Part II
"Miko, mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita. Wag mo kong iwan."
"Kaye, alam ko at ganun din naman ang nararamdaman ko sa'yo pero.."
"Pero ano? Mahal mo siya? Di ba ako yung una mong minahal? Bakit siya yung uunahin mo? Miko, mas kilala mo ako kaysa sa babaeng yon! Miko, mahal kita! Wag mo akong tratuhin ng ganito."
"Kaye.."
"Miko, ako ang piliin mo! MIKO! ANO BA!"
"Kaye.."
----
"Kaye!" Naalimpungatan ako. "Diyos ko naman, nak. Tanghali ka na kung magising. Linggo ngayon! bilisan mo para umabot ka pa sa misa."
"Ay opo..."
Panaginip lang pala. Sana totoo nalang yun. Sana dumating nalang sa punto na kaya ko nang ipaglaban yung nararamdaman ko kay Miko kasi mahal ko talaga siya.
It has been two years since nagkita kami ni Miko, yung gf niyang si Claire, at si Jojo. Wala ako masyadong balita sa kanila kasi alam ko namang busy sila sa studies nila, lalo na't college. Fourth year highschool na ako ngayon, sila naman second year college. I can't believe na patapos na yung apat na taong di ko makakalimutan sa tanan ng buhay ko. Kwento sa akin ni Carmela, Engineering pala ang tinake ni Claire. Nakakainggit, kasi alam kong di ko talaga siya mapapantayan. Si Miko naman daw, Psychology at ngayon ko lang nalaman na Nursing ang kinuha ni Jojo. Masaya ako sa kanila, pwera lang kay Claire. Sobra talaga akong nagseselos kahit wala naman akong karapatan. gahd.
Di sumama sila Inay sa Simbahan dahil may gagawin sila noon kaya't ipagsimba ko nalang daw sila. Ako, na hindi sanay mag-isa ay pinilit makinig sa misa dahil alam kong kasama ko naman ang Diyos. Sa di kalayuan, may natatanaw ako. Pamilyar ang imahe niya sa kalayuan. Papalapit.. ng papalapit.. Ay. Si Jojo!
Taga dito pala siya sa parokya namin eh. Nagulat lang ako. Gusto ko siyang lapitan, pero parang may pumipigil sa akin na huwag na. Ang hirap, dahil kaibigan ko naman siya noon pero, oo nga pala.. hindi kaibigan ang tingin niya sa akin, kundi mas higit pa doon. Tapos na ang misa. Luminga-linga ako para hanapin siya. Gusto ko siyang kausapin, hindi ko alam kung bakit. Ang gulo!
Umaasa talaga akong makausap siya. Kung di ko man siya makita, sana nakita niya ako. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Paano na yung pagmamahal ko kay Miko? Mahal ko ba si Jojo?
"Kaye!" Lumingon ako dahil narinig ko ang pangalan ko. Sabay nakita kong tumatakbo ang napaka-kyut na bata na hinahabol ng kuya niya. Nadismaya ako sa pag-aakalang si Jojo iyon. Nakakabadtrip. Napansin kong nahulog nung bata yung laruan niya. Sa isip-isip ko, "teka, ihahabol ko nga 'to." Pupulutin ko na sana. Malapit na ang kamay ko sa laruan nguni't may naunang kamay na nakapulot. Pamilyar ang suot na relo sa kamay nito. "Hi Kaye. Kamusta ka na?"
Si Jojo. Hindi ako makaimik, tila napako ang mata ko sa mga mata niya. Tinigil niya ang takbo ng mundo ko sa mga ngiting nakakatunaw sa labi niya. Ano ba itong nararamdaman ko? Nahihiya ako sa ginawa ko sa kanya noon. Pero, infairness.. sobrang pumogi talaga siya. Is it him, or is it just me falling for a guy I once hurted. pero pano na si Miko.
(Hindi 'to pwede! HINDI 'TO PWE--) "Wala kang pinagbago ah. Still beautiful." ani ni Jojo, sabay nakakatunaw na smile.
Teka, ano 'tong nararamdaman ko? Love at first sight ba?
"Hahaha! Salamat? Kamusta ka na? Long time no talk ah!"
"Ah, eto. Masaya."
Masaya? hala.. baka may girlfriend na siya, pano yun. :( Matatawag ko na bang forever-alone ang sarili ko? o mas bagay kayang makatanggap ng Dakilang Sawi sa Lovelife Award? Iibahin ko nalang yung usapan..
BINABASA MO ANG
A Sophomore Love~ (Tagalog)
Teen FictionThis Tagalog story is about Kaye and her love life when she was in second year highschool. The story will teach you that when talking about love, you just need to follow your heart and be faithful to the one you love, that even time can't fade your...