Yun lang ba ang kaya mo?" tanong ko.

Agad kong inapakan ang paa ng lalaking sumusunggab sa akin, then bigla ko rin siyang sinikuan sa mukha. Na'ng makawala'y inupakan ko ang lalake at agad akong pumunta sa sulok. Hindi ko na namalayang napapalibutan na ako ng mga DOTA gamers.

Uh-oh! Mukhang dead end na ako.

"Looks like wala ka na'ng mapupuntuhan ngayon, dead on the spot ka na ngayon (laughs)" say ng lalaki habang pinapatunog ang kanyang mga kamao.

"Yeah. Looks like nowhere to go..." sambit ko "But I'll throw all of you." then I smiled. Dine-tach ko ang aking phone mula sa brace (other term for bracelet). Binuksan ko ang phone and then "IT'S MORPHIN' TIME!"

"What are you doing?" tanong ng dalaga

"Nagtanong ka pa ha" sambit ko. "Wala na'ng oras para magtanong young lady, dahil... it's KAMONRanger Time!"

Porma. Tapos sabay sigaw ng "Ready, Set, KAMON.... Go!"

Hanggang sa bigla akong lumiwanag na parang si Michael Jackson ng "Moonwalker", nagsitumbahan ang mga bagets mula sa pagkakahambalos sa kanila ng isang malakas na hanging may kasamang nakakasilaw na liwanag. Nabigla sila mula no'ng mag-transform ako bilang KAMONRed.

Anthony Jimenez and the Go! Go! KAMONRangers [Completed]Where stories live. Discover now