Chapter 11

2 0 0
                                    

Afternoon. Nagtungo sa isang simbahan sa Binondo sina Prof. Marcus at Marion upang doo'y magdasal. Hindi pumasok sa loob si Marion sa dahilang siya'y Born Again (Christian), kaya si Prof. Marcus na lang mismo ang nagsadya sa loob ng simbahan.

Habang naghihintay si Marion sa isang waiting shed na nasa labas ng simbahan, may nakita siyang isang babaeng ninja na nagmamasid along the street. Bukod sa kanyang ninja attire, may hawak siyang samurai, may kyutiks ang kanyang mga kuko, singkit ang mga mata't malamang Hapon. Sa pagpasok ng ninja sa entrance gate ng simbahan ay nasita siya agad ng guwardiya't pinalayas ito. Sinubukan muli ng babaeng ninja na makapasok sa loob pero bigo pa rin siya. And again, and again, and again. Well, she never gives up at all times, kaya maliksi siyang tumakbo as fast as she can papasok ng gate. Pero, sa kasamaang palad, sinipa siya ng guwardiya palabas ng gate.

Bakit kasi nag-costume pa ng pang-ninja ang babae.

Halos sumakit ang kanyang pigi dahil sa pagkakasipa ng guwardiya sa kanya.

Tinawag ni Marion ang babaeng ninja, "Psst... uy! Babaeng ninja!"

Napansin ng ninja si Mariong tumatawag sa kanya sa 'di kalayuan.

Agad tinuro ni Marion ang isang signboard na nasa gate. Nakita naman ng babaeng ninja ang signboard na nagsasabing "No Deadly Weapons Allowed."

Ang problema nga lang, hindi siya nakakaintindi ng English. Hapon nga e!

Kaya nama'y umalis ang babaeng ninja sa gate para mag-isip pa ng paraan upang makapasok sa loob.

Nagtataka ngayon si Marion. "Bakit pinipilit niyang makapasok sa loob ng simbahan?"

Well, ako nga rin ay nagtataka. Bakit kaya?

Hanggang sa bumalik na naman ang babaeng ninja, pero this time, siya'y pumasok sa exit gate. Okay na sana ang kanyang plano, kaya lang sinita siya ng isa pang guwardiyang nagnabantay sa exit gate. At doon sila naghabul-habulan sa harap ng simbahan, pero ilang saglit pa'y dinakip ng mga guwardiya ang makulit na ninja at inihambalos ito palabas. Nagbanta pa nga ang isang guwardiya, "Kapag nakita ko pa ang pagmumukha mo rito, dadalhin na kita sa pulisya!"

Nagbanta rin ang babaeng ninja sa wikang Hapon, "Kapag hinambalos niyo pa ako ulit, makakatikim kayo ng Hiten Mitsurugi Style sa akin!"

Saka na itong maliksing umalis.

May nakitang kakaiba si Marion sa attire ng mga guwardiya. Napansin niyang iba ang sapatos ng mga guwardiya, agad muling nagtaka ang aking 'espren'. Bakit combat boots ang suot nilang sapatos, 'di ba dapat black shoes?"

May isa pang napansin si Marion, may tattoo sa balikat ang isang guard.

Dahil sa lubos na pagtataka'y hindi na namalayang may tao pala sa kanyang likod. Hanggang sa pagtalikod ni Marion ay agad siyang nagulat, ang bumulaga sa kanya ay ang ka-batchmate niyang Benjamin.

"Hi!" bati ni Benjamin kay Marion. "Long time no see."

"Anak ng pating, ikaw pala!" ang bulalas ni Mariong hinahaplos ang kanyang dibdib dala ng pagkagulat. "Ano'ng ginagawa mo rito sa Maynila?"

"A e wala lang." sagot ni Ben. "Gusto lang kitang makita."

"Ano ka ba? Kita mo ngang nagmamasid ako e." sabi ni Marion. "Umuwi ka na nga sa inyo sa Cebu, wala kang mapapala dito."

"Ikaw talaga o, nagkita tayong muli for five years tapos pababalikin mo ako sa Cebu." sabi naman ni Ben. "Kailan ka pa nakabalik galing Dubai?"

"Alam mo, saka na tayo mag-usap. May hinihintay kasi ako." ang nayayamot na sambit ni Marion kay Ben.

Anthony Jimenez and the Go! Go! KAMONRangers [Completed]Where stories live. Discover now