"Tula Ng Batang 90's" (Tula)

1.8K 59 34
                                    

Akay na magagandang alaalang binabalik-balikan,

Tulad nang mga panahong naglalaro ng tagu-taguan;

Laging nakabilad at amoy-araw dahil sa habulan,

At yung masasayang kwentuhan sa bahay-bahayan.

Nagiging isang superhero gamit lamang ang kumot,

O di kaya, yung sa hari’t reynang pangarap na isuot.

Patintero, luksong tinik, tumbang preso't baril-barilan

Ay iilan lamang yan sa mga larong ating kinagisnan.

Inaabangan palagi ang mga paboritong programa, 

Inuukit ang bawat pangalan sa puno ng mangga;

Tatalon sa ilog na nakangiti’t minsa'y hawak-kamay,

Ngunit may palo naman sa puwet pag-uwi sa bahay.

Di ba’t tikis nating gunitain ang mga nangagdaaan? 

Saglit na mabalikan ang ating kwentong nasimulan.

Lumipas ang mga taon, kasalukuyan minsa'y di nais,

Nakakamiss rin pala ang maging isang batang 90’s!

All Rights Reserved © 2014

"Tula Ng Batang 90's" (Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon