HAPPY POV:
nandito na kami sa bahay ngayon nakaupo sa kainan hindi nga ako makakain ng maayos kasi itong nasa harapang kung lalaking ubod ng lamig ayun nakatingin sa akin"Aba !cold baka matunaw besh ko kakatitig mo mag papakasal pa kayo nhu!!"sabi ni shekina na pansin na siguro nya
"Oo nga may problema ba cold??"tanong ni kuya xian
"Wala naman!"sagot nya sabay subo ng pagkain
Wala daw halata kaya sa kanya sorry na lang sya magaling akong kumilastis ng isang tao kung nag sisinungaling o hindi
Natapos na kaming kumain nag bihis na ako ng damit first day kasi namin ni besh sa school dun na ako mag aaral sa school ni kuya
Nag bihis lang ako ng isang polong mahaba hanggang hita kulay red ,naka rubber shoes na kulay black na may medyas na hanggang baba ng tuhod nag sumbrero din ako
"Besh!!"sigaw ni shekina
"Bakit??"tanong ko nasa kwarto kasi kami ako nasa cr
"Labas ka na tingnan mo kung bagay ba yung suot ko!!"
"Ok"
Lumabas na ako nakita ko yung besh ko ang ganda ng suot nya naka palda sya na kulay black long sleeves na mahaba kulay puti at heels na kulay black medyas na katulad ng akin
"ang ganda mo besh !"sabi ko
"Talaga akala ko hindi bagay!!"sabi nya ang ganda kaya
(Author :isipin nyo ganon suot ni jennie at saeron)
Bumaba na kami ng kwarto nakita ko sila kuya nag uusap silang dalawa kaya nang makita nila kami umalis na kami nakakarating kami ng school WOW AS IN WOW!!
Nauna kami ni besh bumaba ng kotse at nag tingin tingin ang ganda talaga ng school nila wow na talaga.
"Happy and shekina!!"tumingin kami kay kuya
"Bakit??"tanong namin
"Pag andito tayo wag nyo kaming papansining dalawa ah!!"sabi ni kuya
"Bakit?? Naman!"tanong ni besh
"Basta maliwanag!!"sabi pa nya
Tumango kami umalis na din kami nag lakad lakad sa school para makabisado namin ang mga lugar ang pangalan ng school yan ito "dream high university"ganda di ba ??
"Ahhh nandyan na sila!!"
"Oo nga ang popogi nila!!"
"Ilove you na !!"
Napatingin kami sa mga babae nag kukumpulan dun sa may parking lot teka teka dun namin pinark yung kotse namin hala!!wag nyong sabihin na---
"Ano? Kaya yun besh!!"tanong nitong nasa tabi ko
"Ewan pabayaan na natin!!"sabi ko
"Okay hanapin na lang natin yung room nating dalawa!!"
Nag punta kami sa bulletin board at kung swerte ka nga naman classmate kami ni besh ayun kaya pumunta na kami sa room namin sa may banda ng bintana kami puwesto para mahangin at walang epal pansin ko din wala pang masyadong babae puro lalaki karamihan ang nandito palang sa room namin.
"Besh!!"tawag nitong nasa tabi kong maganda
"Hmm??"
"Bakit?? Parang ang konti ng babae!!"
"Ewan baka late l--"
"Hindi sila late maaga pa nga sila sa inyo!!"ayun sya ang dahilan yung babae sa harap ko mukha syang nerd
YOU ARE READING
Cold Meet Happy
RomanceHAPPY yan yung laging masayang tao parang walang problema COLD yan yung tahimik lang na tao at walang makikitang emosyon sa mukha. Pano?kung ang dalawang mag kasalungat na tao ay mag kita Pano?kung tumira sila sa iisang bahay May mamumuo kaya na pa...