*** Nheil's Note
Yipee! Chapter 4 na and this is the last chapter of this story. I hope yoy enjoyed reading this story. I will publish the epilogue kung may time na akong ma edit yun (^_^)v. Read also Prism Of Love para malaman niyo yung current status ng dalawa. Thank you \(*u*)/!
Cram's POV
4th confession ko na. Isa nalang at matatapos na ako. Nice knowing me guys? XD. Ano pa kayang ikoconfess ko sa inyo? Ah tama yung pinakamasakit sa lahat .. Yung iniwan niya ako.
~ Flashback ~
Ilang buwan narin kami ni Sandra. Sobrang mahal na mahal ko siya. Ganun din naman siya sakin, mahal niya rin ako <3. Kahit na isang floss wala kang makikita saming dalawa. Alam narin ng buong school na kami na ni Sandra. Hindi ko nga alam kung bakit kumalat yung balita.
"Cram?" - Sandra.
"Hmmm?" - Ako.
"Wala lang." - Sandra.
"Ano ba kasi yun?" - Ako.
"Kung isang araw iiwan kita huwag kang magagalit ha?" - Sandra. Huh? Bakit kung magsalita siya parang aalis talaga siya? Ah! Baka prank niya nanaman to.
"Bakit naman ako magagalit?" - Ako.
"Wala lang kasi yung mga nababasa ko sa libro. Kapag aalis yung babae magagalit ang lalaki." - Sandra.
"Bakit aalis kaba?" - Ako.
Naging tahimik ang paligid pagkasabi ko nun. Bakit parang ang weirdo ata ng topic niya ngayon? Bakit? Aalis ba talaga siya? Iiwan niya ba talaga ako?
"H-hindi." - Sandra.
Ilang minuto din bago niya ako sinagot sa tanong ko kanina. Naging mas komportable ang pakiramdam ko nang sinabi niyang hindi. Malaki kasi yung tiwala ko sa kanya kaya hindi ko na siya tinanong ulit.
---
Klase nanaman. Hindi parin matanggal sa isip ko yung weirdong tanong ni Sandra sakin sa date namin nung sabado. Wala lang siguro yun.
"OMG! Cram si Sandra nasa airport na!" - Rapunzel.
"Nagbibiro kaba?" - Ako.
"Hindi. Kanina kinuha niya yung mga gamit niya para makalipat na siya ng ibang university sa France." - Rapunzel.
Nawindang ang mundo ko sa mga sinabi ni Rapunzel. I can't believe na kaya niya akong lokohin ng ganito. Cram, wala ng oras para mag speech.
"Rapunzel drive me until we reach the airport."
Sandra's POV
"Mom, I'm at the airport in this moment. Don't worry I will never break our deal." - Ako.
Masakit. Ang sakit ng puso ko ngayon. I love him so much pero dapat isa lang ang pipiliin ko. Kung siya or yung opportunity na maging isang tanyag na akong fashion designer. Alam kong alam niyo na kung ano ang pinili ko. Binantaan din kasi ako ni mama na kung hindi ko siya iiwan siya mismo ang magpapahiwalay saming dalawa.
"Callin all passengers for flight 137 going to France." - Announcer.
Ayan na. Iiwan ko na talaga ang Pilipinas. Ewan ko kung babalik pa ako rito pero isa lang ang conclusion ko ngayon, wala na kami </3.
"SANDRA!!!"
Napalingon ako sa lalaking sumigaw ng pangalan ko. Nabigla ako dahil siya pala yun. Nakakahiya. Pinipigilan na siya ng mga guards na pumasok pero pumipiglas parin siya. Tumulo yung mga luha ko. Gusto kong puntahan siya pero maiiwan ako sa flight ko.
"SANDRA!" - Cram.
Tumalikod nalang ako at lumakad palayo. Hindi ko kayang pakinggan na sinisigaw niya ang pangalan ko habang umiiyak.
"Sandra! Hindi mo na ba mahal si Cram at tinalikuran mo nalang siya ng basta basta? Pumunta ka dito or isigaw mo nalang na hindi mo na siya mahal. Huwag mo siyang paasahin." - Rapunzel.
Nandilim yung paningin ko. Tingin ko galit na galit ako sa mga pinagsasabi niya. Mahal ko pa si Cram pero hindi na pwede.
"YEAH! I DON'T LOVE HIM ANYMORE. WAG KANG UMASA CRAM NA MINAHAL KITA NG TUNAY. GINAMIT LANG KITA!" - Ako.
Tumakbo ako palayo alam kong shock na shock silang dalawa sa mga sinabi ko. Ayaw tumigil ng mga luha kong tumulo. Why do I need to make this kind of decision?
Cram's POV
Tatlong buwan na ang nakalipas simula nung iniwan ako ni Sandra. Ewan ko lang pero tingin ko ngayon sa mga babae ay parang laruan lang. Kapag ayaw ko na iiwan ko na.
Si Rapunzel ang naging kaibigan ko na parang iniintindi ako. Nakaka-inis daw kasi bakit kay Sandra lang umikot yung mundo ko. Dumami nga yung mga kaibigan kong lalaki. Nahahawa ako minsan sa mga kapilyuhan nila.
"Ang pangit mong makipag halikan. Ayaw ko na sayo." - Ako.
Tumalikod ako sa babaeng kanina lang ay kahalikan ko. Girlfriend este Ex-girlfriend ko na siya ngayon. Alangan ba naman hindi marunong makipag halikan. Sinong papatol dun?
~ End of Flashback ~
Nakakahiya mang sabihin na nagka 69 girlfriends ako. Lahat sila panakip butas lang. Wala akong minahal sa kanila. At dun nagsimula ang pagiging playboy ko.
