Chapter 2: Welcome to XD Gang

18 2 1
                                    

Ilang minuto rin akong nakatayo at nakatulala sa labas ng coffee shop. Nasa tenga ko pa rin ang phone na hindi ko talaga  pagmamay ari.
Ano bang kamalasan' to? Sabihin nyo na, May ginawa ba akong masama para makarma ng ganitong kasobra?

[ Hoy! Nakikinig ka ba? Sabi ko pumasok ka ulit dito sa coffee shop at hanapin mo ko ]

Aba! makapag utos' to ah! Yaya ako? Taena! Hindi ako papayag

" Ayoko, Ano ako yaya mo! "

kakainis' to! Pwede namang sya na ang gumawa. Ungentleman lang ang peg!

[ Edi, Hindi mo makukuha ang phone mo ]

" Aish! Oo na! Wag na wag mong ibababa' to "

Sinimulan ko nang maglakad pabalik doon sa loob. Wala pang ilang hakbang nanginginig na yung buong katawan ko.
Ewan ko kung bakit ako naggaganito. Aish!! Ewan

Pagkapasok ko sa loob, inikot ko agad ang aking mga mata. Hindi ko sya makita kasi sobrang dami ng tao dito

" Hey! Saan ka ba? Nandito na ako sa loob "

[ table 6 ]

table 6? table 6?

I got it! Sa wakas nakita ko na rin sya. Lumapit kaagad ako sa kanya at inihagis sa table ang kanyang phone pero syempre joke lang yun. Nilapag ko dahan dahan ang kanyang phone at napa ' ehem' ako na senyares na kukunin ko na ang phone ko
Padabog nyang binigay yung phone ko na hindi man lang tumitingin sa akin.
Aba! Lokong lalaki to ah!

" Sorry po " pang iiyamot ko

Tumalikod na ako tsaka lumabas na. Akalain mo yun na may kaharap syang babae tapos kung umasta. Parang walang respeto. Ayst! Mas mabuting makauwi na lang

Hindi na ako sumakay ng bus dahil mas gusto ko pang maglakad. Hindi naman kalayuan ang amin. Hindi sa nagtitipid ako, Nakakasawa lang sumakay ng bus

Nang makarating na ako sa bahay, Walang Joshua ang bumungad sa akin sa harap ng gate.
Nakakapagtaka, Lagi naman nya yun ginagawa sa akin. Minsan nga, Nagtatago pa sya sa likod ng halaman para gulatin nya ako

" okay, pakisabi sa kanya, Sa coffee shop na lang magkikita "

Naalala ko bigla yung huling sambit nya kanina doon sa katawagan nyang si Daniel. Hindi kaya doon sya pumunta at may imemeet syang gang. Baka nga doon sya pumunta

Napabuntong hininga na lang ako at nilalanghap ang simo'y ng hangin. Ramdam ko ang lamig nito sa aking katawan. Pumasok na ako sa loob at nakita ko agad si mama na nakabendang nakaupo sa sofa at ito'y nagbabasa ng magazine

" I'm home " sabi ko na ikinalingon ni mama. Nakangiti syang nakatingin sa akin at sabay nyang sinarado at nilapag ang magazine sa table tsaka ito tumayo

" Oh.. Frincel " tawag sa akin ni mama at ito'y lumapit sa akin tsaka hinawakan ang magkabilang balikat ko " Nagugutom ka na ba? " umiling lang ako at ningitian ko sya ng malawak kasabay ang pagyakap ng mahigpit

I just wanna say that I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon